Unedited...
"So ano 'yon? May chinese national daw na nag-positive sa Cebu," sabi ni Honey Grace habang nanonood ng TV.
"Drug test?"
"Hindi ate. Sa C-virus," sagot ni Honey Grace. "Galing siya sa China."
"Hindi pa naman yata sure," sabat ni White at inabot kay Ayesha ang dalang hot choco. "Gusto mo ng egg sandwich, misis? Gawa kita."
"Huwag na," sagot ni Ayesha at napasulyap sa kamay ng asawang nasa bewang niya.
"Masarap ba ang timpla ko? Matabang ba?"
"Sakto lang," sagot ni Ayesha na biglang tumayo nang pisilin ni White ang bewang niya. "Ikaw, White, ang harot mo!" naiinis na sabi niya. Isa sa pinakaayaw niya ay ang bigla na lang itong mangiliti tapos kapag magalit siya ay ngingiti-ngiti lang ang mokong.
"Hmm? Upo ka na, misis. Hindi na kita kikilitiin, promise."
"Pag itong hot choco ay matapon, papatayin talaga kita!"
"Hindi na nga po, misis. Upo ka na."
Salubong ang kilay na muli siyang naupo sa tabi ni White.
"Confirmed na nga 'yan ng DOH ang first case ng C-virus dito sa 'Pinas pero wala pa namang local transmission kaya relax lang," sabi ni Ayesha at napasulyap na naman sa kamay ng asawang nakaakbay na sa kanya habang naka-de-kuwatro ito. "Pero hindi naman nabubuhay ang virus sa maiinit na area kaya walang dapat na ipangamba."
"Kung sabagay, nakaya nga natin ang SARS noon na airborne 'yon," pagsang-ayon ni White.
"'Di ba dahil sa hangin 'yon?" curious na tanong ni Honey Grace.
"Droplet ang Cee-virus. Hindi lahat ng virus ay sa hangin. Meaning, through droplet itong virus. Example, laway o sipon," paliwanag ni Ayesha.
"Kaya madalas talagang maghugas ng kamay at maligo pagdating sa bahay bago makipag-contact sa family member para safe tayong lahat," nababahalang sabi ni White. "Bili na nga tayo ng alcohol at Safeguard."
"Ano ka ba, praning ka na naman. At hello, sa Cebu ang chinese na 'yon kaya huwag kang mag-alala," sabi ni Ayesha. "At bakit ganito ang topic natin? Ke aga-aga."
"Ma'am? Bibili lang po ako sa tindahan, tulog pa naman ang mga bata," paalam ni Honey Grace habang isinisilid ang cellphone sa bulsa.
"Naku, makipagkita ka lang sa textmate mo e," biro ni White.
"Hindi a," tanggi ni Honey Grace.
"Sige na, umalis ka na para makauwi ka kaagad dahil may pupuntahan kami ni White," sabi ni Ayesha kaya umalis na si Honey Grace.
"Magme-meet lang 'yon sila ng co-teacher ko," sabi ni White.
"Sino? Ang may gusto kay Christine?"
"Yung bading," sagot ni White. "Binigay ko ang number ni Honey Grace."
"Ngee... Talaga? Eh mas babae pa 'yon kaysa kay Honey Grace e."
"Lalaki pa rin 'yon, misis," sabi ni White at biglang tinusok ang tagiliran ng asawa kaya napatayo si Ayesha.
"Sabing tama na eh!" bulyaw niya. Ayaw talaga niya ng kinikiliti siya nito pero tuwang-tuwa ang loko. "Waah!" tili niya nang hatakin ni White ang kanang kamay niya kaya napaupo siya sa kandungan nito.
Tatayo sana siya pero mahigpit na niyakap siya ni White sa bewang.
"Misis? Wala na si Honey Grace."
BINABASA MO ANG
The Heart of Education (probinsya series 2)
RomanceMayaman, gwapo at maimpluwensya ang ama ng kanyang anak kaya hindi niya ipinaalam na nagbunga ang isang gabing pagkakamali nila. Sino ba naman siya para pakasalanan at tanggapin nito? Ordinaryong tao lang siya pero makakaligtas kaya siya kung sinund...