34

5.1K 253 40
                                    

Unedited...



"M—Misis...ooh." ungol ni White.

"Bilisan mo!"

"Fuck! Huwag mo akong apurahin," pakiusap ni White na sinusubukan namang bilisan pero matagal pa talaga e. Mas lalong umuurong ang climax niya sa tuwing magsalita si Ayesha.

"M—Magigising na ang mga bata e," sabi ni Ayesha dahil sa ganitong oras ay pumapasok na ang mga ito para tingnan kung nakauwi na ba siya?

"Ni-lock ko naman ang pinto," sabi ni White at muling ipinagpatuloy ang pag-imbayog ng bewang sa ibabaw ng asawa. "Palibhasa nakaraos ka na."

"Ang tagal mo kasi."

"Eh 'di huwag!"

Tumigil siya at hinugot ang sarili saka patihayang humiga sa tabi ni Ayesha.

"White?"

"Aminin mo nga sa akin, Ayesha? May relasyon ba kayo ni Ron?" nagdudang tanong niya.

"Ha? Akala ko ba okay na tayo?"

"Kaya ka ba nawawalan ng gana dahil sa kanya? Dahil naibibigay niya ang—"

Pak!

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanang pisngi niya pero hindi siya gumalaw o tumingin kay Ayesha. Nanatiling salubong ang kilay niya.

"Kung ganyan ka palagi, mag-aaway lang tayo, White!"

"Nananamlay ka na sa akin mula nang makilala mo ang doktor na iyon!"

"Pagod lang ako sa trabaho," sagot ni Ayesha at tinakpan ng kumot ang hubad nilang katawan. "Isa pa, pinapayagan ka naman sa gusto mo e."

"Inaapura mo ako. Tama bang sabihin mong bilisan ko? Pakiramdam ko, napipilitan ka lang na ibigay ang sarili mo sa akin at nagmamadali dahil nandidiri ka na," nagtatampong sabi niya. Masama talaga sa pakiramdam na iparamdam ni Ayesha na parang wala siyang kuwenta.

"Hindi ganoon, White," mahinahong sabi ni Ayesha na nakaramdam ng pagka-guilty. Pagod lang talaga siya dahil sobrang dami ng census nila kanina. Noon kasi, wala siyang trabaho kaya may lakas siya at maasikaso niya ito. Napasulyap siya sa asawang nakatitig sa kisame pero tumutulo na ang mga luha. "W—White? Sorry na. Sana maunawaan mo ako."

"Ayaw kong makaramdam ng ganito," sabi ni White at pinahidan ang mga luha. "Sinusubukan kong unawain ka dahil sa trabaho mo pero nandoon ang pinagseselosan ko."

Hindi na rin napigilan ni Ayesha ang mga luha dahil sa sitwasyon nila. Oo, napapabayaan na niya ang mag-ama niya dahil madalas ay late na siyang umuwi at sobrang pagod pa. Sinusubukan naman niyang asikasuhin ang mga ito pag-uwi at bago umalis pero aminado siyang hindi pa rin sapat.

"P—Pasensiya ka na kung masyado akong seloso," sabi ni White at huminga nang malalim dahil tila sasabog na ang dibdib niya. Gusto niyang magalit pero hindi niya iyon magawa dahil mahal na mahal niya ang asawa.

"Hindi na healthy ang paseselos mo."

"I know," pagsang-ayon ni White. "May tiwala ako sa 'yo pero malayo ang hospital at—nevermind. Pasensiya ka na."

Niyakap ni Ayesha si White at hinalikan sa pisngi saka tiningala.

"Pangako, papasyal tayo nextweek at pupuntahan natin ang tourist spots dito sa Nueva Vizcaya," pangako ni Ayesha. "Magle-leave ako nextweek. Gusto kong makabawi sa inyo."

"Aasa ba ako sa pangako mo?" tanong ni White na medyo kumalma na. Matitiis ba niya ito? Siyempre hindi.

"Oo naman. Gusto kong tuparin ang mga gusto mo kasama ako," sagot ni Ayesha kaya parang batang mabilis lang na nauto si White. Lumapad ang ngiti nito.

The Heart of Education (probinsya series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon