Unedited...
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Ayesha nang marinig na umubo si White.
"Yes, medyo naninikip lang ang dibdib ko," sagot ni White.
"Dry cough ba?"
"Yes," sagot ni White matapos hugasan ang mga kamay at nag-alcohol. "H-Hindi kaya may C-virus na ako?"
"Shit! Impossible!" ani Ayesha at napatitig sa asawang nakaupo sa kama at tila nasa malalim na pag-iisip.
"M-Mister..."
"I think I got it," ani White at napatingala kay Ayesha. Sinusubukan niyang isipin kung may possibilities ba pero naka-lockdown naman sila.
"No! Hindi puwede. Isa pa, malabong makapitan ka ng virus, mister," sabi ni Ayesha. Mahiya ang virus na kumapit sa sobrang kalinisan ni White.
"May mga simtomas ako."
"Ubo lang 'yan! Ako nga, nag-positve sa rapid test e."
"Pero negative ka naman sa swab test. Isa pa, productive cough naman ang sa 'yo."
"Hindi 'yan! Magpa-checkup tayo bukas. Matulog ka na, Puti!"
"P-Paano . . . " tumigil si White sa pagsalita nang maubo na naman.
"Wait! Kunin ko lang ang penlight." Kinuha niya ang penlight sa medicine kit at nilapitan ang asawa. "Say aaaah mister."
"Aaaah!" sabi ni White kaya sinilip ni Ayesha ang lalamunan nito.
"Namamaga siya," sabi ni Ayesha. "Uminom ka ng maraming tubig at mag-Bactidol."
"Shall I isolate myself?"
"No!" tanggi ni Ayesha. "T-Tabi tayong matulog."
"Come on, misis. Ayaw kong mahawa ka kaya lilipat na ako sa kabilang kuwarto."
"No! Dito ka tumabi!" tanggi ni Ayesha.
Narinig niya ang malalim na pagbuntonghininga ni White.
"N-Nawalan na rin ako ng panlasa," pag-amin ni White kaya napanganga si Ayesha. "A-Akala ko, matabang lang ang niluto mo pero nang kainin kumain ako ng mga na-bake ni Honey Grace, hindi ko malasahan ang tamis."
Napalunok ng laway si Ayesha. Sa lahat ng pasyenteng nagpositibo sa C-virus, diarrhea at panlasa ang naapektuhan sa kanila kaya kahit wala pa ang result ng swab test ay alam na nilang positive ang result.
Tumayo si White.
"I-I'm sorry. Sana mas lalo pa akong naging cautious lalo nang magka-diarrhea ako kahapon," paumanhin ni White. "S-Sa kabilang silid lang ako."
"N-No," tanggi ni Ayesha at niyakap si White. "Dito ka lang, mister ko. Bukas ka na mag-self-quarantine dahil kung sakaling positive man 'yan na wag naman sana, maaaring affected na rin ako kaya huwag kang lumabas!"
Masuyong hinaplos ni White ang buhok ng asawa at hinalikan ito.
"Matulog na tayo, misis."
"Magdasal tayo na hindi 'yan C-virus," sabi ni Ayesha.
Nag-Bactidol muna si White at uminom ng Tuseran saka tinawagan ang ina at pinasabing magpa-swab test sila bukas. Nahiga siya sa tabi ng asawa at lihim na nagdasal. Marami pa siyang pangarap para sa pamilya niya kaya sana negatibo lang ito.
Mahimbing ang tulog nila nang maramdaman ni Ayesha ang init na nakadikit sa balat niya.
"W-White?" usal niya at agad na binuksan ang lampshade sa tabi ng kama. "Mister! Ang init mo!" bulalas niya nang makapa ang leeg nito.
BINABASA MO ANG
The Heart of Education (probinsya series 2)
RomanceMayaman, gwapo at maimpluwensya ang ama ng kanyang anak kaya hindi niya ipinaalam na nagbunga ang isang gabing pagkakamali nila. Sino ba naman siya para pakasalanan at tanggapin nito? Ordinaryong tao lang siya pero makakaligtas kaya siya kung sinund...