Kabanata 22

60 8 8
                                    

"How dare you, Bruno. Bakit mo ginawa 'yon!" bulyaw ko. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dala ng matinding galit.

"My God, Miya, dalawang beses mo na akong nasasampal. What's wrong with you?"

"What's wrong with me? Naririnig mo ba ang sarili mo?"

"Miya, akala ko ba mahal mo ako? Why are you doing this?" balik-tanong ni Bruno habang himas ang namumulang pisngi. Bakas sa mukha nito ang matinding kalungkutan at pighati na tila ako ang may nagawang mali sa aming dalawa.

"Mahal kita pero hindi sa ganitong paraan," sagot ko na hindi malayo sa katotohanan. Inayos ko ang pagkakabutones ng uniform ko.

"Tayo na, hindi ba? Natural lang ang ginawa ko dahil girlfriend na kita."

Gusto kong matawa sa mga sinabi ni Bruno. Ano bang klaseng pag-iisip meron ito? Tingin ba nito sa mga babae ay sex object lang?

"Bruno, sinabi kong mahal din kita, pero hindi ibig sabihin nito tayo na."

"Hindi 'yan ang pagkakaintindi ko nang aminin mong mahal mo rin ako. Patatagalin pa ba natin, Miya? Seriously? We really don't have much time."

"We all have much time, Bruno. Makakalabas tayo rito," matatag na sabi ko.

"If we survive this."

"When, Bruno. We will survive this."

Bahagyang nagdilim ang mukha ni Bruno.

"Sinabi mong mahal mo rin ako. Mahal din kita. I daresay na tayo na."

"Hindi pa official," may pag-aalinlangang tugon ko. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng official sa usaping pakikipagrelasyon pero binanggit ko na rin para lang may masabi ako. Nagsisimula nang sumakit ang ulo, at ang huling bagay na gusto kong mangyari ay ang pagtalunan namin ni Bruno ang tungkol sa pag-iibigan namin na tanging ito lang ang nakaaalam at nakadarama.

"Then tayo na unofficially. Is that what you want to hear?"

"Bruno..."

Marahas na hinawakan ni Bruno ang magkabilang balikat ko. Bago pa ako makatugon ay muli ako nitong hinalikan. Nagpupumiglas ako. Inihilig ko ang ulo ko palayo kay Bruno dahilan para maputol ang ginagawa nitong paghalik sa akin. Bumangga sa likod ko ang gilid ng counter nang umatras ako, at nang muli akong humarap ay buong higpit akong kinulong ni Bruno sa mga braso nito.

"Bruno, nasasaktan ako!"

"M-Matagal na kitang pinapangarap, Miya. Ikaw ang ligaya ko. Ang pangarap ko. Ang buhay ko. Mahirap ba'ng intindihin 'yon. Ha? Mahirap ba?"

"Bitiwan mo ako. Ano ba!"

Sa halip na sumunod, lalo pang hinigpitan ni Bruno ang pagkakayakap sa akin. Kumurba ang isang payak na ngiti sa mga labi nito.

"Miya, mahal na mahal kita. Please, patunayan mong mahal mo rin ako," tila nananaginip na anas ni Bruno. Muling namasa ang mga mata nito. "Pagbigyan mo na ako. Alam kong kanina ka pa nilalamig. Ako rin, can't you see? Mahal natin ang isa't-isa. Walang masama kung magpapainit tayong dalawa."

Kinilabutan ako sa mga sinabi ni Bruno. Hindi ako makapaniwalang magagawa nitong sabihin sa akin ang mga bagay na ito.

"S-Sige, Bruno, pero kailangan muna nating makaalis dito. Pinangako mo na itatakas mo ako rito," pagsisinungaling ko. Gusto kong maiyak. Hindi na ito ang Bruno na nakilala ko. Parang ibang tao na ang kausap ko. Ano'ng nangyayari kay Bruno?

Tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga mata ni Bruno. Nagtiim ang bagang nito. Bahagyang lumuwag ang pagkakayakap nito sa katawan ko.

"Malakas ang buhos ng ulan, Miya. Ito na yata ang pinakamalakas na bagyong tumama sa lugar natin. Umapaw na ang Pagsanjan River. Siguradong binuksan na rin ang dam. Sa tingin mo makakaalis tayo sa ganito kasungit na panahon? Let's face it. We're both stranded here."

My Teacher is a Serial KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon