41

5K 306 120
                                    





............Unedited.........






"So pano guys, kitakits na lang tayo?" tanong ni Jo Ella matapos umangkas sa motor ni Jeremy. "Mauna na kami."

"Sabay ka na sa akin, Yesh," sabi ni Dr.Agbayani.

"Sige," pagpayag ni Ayesha.

"Sa amin na siya sasabay," sabat ni Dark. "Doon naman ang patungo namin."

"Ha?" ani Ayesha.

"Doon kami didiretso ni Michelle," sagot ni Dark.

"A—Ano ang ibig kong sabihin?"

"Wala kaming tutuluyan dito," sabi ni Dark. "Hindi ba kami welcome?"

"O—Of course welcome," sagot ni Ayesha.

"Sa backseat ka na sumakay," sabi ni Dark at pinagbuksan ng pinto ang kasintahan. "Sakay na, Ayesha." Utos niya sa babaeng nakatayo lang.

"S—Sige. Mauna na ako, Ron," paalam niya.

"Ingat kayo," bilin ni Ron.

Nang makasakay na si Ayesha ay pinaandar na ni Dark sa itim na sports car.

"Sweetheart? Punta kaya tayo kina Mommy mo," suhestiyon ni Michelle.

"Para ano pa?"

"Wala naman sigurong masama kung imbitahin natin sila?" patanong na sagot ng dalaga.

"Si White lang ang anak nila!" sagot ni Dark at napasulyap kay Ayesha na nasa malayo ang tingin.

"Hmm? Puwede bang tama na? Huwag ka nang magtampo sa kanila?"

"At puwede ba, Mich? Tigilan na natin sila? Mas sasaya ang wedding day kapag wala sila!"

Nalulungkot si Ayesha sa mga narinig. Hindi ganoon si White sa mga magulang. Ang sweet pa nga nito at kaunting bagay lang ay tinatawagan agad ang mommy nito. Ganoon na ba katindi ang galit ni Dark sa pamilya? Ninakaw ba talaga ni White ang lahat sa kakambal? Pero hindi iyon magagawa ng asawa niya.

Nag-uusap ang dalawa tungkol sa kasal at minsan ay hindi na nagustuhan ni Ayesha ang opinion ni Dark. Masyado itong bossy at kung ano ang gusto ay iyon ang masusunod. Unlike kay White, tinatanong muna siya kung okay ba at kapag hindi siya sasang-ayon, pinapakinggan nito.

Niyakap niya ang asawa. Kung buhay lang sana si White, baka sakaling maipaliwanag nito ang lahat.

"Hindi ka ba titigil sa kakayakap diyan sa patay na asawa mo?" Nagulat siya nang biglang huminto si Dark at sininghalan siya.

"Sweetheart," saway ni Michelle at tinapik ang braso ng asawa para kumalma.

"Kanina pa tayo umiikot-ikot dito! Hindi mo ba ituturo ang daan patungo sa inyo?"

Tila nagising mula sa mahimbing na pagtulog si Ayesha. Ang layo na nga nila.

"B—Balik tayo," wika niya. "Tapos liko ka sa kanan mamaya."

"Pagod ako tapos ganito pa makakasama ko!" bulong ni Dark pero kumalma nang sawayin ni Michelle.

"Malapit na ba?" tanong ni Dark nang tuloy-tuloy na ang pagmaneho matapos lumiko sa kanan.

"Malapit na," sagot ni Ayesha.

"Gaano kalapit ang malapit mo?" inis na tanong ni Dark na halatang ubos na ang pasensiya.

"Mga anim na kilometro pa," sagot ni Ayesha na gusto nang ipatigil ang sasakyan at bababa na lang siya.

"Shutang ina!" bulalas nito kaya napahigpit ang yakap ni Ayesha sa urn na hawak.

The Heart of Education (probinsya series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon