Prologue

180 20 7
                                    

Prologue

"Where am I?" I asked myself.

Kanina pa ako takbo ng takbo at kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta ay nagpatuloy pa rin ako sa ginagawa. Nang hindi ko na makayanan ay saka lamang ako tumigil. Ang kaliwa kong kamay ay nakahawak sa tuhod ko bilang suporta habang ang kanan naman ay nakahawak sa dibdib ko. My heart is beating so fast that you think it will explode at any moment.

Ang lahat ng nangyayaring ito ay may dahilan. Lumayas kasi ako sa amin. Yes, lumayas ako. Gusto ko lang naman takasan ang mga problemang pinagdadaanan ko. Bakit? Masama ba? Wala na kasi akong maisip na ibang paraan. I don't have any choice because this is the only thing that comes in my mind.

I caught my boyfriend, Warren, cheating on me. Two years na kaming magkarelasyon pero nagawa niya pa rin akong lokohin.

We love each other so much but the day came when I caught him kissing another woman. Ang hindi ko matanggap ay doon pa sa taong kasama ko mula nung bata pa ako. Yung taong kasama ko sa lahat ng bagay, malungkot man o masaya. Yung taong pinagkakatiwalaan ko. Yung bestfriend ko pang si Charlotte.

Without thinking, I broke up with him. That asshole!

In our house ay lagi akong napapagalitan, na kesyo ganito, ganyan. Lahat na lang ng ginagawa ko mali. Lahat na lang ng ginagawa ko hindi sapat. Once in a blue moon na nga lang silang umuwi because of our business pero lagi na lang nila ako sinesermunan every time na makita nila ako. Ano pa bang gagawin ko?

My grandmother, my dearest lola Amanda. She's the only one there beside me. She's my favorite person. She's my happy pill. Ngunit kinuha rin siya sa akin.

Grandma has a heart condition. Inatake siya nung araw na nag-aaway kami ng parents ko. That time ay ipinagtanggol niya ako. Until the thing I scared the most happened. I cried a lot. Hindi ko matanggap!

I really love her so damn much!

Luminga ako sa paligid. I don't know kung nasaang lupalop na ba ako ng mundo napadpad. I guess it's a village. Sobrang dami kasing puno at kakaunti ang kabahayan.

Napahawak ako sa aking sikmura dahil biglang kumalam ito. Magdidilim na din pero hindi ko alam kung saan ako tutuloy. Wala akong kahit na anong gamit dahil nanakawan ako kanina habang nagda-drive ako ng aking kotse. May humarang sa akin na masasamang tao. Kinuha nila lahat ng gamit ko. Cellphone, pera at maging ang kotse ko. May hawak silang kutsilyo kaya naman sa sobrang takot ko'y naibigay ko lahat sa kanila.

"Damn this life!" Ang malas-malas ko talaga!

Naiiyak na ako sa sobrang inis. Maging ang buhok ko ay nasabunutan ko na at napa-upo na lang ako sa may tabi ng kalsada.

Ilang minuto ang lumipas ay may dumaan na puting van. Lumampas ito sa akin ngunit nangunot ang noo ko sapagkat bigla itong bumalik. Napaatras ako sa kinauupuan ko dahil baka may masamang balak ding gawin ang mga ito. Nang tuluyan itong tumigil sa harapan ko, iniluwa nito ang isang matandang lalaki.

"Sino po kayo?" nanginginig kong tanong.

Mapagkakatiwalaan ba siya? Baka mamaya siya pala ang mastermind ng mga carnapper. No!

Ang seryoso niyang mukha ay napalitan ng isang malaking ngiti. Pero sa kabila niyon, kita ko sa kaniyang mga mata ang labis na pag-aalala.

"No, don't be scared. I'm not a bad person." umiling siya. "My name is Rudolfo but you can call me lolo Rd para astig." tawa niya.

I don't know what to say or kung magrereact ba ako sa sinabi niya kaya naman nanahimik na lang muna ako.

"Anyway, do you have a problem?"

Hindi ko pa rin alam kung magsasalita ba ako. Mapagkakatiwalaan ba talaga siya?

"Oh, c'mon. You can trust me, hija. Promise, swear to God."

When I saw that he was sincere, I nodded slowly. "Uh, yes po. I have a problem."

"What is it?"

"I don't know where I am and also where I'm going to."

"You mean, matutuluyan?" He asked.

I nodded. Natahimik siya na tila nag-iisip ng malalim. Hanggang sa nagsalita ulit siya dahil may naisip siyang magandang ideya.

"Sa bahay ko.." he stopped.

"..you can be there." sabay hagikgik. "Galing ko talagang mag-isip."

"Po? Pwede po dun? Pero nakakahiya po." I said.

"No, don't be shy. You're free there. Sige ka magdidilim na tapos wala ka pang matutuluyan. Baka kung ano pang mangyari sa'yo." sabi niya.

"Lolo Rd, pero—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tinalikuran na niya ako.

Umupo na siya sa loob at nakangiting tinapik ang katabing upuan.

"Hija, let's go."

Napakamot ako sa ulo ko. Kahit nag-aalangan pa din ay unti-unti kong inihakbang ang mga paa ko at hindi ko na namalayan na nasa loob na ako ng kaniyang sasakyan.

______

♡♡

At First Sight (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon