Unedited...
"This is too much, White! Kaya kami pumayag dahil doctor din si Mike at nurse ang pinsan mo."
"Pera ko naman ang gagastusin ko."
"Para lang sa asawa mo? Walang solidong plano."
"Anong para lang sa asawa ko? Eh gusto ko siyang bigyan ng hospital!"
"At sino ang magma-manage? May alam ka ba sa medisina?" tanong ni Black. "Bago ka magsayang ng pera, isipin mo muna kung ano ang kahinatnan nun. Akala ko ba napaka-organize mong magplano? Let the government do their job."
"Pero kasi—"
"Hindi ako papayag!" madiing pagtanggi ni Black.
"Pera ko naman ang gagstusin ko."
"Pera ng pamilya natin, White! Lahat ng kung anong meron tayo ngayon ay dahil sa paghihirap ng ninuno natin kaya huwag kang magsayang ng pera. Hayaan mong magtrabaho si Ayesha kung iyon ang gusto niya! Tutal she's working dahil gusto niya at hindi para sa pera."
"Hindi mo ako naiintindihan!" pikong sabi ni White.
"Huwag ka ngang maging possesive. Asawa mo na 'yon kaya bakit ka pa nag-aalala?"
"Hindi mo 'ko naintindihan."
"Ako ba talaga ang ama mo o si Sky?" tanong ni Black. "Magpa-DNA nga tayo!"
"Grabe ka naman!" bulalas ni White. "Para mo na ring sinabing malandi si Mommy."
"Malay natin na isa ka pala sa team galaxy," sabi ni Black.
Walang kakayahan noon ang asawa ng ka-triplet niya na mabuntis dahil inoperahan pero bago pa man tinanggal ang reproductive organs nito ay nag-preserve na sila ng egg cell sa cell bank at naghanap ng anim na surrogate mother para magdalang-tao ng anim na sanggol kaya magkaedad lang ang team galaxy ni Sky.
"Napakatalino mong mag-isip, dad!" sarcastic na sabi ni White at padabog na naupo sa sofa.
Lumapit si Orange at nagpakalong sa kanya.
"Tatay? Gusto ko po ng tinapay," nakalabing sabi ni Orange.
"Fine," pagpayag ni White. "Honey Grace? Pahingi nga ng tinapay?"
"Sige po," sagot ni Honey Grace na kakatapos mag-bake ng ube pandesal with melted cheese sa gitna.
"Wow! Gusto ko 'to, purple pandesal!" bulalas ni Orange at sumayaw pa tapos kumuha ng isa.
"Ang kambal?" tanong ni White kay Honey at kumuha rin ng ube pandesal.
"Sa labas po, naglalaro sa playground kasama si Ismael at Jenny," sagot ni Honey Grace.
"Ang sarap naman neto."
"Nakita ko lang po sa internet kaya ginaya ko," sagot ni Honey Grace.
"Ganoon ba? Mag-bake na lang kayo ni Ayesha para may pagkaabalahan siya rito sa bahay."
"Nagpapaturo po siya sa akin," sagot ni Honey Grace kaya napangiti si White.
"Puwedeng magdala?" tanong ni Black na nagustuhan din. "Ipapatikim ko lang kay Natnat."
"Sure po," sagot ni Honey Grace dahil marami naman ang nagawa niya.
Nag-usap pa silang mag-ama pero hindi talaga niya na-convince ang ama na magpatayo ng hospital hanggang sa nagpaalam na si Black na umuwi. Naghatid lang ito ng mga damit at laruan ng apo.
Pinatulog muna ni White ang mga bata at nagpaalam na sunduin niya ang asawa. Monday to Saturday ang pasok ni Ayesha at morning shift ito.
----------------
![](https://img.wattpad.com/cover/234624807-288-k654440.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heart of Education (probinsya series 2)
RomansaMayaman, gwapo at maimpluwensya ang ama ng kanyang anak kaya hindi niya ipinaalam na nagbunga ang isang gabing pagkakamali nila. Sino ba naman siya para pakasalanan at tanggapin nito? Ordinaryong tao lang siya pero makakaligtas kaya siya kung sinund...