Mayaman, gwapo at maimpluwensya ang ama ng kanyang anak kaya hindi niya ipinaalam na nagbunga ang isang gabing pagkakamali nila. Sino ba naman siya para pakasalanan at tanggapin nito? Ordinaryong tao lang siya pero makakaligtas kaya siya kung sinund...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Unedited...
"Ito ba ang pinakamataas na mountain dito sa bansa?" tanong ni Dr.Tanginan habang naglalakad sila.
"No, Doktora," sagot ni Dr.Ron. "Pangatlo lang ito. Boarder na ito ng Ifugao, Benguet at Nueva Vizcaya."
"Ah, Mt. Apo at Mt.Dulang-dulang pala," sabi ni Michelle na natawa sa sariling katangahan. "Nawala sa isip ko. Buti na lang pala at nakapa-reserve ka kaagad, Doc Ron. Ang dami pala talagang turista."
Napalingon si Ron kay Ayesha na nahuhuli sa paglalakad. "Ano,Yesh? Kaya pa ba?"
Napalingon din sila rito.
"Kaya pa. Ipagpatuloy n'yo lang," sagot ni Ayesha na nawiwili sa magandang tanawin.
"Sabayan na nga kita," sabi ni Ron at binagalan ang paglalakad. "Baka gusto mong magpakarga?"
"Sige lang, ini-enjoy ko ang view," sagot niya at napatingin sa mga kasama sa unahan. 12 silang lahat kasama na ang tourguide. Bago sila pinayagan na umakyat ay nagpakita muna sila ng medical certificate na physically fit sila, in-orient at nagpa-register sa visitor's center.
"May identical twin pala ang asawa mo," sabi ni Ron.
"Oo," sagot ni Ayesha. Ang taas, ang tindig, boses at pangangatawan ay halos kasingpareho lang ni White. Maliban sa balat, kilos at pananalita.
Kung hindi lang siya pinagsabihan ng ina ni White, baka nayakap niya si Dark kanina.
"Iwan ko na lang kaya 'tong sleeping bag?" tanong ni Jeremy na nabibigatan na sa dala.
"Sige at nang masapak ka ng taga Ranger's station!" pagbabanta ni Jo Ella dahil nirentahan lang nila ang ibang gamit. Doon din nila nakuha ang local tourist guide nila..
"Akin na nga po 'yang dala mo," sabi ni Dark sa matandang babae na porter nila. "Ang tanda mo na po pero kasinglakas mo lang ang kalabaw."
"Nasanay na ako sa ganitong trabaho," wika ng matandang babae na nagnganganga kaya mapula ang bunganga.