Malapit na kami sa bukana ng gate ng hallway nang magsipagbuhayang muli ang mga speaker sa loob ng bawat silid-aralan maging sa stage sa hindi kalayuan.
"Sa tingin ninyo makakatakas kayo nang buhay sa paaralang ito? Do you actually think na hahayaan namin kayong maisuplong kami sa awtoridad? Nagkakamali kayo ng akala, mga hangal!"
Tumigil kami sa pagtakbo. Nagkatinginan kami ni Bruno. Ninyo. Kayo. Paano nalaman ni Mrs. Villarica na hindi ako nag-iisa?
"Look!" Tinuro ni Bruno ang isang bilugang bagay na nakadikit sa dingding. Umiilaw ang paligid nito. "Cctv camera, Miya. Nakalimutan nating nakakalat ang mga ito sa ilang sulok ng paaralan."
Nanlumo ako sa narinig. Tunay ngang pinakamakapangyarihan ang prinsipal sa paaralang ito. Nakikita nito ang bawat galaw namin ni Bruno sa labas ng mga silid-aralan. Para itong may mga mata na nakapalibot sa amin na kahit saan kami magtungo at magtago ay matatagpuan pa rin kami.
Makatakas pa kaya kami sa mala-impiyernong paaralan na ito?
BINABASA MO ANG
My Teacher is a Serial Killer
HorrorNang pahiyain ni Miya ang kanilang Math teacher sa harap ng klase, ang buong akala ng bata ay tuluyan nang matatapos ang maliligayang araw ng dragon. Nagkamali siya. Nang ipatawag si Miya sa Principal's Office, natuklasan niyang mas kinampihan pa ng...