Unedited...
"I-endorse ko lang ang pasyente," sabi ni Jo Ella kay Jeremy.
"Pag-uwi mo, matulog ka ha. Huwag kang makipagtsismisan sa boardmate nating nagtatrabaho sa bar. Baka mamaya, ibenta ka na niya."
"Eh 'di mas mabuti at magkakaroon ako ng pera."
"Ah, ganun? Magkano ba ang presyo mo at bibilhin na kita?"
"Isang taong sahod mo!" sabi ni Jo Ella at pinandilatan si Jeremy. "Kaya ayaw kong magjowa ng nurse rin eh, mababa ang sahod."
"Libre lang ang tahong mo sa akin. Dami ka pang satsat! Endorse ka na nga!" sabi ni Jeremy sa kasintahan.
"Tong dalawang 'to, ang ingay-ingay!" reklamo ni Ayesha kaya natawa na lang ang dalawa. Si Jeremy ang nurse na hindi mahihiya ang bago dahil madaldal at mabilis lapitan. Ang bait pa nga nito sa mga baguhan at nagtuturo talaga kung ano ang dapat na gawin.
"Dito ka na sa MS ward, Yesh? Huwag ka nang lumipat sa ibang station, boring ang mga nandoon," pangungumbinse ni Jeremy.
"Oo," sagot ni Ayesha. Kahit na busy sa area nila pero sobrang kampante naman siya sa workmates niya at may pagtutulungan sila. Kahit na late minsan ang iba, marunong silang mag-adjust basta nasa tamang pag-uusap lang.
"Morning, nurses. Pahiram naman ako ng chart ni Marzh Quezada?" tanong ni Dr.Agbayani at napatingin kay Ayesha dahil alam niyang ito ang nurse ng pasyente niyang may pneumonia.
"Ito po, doc," sabi ni Ayesha sabay lahad kay Dr.Agbayani ng chart. "Magra-rounds ka na po ba?"
Kung kailan pauwi na siya, saka naman naabutan ng rounds. Tagal kasi ng kapalitan niya e. Nightshift na naman siya ngayon.
"Yes," sagot ni Dr.Agbayani kaya tumayo si Ayesha para samahan ang doctor.
"Doc? Gaano ka totoo na may bagong virus na naman daw sa China at pulmonary system ang target nito?" tanong ni Jeremy na nabasa lang niya sa Facebook.
"Hindi ko pa alam kung totoo pero sana hindi naman," sagot ng doctor.
Pagkatapos nilang makausap si Marzh Ouezada ay bumalik na si Ayesha sa nurses station at agad na nag-carry out ng bagong doctor's order.
"Uy, mukhang gusto ka ni Doc a," biro ni Jeremy nang wala na si Dr.Agbayani.
"Grabe, mukhang may bagong loveteam sa team MS ah," biro ni Jo Ella.
"May asawa na ako!" sabi ni Ayesha at napailing na lang sa kalokohan ng iba.
"Eh 'di isikrito na lang natin, walang makakaalam at hindi makakarating kay mister," biro ni Jeremy pero biglang natahimik nang batukan ni Jo Ella. "Biro lang, Yesh. Bad 'yon. Loyal ang team MS," pagbawi ng binata na hindi naman na-offend si Ayesha.
"Pero ang hot ng bagong pulmonologist natin," sabi ni Jo Ella.
"Ehem! Speaking of loyalty," makahulugang sabi ni Jeremy na nakatitig sa kasintahan. "Umuwi ka na at matulog!"
Nang matapos si Ayesha ay lumabas na siya sa hospital at nag-abang ng masasakyan pero laking gulat niya nang mat tumakip sa bibig niya.
"Uhmp!" sinubukan niyang sumigaw pero ang lakas ng kamay.
Ilang saglit pa ay kumalma siya nang maamoy ang pabango ng nasa likuran niya.
"Miss me?" bulong ni White na malapit sa tainga ng asawa sabay halik sa batok nito.
"Walanghiya ka talaga!" gigil na sabi ni Ayesha at pinaghahampas sa dibdib ang asawa pero agad naman siyang kumalma nang yakapin siya ni White. "May makakita sa atin, mister," sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Heart of Education (probinsya series 2)
RomanceMayaman, gwapo at maimpluwensya ang ama ng kanyang anak kaya hindi niya ipinaalam na nagbunga ang isang gabing pagkakamali nila. Sino ba naman siya para pakasalanan at tanggapin nito? Ordinaryong tao lang siya pero makakaligtas kaya siya kung sinund...