14

7.1K 322 52
                                    









Unedited...







"Dapat diniretso mo na sa washing machine," sabi ni Ayesha nang pagbangon ay naglalaba si White.

"Okay lang, wala akong tiwala sa washing," sagot ni White at nilagay sa loob ng washing ang kinusutang puting damit at nilagyan ng sabon at Downy para mabango.

"Wala na ba tayong downy? Ito na lang ang natira?"

"Surf lang meron sa tindahan at matagal pa naman 'yan maubos."

"Downy antibac safeguard lang ang gusto ko. May 99.9% germ protection at mabango pa kahit na walang araw," sabi ni White.

"Ako na ang magsasampay mamaya, magbihis ka na." Napakasigurista ni White lalo na pagdating sa mga puting damit kaya hinahayaan na niyang maglaba ito nang maglaba.

"Kain muna tayo, misis. Luto na ang ulam pero beef tapa lang ang niluto ko at miswa na may patola," sabi niya dahil nang tumingala siya sa bubong ay may bunga na ang patolang tinanim niyang gumapang sa bubong.

"Masarap nga 'yon."

"Mas masarap ang asawa ko," sabi ni White at nginitian si Ayesha. "Maliligo na ako. Sabay ka?"

"Nandiyan na si Janina," sagot niya at pinandilatan ang asawa.

Tumigil si White at tinitigan si Ayesha kaya napahakbang ito pabalik.

"Eh kung wala si Janina, sasama ka?" may himig ng panunuksong tanong ng binata kaya napanganga si Ayesha.

"H-Hindi ganun 'yon. Maligo ka na nga!" sabi niya.

"Ikaw rin, maligo ka rin mamaya para mabango ang-" sinadya niyang bitinin ang karugtong, "katawan mo," dagdag niya saka pumasok na kaya napapikit si Ayesha at lumanghap ng sariwang hangin.

Nang bumalik siya sa loob ay binuhat niya si Green Maroon. Iyakin kasi nito at napaka-sensitive. Kaunting ingay lang ay nagigising na at kaunting gusot lang ng higaan ay namumula ang balat. Kaya nga bantay sarado talaga siya sa mga langgam dahil minsang kinagat ito ay grabe na ang pamumula ng kinagatang balat. Buti na lang pag-uwi ni White ay medyo okay na at sa likod lang kaya hindi nito napansin.

"Kain muna tayo," yaya ni White. "Ikaw rin, Janina."

"Kumain na po ako sa bahay," sagot ni Janina. "Kuya, puwede po bang palagay ako ng baboy sa ref? Nagpakatay kasi sina Mang Ambo kaninang madaling araw kaya kumuha ng limang kilo si Tatay," pakiusap ng dalagita.

"Sure. Sa freezer mo na lang ilagay," sagot ni White.

"Sa inyo raw po ang isang kilo."

"Salamat," sabat ni Ayesha. "Nagpakatay pala, hindi ka man lang nagpasabi."

"Naka-reserve po kasi. Sa susunod na ani ang bayad," sagot ni Janina. Palay ang binambayad nila sa baboy dahil wala naman silang perang pambayad.

"Sige. Ako na lang ang maglalagay ng baboy. Saan na ba?" tanong ni Ayesha dahil pati paglagay sa ref ay maselan din si White kaya baka magreklamo ito.

"Mamaya na 'yan, kain muna tayo misis. Kaunti lang ang kinain mo kagabi," yaya ni White kaya kumain na muna si Ayesha para makaalis na si White dahil baka ma-late pa.

Nang matapos silang kumain ay si Ayesha na ang nagligpit ng mga gamit at nag-ayos na si White sa kuwarto nila.

"Alis na si Tatay," paalam ni White sa kambal.

"Ingat ka," sabi ni Ayesha.

"Kayo rin, misis. Uuwi ako agad mamaya after ng klase," sabi ni White at hinapit siya sa bewang. "Alis na ako."

The Heart of Education (probinsya series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon