43

5.6K 300 96
                                    


A/n:

Thank you for promoting my stories sa friends o kakilala ninyo. Sobrang nakakatuwa na nakakaiyak. Thank you kasi hinanap pa rin ninyo ako sa kabila ng paglaho ng old account ko.

"Bahind the dark clouds, the sun is still shining."





Unedited...


Nasa bahay siya nina Yurika at nagpapalipas ng oras.

"Baka hinahanap ka na ng mga anak mo," sabi ni Yurika dahil kaninang alas diyes pa ito rito at walang ganang umuwi sa kanila. "Kausapin mo siya nang maayos dahil baka maawa pa siya sa mga bata."

Hindi niya ipinaalam kay Yurika ang tungkol sa kambal niya dahil hindi pa rin siya makapaniwalang si Dark ang ama nila.

"Nagkakasagutan at sigawan lang kami," sagot niya. "Pero never kong i-giveup ang lupain sa kanya!"

"Tama 'yan. Hanap tayo ng abogado at ipaglaban ang karapatan ninyo bilang legal na pamilya ni White."

"Nahihilo na ako," sabi ni Ayesha.

"Umuwi ka na, baka wala ka nang uuwian." Utos ni Yurika kaya natigilan si Ayesha at biglang napatayo. "Alam mo naman ang mayayaman. Baka mamaya, wala na ang mga anak mo."

"H-Hala! Uuwi na ako!" nataranta niyang sabi at nagmamadaling umuwi. Kung puwede nga lang niyang liparin, baka ginawa na niya. Bakit ba hindi sumagi sa isip niya na puwedeng gawin iyon ni Dark.

Mabilis ang pagmaneho niya ng sasakyan hanggang sa makarating siya sa bahay.

Patakbong pumasok siya sa loob ng bahay pero wala ang mga bata. Ang sabi ni Honey Grace ay nasa burol daw ang mga ito kaya patakbo na naman siyang tumungo sa burol pero naabutan niya si Orange na umiiyak habang gumuguhit sa ilalim ng isang puno.

"Sina Fuchsia?" agad niyang tanong sa anak.

"N-Nagpapalipad ng saranggola k-kasama si Tatay," sagot ni Orange at pinahidan ang mga luha kaya napayuko siya sa anak.

"Bakit nandito ka?" tanong niya. "May problema ba?"

"A-Ayaw nila akong isama," sagot ni Orange at napatingala sa kanya habang hawak ang drawing book. "D-Dito na lang daw po ako at mag-drawing."

"Sino ang may sabi?"

"S-Si Tatay po," nanlulumong sagot nito. "Nanay? Gusto ko lang naman po silang makalaro e." Napayuko si Orange at gumuhit ng batang nakahawak sa kamay ng ginuhit na lalaking nakangiti.

Yumuko siya at ginulo ang buhok ng anak saka nginitian ang anak. Halos madurog ang puso niya sa nakikitang kalungkutan sa mga mata ni Orange habang naiinggit na nakatingin kina Dark na masayang naghahabulan. Nakasakay si Fuchsia sa leeg nito habang hinahabol nila si Green Maroon.

"Nanay? Hindi na tayo iiwan ni Tatay, 'di ba?" tanong ni Orange nang tumigil sa pagguhit at puno ng pag-asa ang mga mata. "H-Hindi na aalis si Tatay, 'di ba?"

Hindi niya alam ang isasagot. Kung totoo ngang si Dark ang ama nina Fuchsia at Green Maroon, paano naman si Orange? Paano niya ipaliwanag na ang kambal lang ang anak ni Dark? Na hindi naman siya nito itinuturing na anak at wala itong ka-amor-amor sa kanya? Makakaya ba niyang saktan ang puso ng inosenteng bata?

"Gusto mo ng ice cream?" masiglang tanong niya.

"Talaga po?"

"Oo," sagot niya. "Bibili kita bukas ng paborito mong ice cream."

"Yehey!" Pumalakpak pa si Orange. "Nanay, punta lang ako kina Tatay."

"Huwag na. Dito ka lang," pagpigil niya dahil baka pagalitan na naman ito ni Dark.

The Heart of Education (probinsya series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon