Chapter 5

7.2K 292 28
                                    



Unedited......

Maaga pang umalis si White para pumasok sa Macdu elementary school.

Lahat ng mga bata ay pumila from grade 1 hanggang grade 6.

Lumapit siya kay Annalou na nakatayo sa likod ng pila ng mga estudyante nila.

"Bayang magiliw . . . handa awit!" sabi ng guro at nagsimulang magkumpas ng mga kamay at nagsimula nang kumanta ang mga bata ng Lupang hinirang pagkatapos ilagay ang kanang kamay sa kanang dibdib habang itinataas ang watawat ng Pilipinas.

Napansin ni White na hindi naglalagay ng kamay ang isang estudyante sa dibdib.

"Jehova's witness o saksi siya," bulong ni Annalou nang mapansin ang tinitingnan ni White.

Nang matapos ang kanta, may isang batang tumaas ng kanang kamay.

"Itaas ang kanang kamay at bigkasin ang panatang makabayan ng sabay-sabay," malakas na sabi ng grade 5 pupil.

"Iniibig ko ang Pilipinas, aking lupang sinilangan. Tahanan ng aking lahi . . . " sabay-sabay na sagot ng mga estudyante.

Nang matapos ng panatang makabayan ay nagsimula na silang mag-exercise.

"Inhale-exhale!" sabi ng guro. "One... two..."

Ginawa naman ng mga estudyante kasama ang mga guro at nagbilang ng 1-8.

"Eight! Eight, seven, six, five, four, three, two, one!" sabay-sabay nilang sabi. Dami pa nilang pina-ehersisyo sa mga bata. Shake hands, jumping jack at atbp...

Pagkatapos ay pumunta sa gitna ang president ng kada classroom at tinawag ang maiingay para maglinis sa buong paaralan ng limang minuto.

"Halika na," yaya ni Annalou kay White.

Naiilang ang binata dahil teachers at estudyante ay nakatingin sa kaniya. Baguhan lang kasi siya kaya ganun hindi pa sila sanay sa kaniya.

Nang pumasok sila ss classroom, naghanda muna sila.

Mayamaya pa'y pinatahimik na ni Annalou ang mga bata.

"Good morning class!" masiglang bati ni Annalou.

"Good morning teacher," sabay-sabay na sagot ng mga bata.

"Kasama ko pala ang bago ninyong guro na papalit kay Teacher Annalou. Ito si Teacher White Villafuerte," pagpakilala ni White.

"Good morning, kids!" bati ni White at inisa-isa tiningnan ang mga bata. Pinigilan niya ang sariling mapangiwi nang makita niyang magulo ang buhok ng ilang babaeng estudyante at ang uniporme ng iilan ay naging kulay dilaw na sa kalumaan. May mga bag pa na nasa ibabaw ng arm chair. Hindi na siya tumingin sa baba dahil baka kung ano pa ang makita niya.

"Class, pray muna tayo ha," sabi ni Annalou. "Tayo kayong lahat!"

Ayun, sabay-sabay na nagdasal ang mga bata bago magsimula. Nakikinig lang si White sa isang tabi kay Annalou at kinukuha ang strategy nito sa pagtuturo pero may iilang estudyante na panaka-nakang sinusulyapan siya.

"Okay, recess time na!" anunsiyo ni Annalou.

"Yehey!" sigaw ng mga bata at nagsitakbuhan palabas.

The Heart of Education (probinsya series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon