UNEDITED...
"Gosh!" bulalas ng binata nang maabutang may dumi sa sala. "Ano 'to, Ayesha?"
Agad na nilapag niya ang bag sa upuan. Madumi na nga sa paaralan, pagdating sa bahay ganito pa madadatnan niya?
Kinuha niya ang mop at pinunasan ang dumi.
"Pasensiya ka na, nasuka kasi si Maroon tapos sabay pa na umiyak ang mga bata kaya hindi ko napunasan," paumanhin ni Ayesha nang lumabas. Sabi na nga ba e.
"Pagod na nga ako sa trabaho, pati ba naman pag-uwi sa bahay, ako pa ang maglilinis? Ayesha naman, tingnan mo ang bahay! Bakit ang towel nakasampay na naman sa upuan? Napakaburara mo talaga!" pagwawala niya at kinuha ang basang face towel at inihagis sa laundry basket.
Uminit bigla ang tainga ng dalaga sa narinig.
"Alangan naman uunahin ko 'yang paglilinis kaysa sa mga anak natin?" Tumaas na ang boses niya. Sarap kunin ng mop at ihampas sa ulo ni White.
"Sumisigaw ka ba?" tanong ni White.
"Nakakainis ka eh! Sabing bago lang 'yan at sabay na umiyak ang kambal! Ikaw kaya ang magbantay sa kanila at nang malaman mo! Ikaw mag-alaga sa kambal at ako ang magtrabaho!" singhal niya kaya natigilan si White. "Puro ka reklamo! Kesyo madumi, kesyo magulo ang bahay pero ang ugali mo, hindi mo ba kayang linisin?"
"Hindi ko rin naman 'to gusto," mahinang sabi ni White. Hindi talaga. Alam niyang marami na ang naiinis sa ugali niya pero ano ang magagawa niya? Nandidiri talaga siya sa maduming paligid. Sa tuwing makita niya ang kalat, nangangati ang buo niyang katawan. "Kung may gatas lang 'tong dede ko, kahit ako na ang magpadede sa mga anak ko!"
"Eh 'di manahimik ka!" bulyaw ng dalaga. Bahala na kung marinig sila ng kapitbahay sa kabilang ibayo.
"Oo na! Tahimik na!" inis na sabi ni White at pinagpatuloy ang pagma-mop. "Dami mong sinasabi!"
"Kapag ikaw ang dumada okay lang pero kapag ako, bawal? Bahay ko 'to, White! Kung ayaw mo sa akin, umuwi ka sa nanay mo!" pagtataboy ni White.
"As if na gusto kong magpalipat sa probinsyang ito! For your information, ayaw ko talagang manirahan dito!"
"Eh 'di umuwi ka!"
"Anak ko rin naman 'yan! Nandito ako para sa mga anak ko! Okay lang sana kung isa lang 'yan eh dalawa pa talaga!" salubong ang kilay na sabi ni White. "Hatiin na lang kaya natin?"
"Tingin mo sa mga anak ko laruan?" inis na sabi ni Ayesha. "Kapag may gagawin ka, maglinis ka nang walang ingay o reklamo! Hindi 'yong naglilinis ka nga nanunumbat ka pa!"
"Tama na nga," pagsuko ni White. "Doon ka na at baka madulas ka na naman, ako pa ang may kasalanan."
"Hindi mo maiwasang magkaroon ng maduming bahay lalo na at may anak ka!"
"Oo na! Dami mong sinasabi!" naiinis na sabi ni White na kulang na lang ay itakwil na si Ayesha sa harapan niya.
Padabog na bumalik ang dalaga sa loob ng kuwarto pero inis na inis pa rin siya kay White.
Ini-lock niya ang pinto para magkulong. Dapat kani-kaniya na sila ni White para wala na siyang problema.
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Ash. Tuwang-tuwa naman ito at gustong-gustong puntahan siya pero buntis pa ito kaya ipinangako niyang siya na lang ang dadalaw sa Upi, Maguindanao kapag may time. Naging bahagi na ang Maguindanao sa buhay niya.
Nang matapos ang pag-uusap ay nagligpit siya ng buong kuwarto.
"Baka mamaya sabihin na naman na hindi ako naglilinis. Kahit nga ang langgam matatakot lumapit sa kaniya e!" reklamo niya habang tinitiklop ulit ang mga damit. Ingat na ingat at dapat pantay. "Kainis! Bakit ba kasi ang arte ng buwesit na 'yon!"
BINABASA MO ANG
The Heart of Education (probinsya series 2)
RomansaMayaman, gwapo at maimpluwensya ang ama ng kanyang anak kaya hindi niya ipinaalam na nagbunga ang isang gabing pagkakamali nila. Sino ba naman siya para pakasalanan at tanggapin nito? Ordinaryong tao lang siya pero makakaligtas kaya siya kung sinund...