Chapter 24

7.4K 317 85
                                    







Unedited...




Confirmed!

Buntis nga si Ayesha kaya galit na galit ito kay White.

"Paputok ka lang kasi nang paputok!" bulyaw niya nang nahihilo na naman. Maselan ang pagbubuntis niya ngayon at panay ang suka.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Nathalie nang lapitan sila.

Magtatatlong buwan pa lang ang tiyan niya kaya hindi pa halata.

"Suka po kasi ako nang suka," sagot ni Ayesha at kinuha ang tubig na inabot ng asawa.

"Hyperemesis gravidarum?" tanong ni Nathalie.

"Yes po. Lahat ng kinakain at iniinom ko, lumalabas."

"Ano ang sabi ng OB mo?"

"Meron akong thiamine supplement," sagot ni Ayesha sa asawang namumutla.

"Sige, maiwan ko muna kayo. Mamaya na i-deliver ang wedding gown mo."

"Salamat po," pasalamat ni Ayesha at sinundan ng tingin ang ina ng asawa.

Two days na lang ay valentines day na at kasal na nila kaya excited na kinakabahan siya.

"S—Sorry talaga misis kung nahihirapan kang magbuntis," paumanhin ni White at hinawakan ang kamay ng asawa.

"Wala pa ngang isang taon ang kambal, nasundan na naman!" aniya na hindi pa rin makapaniwalang buntis na naman siya. Kakabawi pa nga lang niya sa katawan, heto na naman siya.

"H—Hindi ko naman sinasadya," sabi ni White pero agad na iniwas ang mga mata nang masama ang tingin ni Ayesha.

"Uy, kamusta ang ikakasal?" masiglang tanong ni Skyler na kakarating lang. "Ang saya! Marami na akong apo lalo na kay Black."

"Okay lang po, Lolo Skyler," magalang na sagot ni White at nagmano sa lolo.

"Grabe, nasundan kaagad," ani Skyler at tinapik sa kanang balikat ang apo. "Basta Villafuerte, shooter talaga."

"Oo nga po e," ani White pero sa kaloob-looban ay masaya siya kahit na matinding galit ang natikman niya kay Ayesha.

"Sa kakakain mo siguro 'yan ng poque," ani Skyler at humagikhik kaya pasimpleng napasulyap si White sa asawang nahihilo pa rin. "Maiwan ko muna kayo, nakakapagod sa opisina e."

Dito sa villa ng mga Villafuerte gaganapin ang kasal at bukas na magsisimula ang decorator ng kasal at lahat. Sa malawak na clubhouse ang venue at kagaya ng pakiusap nina Black at White ay bawal i-broadcast dahil masyadong ma-private si White.

"Handa ka na ba sa kasal natin?" nagdududang tanong ni Ayesha.

"Oo naman," sagot ni White at naupo sa tabi ng asawa. "Handang-handa na ako, misis."

"Okay," sagot ni Ayesha pero hindi maialis ang pangamba. Paano kapag mahimatay si White? Iyon din ang pino-problema ng lahat. "Baka himatayin ka ha."

"Hindi na," kampanteng sagot ni White at pinisil ang kamay ng asawa. "Ipinapangako kong hinding-hindi ako himatayin, misis." Nakahanda na siya. Hindi puwedeng mapahiya siya sa araw ng kasal. Isa pa, magdadala siya ng white flower para sigurado siya.

"Sige. Basta kapag himatayin ka, hindi na matutuloy ang kasal!" pagbabanta ni Ayesha.

"Promise, hindi ako himatayin!" siguradong sabi ni White.

Wedding day...




"Okay ka lang?" bulong ni Black kay White dahil namamawis ang kamay nito. Mas pinili nilang dito sa Baclaran church magpakasal dahil napaka-memorable para sa mga Villafuerte ang simbahang ito. Dito rin kasi ikinasal ang mga ninuno nila at nagkakilala sina Kevin at Ella.

The Heart of Education (probinsya series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon