UNEDITED...
"Morning," bati ni Ayesha kay White na nagdidilig ng halaman. Alas singko kinse pa lang ng umaga kaya medyo madilim pa pero maaga talagang nagigising si White.
"Morning," matamlay na sagot ni White at binitbit ang wala nang lamang balde.
"Ano ang lulutuin mong ulam?" tanong niya habang sinusundan ang asawa.
"Di ko pa alam."
"Ako na ang gagawa ng egg sandwich mo," sabi niya kaya tumango si White.
"Himala, isang tanong isang sagot siya."Bumalik siya sa loob at nagprito ng itlog gamit ang hulmahan ni White.
Kaunti na lang talaga ang kinakain niyang kanin dahil nag-i egg diet. Sa halip na kanin, nag-iitlog siya sa umaga.
(ctto)Nang maluto ay tiningnan niya ang rice cooker, luto na ang kanin na isinalang ni White kaya nag-isip siya ng ulam.
"Gusto mo ba ng pinakbet?" tanong ni Ayesha. "O beefsteak na may brocolli? Ano ba ang gusto mo?"
"Ikaw?"
"Hindi ko alam e," sagot ni Ayesha at napasulyap sa asawang naghubad ng tshirt at lumapit sa kanya saka hinapit siya sa bewang.
"Misis," sambit ni White sa baritonong boses na para bang ang ibig sabihin nito ay tumihaya siya sa ibabaw ng kama dahil papasok na ito sa kuweba niya.
"M—May pandesal naman diyan sa ref, baka gusto mo ng tinapay muna," naiilang na wila niya.
Narinig niya ang pagbuntonghininga ni White saka pinakawalan siya.
"Maliligo na ako, ikaw na lang ang magluto pero okay na 'yan, itlog na lang ang ulam ko," paalam nito kaya nagtataka siya sa ikinikilos ng asawa pero binalewala na lang niya dahil baka may problema sa pamilya o hindi lang maganda ang gising.
Nang matapos silang kumain ay nagpaalam na si White sa asawa saka nagmaneho patungo sa Macdu elementary school.
"Sir White!" tawag ni Christine kaya tumigil siya at hinarap ito. "Punta ka mamaya sa birthday ko ha."
"Ngayon na ba 'yon?"
"Oo."
"Hala, wala akong gift," nahihiyang sabi ni White dahil nawala sa utak niya.
"Okay lang 'yon. Basta mamayang hapon after ng klase ha."
"Tingnan ko kasi may lakad din kami ni misis eh," pagsisinungaling niya. Hirap kapag nag-iisang lalaki lang siya rito. Pero balita niya ay lalaki rin ang dalawang magtuturo dito.
"Ganoon ba? Sayang naman."
"Nakalimutan ko talaga pero susubukan ko," pagsisinungaling niya. Hindi pa naman siya nakapagpaalam kay Ayesha.
BINABASA MO ANG
The Heart of Education (probinsya series 2)
RomanceMayaman, gwapo at maimpluwensya ang ama ng kanyang anak kaya hindi niya ipinaalam na nagbunga ang isang gabing pagkakamali nila. Sino ba naman siya para pakasalanan at tanggapin nito? Ordinaryong tao lang siya pero makakaligtas kaya siya kung sinund...