Chapter 1

11.6K 288 37
                                    


Uendited...



Siguro mali nga ang ginawa niyang pag-alis pero iyon ang pinakamabuting desisyon na ginawa niya. Matapos ang isang buwang paglipat, nawala sa kaniya ang lola niya pero sobrang saya naman nito dahil bumalik na raw ito sa tunay nitong tahanan, ang Nueva Vizcaya.

"Miss?" tanong ng nasa barangay health worker. Madalas siyang magpa-preanatal checkup pero pinag-isipan niya kung saan na siya kukuha ng pera? May naipon siya pero sapat na ba iyon? Kung sabagay, mga 3 libo lang yata ang gagastusin niya kapag manganak na. Ne hindi nga siya makapag-ultrasound dahil sayang ang 700 pesos. Surprise na lang baby niya.

Napabuntonghininga siya habang hawak ang pouch.

Mali bang inilihim niya ang lahat sa ama ng anak niya? Kabuwanan na niya ngayon pero natatakot siya. Mayaman sila at halata namang ayaw talaga ni White sa kaniya. Isa pa, narinig niyang sinabi ng ina nito noon na may girlfriend ito at ayaw niyang makasira ng relasyon. Siyempre walang nakakaalam at dapat ay walang makaalam para hindi na siya habulin. Remembrance na lang niya sa isang gabing pagkakamali.

"May kailangan ka?" tanong ng lalaki sa asawa nito.

"Wala na. Mag-tricycle ka na dahil sayang pa ang kita. Balikan mo na lang ako mamaya," sabi ng buntis ding asawa nito.

Malungkot na hinaplos ni Ayesha ang tiyan at pinapakalma ang magalaw na supling sa kaniyang sinapupunan.

May times na nalulungkot siya. Kapag kasama niya ang anak ng baby niya, magiging masaya kaya sila?

"Misis? Kabuwanan mo na rin, 'di ba? Saan pala ang tatay ng dinadala mo?" nakangiting tanong ng isang buntis na katabi niya matapos siyang kalabitin. No one knows na isa siyang nurse. Sino ba ang maniwala e dito siya sa health center nagpapakonsulta.

Kapag may magtanong, sinasabi na lang niyang wala siyang trabaho.

"N-Nasa Maynila po," sagot niya at nginitian ito.

"Hindi ba uuwi?"

"Busy po sa trabaho e."

"Ano ang trabaho?"

May pagkatsismosa rin ang isang 'to e.

"Call center po," magalang na sagot niya.

Hinawakan niya ang supot na may lamang baby dress. Unisex lang ang mga pinamili niya at ang white na damit ng sanggol ay pinamigay ng mga kabitbahay nila kaya okay na rin sa kaniya. Hindi siya choosy dahil wala siyang pera. Balak niyang magtrabaho after ng panganganak para may pambili ng crib at iba pang gamit.

"Ah, mabuti naman. Ilang taon ka na ba?"

"B-Bata pa," sagot ni Ayesha.

"Ah, mabuti naman. Ang ganda mo naman. Sana nandiyan ang asawa mo kapag manganak ka. Iba pa rin kapag first baby mo tapos nasa tabi mo ang asawa mo."

"Uuwi naman po siya e, kailangan lang niyang mag-ipon," sagot niya para tumigil na.

"Misis?" tawag ng barangay health worker.

"Yes po?"

"Misis, pa-fillup ng father's name," sabi nito sabay abot ng papel na finil-up-an niya.

"llegitimate-" Nagulat siya nang may umagaw sa ballpen niyang hawak.

"Baka hindi mo pa alam ang buo kong pangalan," malamig ang boses na sabi ng lalaki.

" A-Ano ang ginagawa mo rito?" Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakatayo si White sa harapan niya.

"Yan ang tanong na hindi ko masasagot pero sobrang labag 'to sa kalooban ko!" sagot nito at naupo sa tabi ni Ayesha nang tumayo ang buntis na katabi nito.

The Heart of Education (probinsya series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon