Unedited....
"Bakit wala pa ring swab test?" inis na tanong ni White. "Kagabi pa 'yon a!"
"May mga nauna na kasi e," sagot ni Ayesha habang nakikipag-video call sa asawang nangingitim ang gilid ng mga mata. "Natulog ka ba?"
"Bakit? Kailangan mo nang magpa-test. Kailan pa? Kapag mas lumala pa ang sitwasyon mo?"
"May tine-take akong steroids," sagot ni Ayesha. "Isa pa, closely monitored naman ako." Medyo lumuwag-luwag na ang dibdib niya pero sa tuwing humiga siya ay inaatake siya ng ubo. Kagaya ngayon, kumakati na naman ang lalamunan niya pero pinipigilan niya para hindi mataranta ang asawa. "Magpahinga ka naman, mister. Kailangan mong magpakatatag para sa mga anak natin."
"Alam mo ba ang masakit, Ayesha?" tanong ni White na walang ganang kumilos at padapang nakahiga lang sa kama. Magdamag siyang umiiyak. Sa tuwing makapagpahinga ang mga mata niya ay nagsibagsakan na naman ang mga luha niya. "H—Hindi ko na kaya. May sakit ang misis ko pero wala akong kakayahang alagaan kasi bawal."
"Okay na ako. Bumaba na ang body temperarture ko. Magpakatatag ka, kailangan ka ng mga anak natin," pakiusap ni Ayesha at umubo na nang hindi na talaga napigilan ang pangangati ng lalamunan.
Napapikit siya nang makitang isinubsob ni White ang mukha sa unan habang umiiyak.
"Come on, mister. Bumangon ka na at asikasuhin ang mga anak natin," pakiusap ni Ayesha na kung puwede lang ay lumabas siya sa cellphone para mayakap si White. Paano kung positive nga siya sa C-virus? Paano kapag mamatay siya? Hindi na niya makikita ang pamilya.
"B—Balikan kita riyan, misis ko."
"No. P—Please White, huwag. Mahahawa ka."
"Wala akong pakialam!"
"M—Mister, alam kong matatag ka."
"M—Mahina ako pagdating sa 'yo, Ayesha. For pete's sake, mababaliw ako rito sa kakaisip. Hindi na baleng mahawa ako b—basta mayakap lang kita," sagot ni White at pinahidan na naman ang mga luha. Ang putla na ni Ayesha dahil sa kakaubo at kanina ay 37.9 pa ang body temp nito. Bumaba na nga pero above normal pa rin.
"W—White, huwag kang mag-alala, negative ako pero makakaasa kang magpapagaling ako. Gagala pa tayo kaya bumangon ka na riyan sa kama at kumain na."
"I—I'm so afraid, Yesh," sobrang hinang usal ni White.
Ngumiti si Ayesha. Kung positive man siya at kung ano man ang result ay kampante siyang iwan ang mga anak sa asawa.
"K—Kung mahal ko ako, magpakatatag ka. Sa buong p—pagsasama natin, naging ina't ama ka sa mga anak natin, White. Gusto ko lang magpasalamat sa pagiging mabuting asawa't ama. M—Mahal na mahal kita, mister ko."
"Shutup!" saway ni White. "P—Please."
"S—Salamat sa labis na pagmamahal, mister ko."
"I said stop it, Ayesha!" galit na saway ni White. "Stop talking and come home healthy and safe."
"I w—will. I promise," determinadong sabi ni Ayesha pero ang totoo, nanghihina na siya.
"Dapat kasi hindi ka na nagtrabaho!"
"M—Masaya ako dahil nakatulong ako, mister." Sobrang saya talaga niyang nagtatrabaho at nakakakita ng pasyenteng gumagaling at lumalabas ng ligtas sa hospital kaya kung may pinagsisihan man siya ay ang hindi pag-ingat ng double. "Wait, nandito na ang nurse na magsa-swab. Magpapa-rapid na rin muna ako."
Napatingin si White sa mga pumasok sa kuwarto. Hindi siya maaaring magkamali, isa si Dr.Agbayani sa mga pumasok. Kahit naka-PPE ito, alam niya ang tindig ng lalaki.
BINABASA MO ANG
The Heart of Education (probinsya series 2)
RomanceMayaman, gwapo at maimpluwensya ang ama ng kanyang anak kaya hindi niya ipinaalam na nagbunga ang isang gabing pagkakamali nila. Sino ba naman siya para pakasalanan at tanggapin nito? Ordinaryong tao lang siya pero makakaligtas kaya siya kung sinund...