Salamat ulit sa mga nag-i-introduce o nagpo-promote nitong story ko sa mga kakilala ninyo. I love you so much po.☺️☺️ sana hindi ko kayo binigo.☺️
Unedited...
"Kain ka muna," sabi ni Ayesha nang maupo sa tabi ni Dark pagkatapos ilapag ang nilagang mais at kamoteng kahoy. "Mainit pa 'yan."
"Ate?" tawag ni Honey Grace na may bitbit na buko juice na nakalagay sa pitsel.
"Palagay ako," sabi ni Ayesha kaya inilapag ni Honey Grace ang buko juice sa table. "Kami na ang magsasalin."
"Sige po. Dumating po ang mananahi," ani Honey Grace.
"Sige, salamat. Unahin mo na lang ang mga bata sa pagpasukat," wika ni Ayesha.
Bumaba na si Honey Grace kaya sila ang naiwan sa rooftop. Alas tres ng hapon kaya tumambay rito si Dark para magnilay-nilay. Hindi naman mainit dahil nasa ilalim naman siya ng plastic outdoor sunshade.
"Kain ka na," sabi ni Ayesha kaya napatingin si Dark sa asawa. "Matamis 'to dahil kakapitas lang."
"May mais ka bang tanim?"
"Sa ngayon kamote ang itinanim namin pero galing sa Upi, Maguindanao ang mais. Pinadala raw ni Ashtray Czarina kahapon."
Kumuha si Dark ng isang puting mais at kumain habang nakatanaw sa malawak na lupain. Nakakalahati na siya ng isang pirasong mais nang mapansing nakatitig si Ayesha sa kanya kaya tumigil siya at hinarap ito.
"May kailangan ka?"
"Wala," sagot ni Ayesha at itinuon ang paningin sa harapan nila. "Nakaka-amaze lang dahil kamukhang-kamukha mo talaga ang asawa ko tapos kasing pogi mo pa."
Napatikhim si Dark at nagsalin ng buko juice sa baso.
"Magkasing katawan din kayo. May abs din si White. Ang pinagkaiba lang tan skin ka. Siguro dahil sa Antique ka lumaki."
"Huwag mo akong ikumpara sa kanya!" salubong ang kilay na sabi ni Dark. Bakit ba nandito ito? Buong araw na nga niya itong iniwasan mula nang bumalik sila kahapon tapos dikit naman ito nang dikit ngayon.
"Pasensiya ka na," paumanhin ni Ayesha. "Miss ko lang kasi si White. Ang yakap niya at well, ang mga halik niya. Kung pinapanood lang niya ako ngayon, ang dami kong gustong itanong sa kanya. Alam mo bang naging mabuti siyang ama't asawa?"
"Wala akong pakialam!"
Ipinagpatuloy ni Dark ang pagkain ng mais pero naasiwa siya sa presensya ni Ayesha.
"Gusto mo ba? Kain ka," alok ni Dark.
Kumain din si Ayesha kaya pinakiramdaman niya ito.
"Dark?" mayamaya'y wika nito.
"Bakit?"
"Aakyat kami sa Mt. Apo," sabi ni Ayesha kaya napatingin si Dark sa kanya. "Gusto kasi nilang maakyat 'yon. Sasama ka ba?"
"Huh?"
"Mt.Apo. Iyon ang pinakamataas na bundok dito sa Pilipinas kaya pangarap ng mountainers at team na makaabot sa summit nito. Malaking achievement iyon sa team," sabi ni Ayesha.
Napaisip si Dark. Masyadong mataas at matirik ang Mt.Apo.
"Hi," bati ni Michelle na kakaligpit lang ng gamit dahil magpapasundo na ng chopper ng mga Lacson. "Have I heard Mt.Apo?"
"Yes," sagot ni Ayesha."Napag-usapan kasi namin last month pa na after ng Capisaan cave ay Mt.Apo na ang next namin."
"Ah, goodluck," sabi ni Michelle at naupo sa tabi ni Dark.
![](https://img.wattpad.com/cover/234624807-288-k654440.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heart of Education (probinsya series 2)
RomansaMayaman, gwapo at maimpluwensya ang ama ng kanyang anak kaya hindi niya ipinaalam na nagbunga ang isang gabing pagkakamali nila. Sino ba naman siya para pakasalanan at tanggapin nito? Ordinaryong tao lang siya pero makakaligtas kaya siya kung sinund...