Unedited...
"Morning, misis!" masiglang bati ni White sa asawa habang may bitbit na tray. "Here's your breakfast." Every morning, dito sila sa rooftop nagkakape at nag-uusap.
Hinila niya ang silya at naupo sa tabi ng asawa.
"Ganda ng view!" puri ni Ayesha habang nakatingin sa sea of clouds.
Alas sais ng umaga pero tila nasa ibabaw pa sila ng langit dahil sa sea of clouds na nakapalibot sa kanila lalo na't nasa mataas na bahagi sila.
"Misis? Kapag lumaki na ang mga bata, dagdagan natin ito ng third floor?" tanong ni White.
"Okay na 'to. Ayaw ko ng masyadong mataas at malaking bahay. Ang hirap maglinis."
"Sabi mo eh," ani White at humigop ng kape saka binuksan ang laptop at tinapat kay Ayesha saka pasimpleng pinicture-an ang asawa. Napangiti siya habang tinitingnan ang mga litrato nito.
"Lesson plan na naman?" tanong ni Ayesha. "Puro ka lesson plan. Every morning, every night, everyday!"
"Ayaw mo pa nun, lesson plan lang ang kalaban mo sa akin," biro ni White.
"Co-teachers mo pa!"
Natawa si White at muling humigop ng kape pero vinideo na niya para kapag wala na ito sa bahay ay may panoorin siya.
"Hindi a. Mga estudyante ko lang at lesson plan."
"Mga estudyante raw," pabulong na sabi ni Ayesha at kinuha ang sandwich tapos kumain.
"Naku, Puti, umayos ka ha!"
"Maayos ako, misis."
"By the way, bukas na pala ang pasok ko," pag-iiba ni Ayesha at nakaramdam na naman ng tuwa. Napansin niyang sumalubong ang kilay ni White. "Huwag ka nang magtampo, masasanay ka rin naman, mister."
"Sana nga," malungkot na sagot ni White.
"Bale eight to five kami for one week dahil orientation daw muna," sabi ni Ayesha.
"Tapos?"
"After one week, ibibigay na sa amin ang sched at kung saang area kami. Under probation muna kami for six months and after niyan, nasa kanila na kung i-absorb kami bilang regular," sagot niya.
"Ba't hindi pa kayo diretso sa regular nurse?"
"Siyempre para may time pa kaming makapag-decide," sagot ni Ayesha.
"Decide? Okay. At sana after six months, magbago ang isip mo," sabi ni White.
"Puti!" Pinandilatan niya ang asawa. "Kailangan ko ng self-growth at self-esteem."
"Bakit? Mababa ba ang moral mo kapag dito ka lang sa bahay?"
"Ayaw kong makipagtalo," pag-iiwas niya saka tumayo.
"Dapat kasi nandito ka lang e. Maupo ka na nga. Hindi na kita aawayin," pag-aalo ni White kaya naupo si Ayesha.
"Mag-vlog kaya tayo, misis," suhestiyon ni White.
"Tigilan mo 'ko!" sabi ni Ayesha na sobrang mahiyain sa camera.
"Joke lang, misis. Ano pala ang gusto mong ulam mamaya? Kabatiti na may miswa?"
"Kahit ano," sagot ni Ayesha. "Baka gising na ang mga bata."
"Mamaya pa 'yon magising," sabi ni White na tumayo at inilipat ang upuan sa tabi ng asawa.
"Doon ka nga!" pagtataboy ni Ayesha pero hinawakan ni White ang pisngi niya at masuyong hinalikan.
"Kalong ka, misis," malambing na sabi ni White saka pinatayo ang asawa at pinakalong sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Heart of Education (probinsya series 2)
RomantizmMayaman, gwapo at maimpluwensya ang ama ng kanyang anak kaya hindi niya ipinaalam na nagbunga ang isang gabing pagkakamali nila. Sino ba naman siya para pakasalanan at tanggapin nito? Ordinaryong tao lang siya pero makakaligtas kaya siya kung sinund...