Prologue

1.9K 34 1
                                    

"Ouch! Aray! Tangna nyo nasasaktan ako." Daing ko habang sinasaktan ako ng mga asungot na bully ng school.

Andito kami sa likod ng isang building sa school habang sinasaktan nila ako. Magubat ang bandang likuran na yun ng school kaya naman hindi ako naririnig ng kahit na sino. Bukod sa magubat at maraming puno ay wala na rin mga students sa oras na iyon dahil uwian na.

"Ano hah! Minumura mo pa kami at sumasagot ka pa!" "Ang panget panget mo." Sabi ni Brianna ang lider ng grupo habang sinisipa ako.

"Aray! Aray! Tama na!" Sigaw ko habang patuloy pa rin nila akong sinasaktan ng mga kasama niya.

"Sumasagot ka pa ah!" si Xandro na bakla at bigla na lang ako sinabunutan.

Halos maiyak na ako sa mga ginagawa nila saken. Sasapakin na sana ako ni Alexis ng biglang may humawak sa kamay niya.

Nagulat ako pati na rin sila ng mapagtanto namin ko sino yung humawak sa kamay ni Alexis.

"P-president Ashtine" gulat na turan ni Alexis habang nakatingin sa matatalim na titig ni President Ashtine.

"Alam mo niyo bang pwede kayo masuspende dahil jan sa ginagawa niyo." ang maangas at halos walang emosyon na turan ni Ashtine.

"S-sorry pres h-hindi na mauulit." Sabi ni Brianna kasabay ng pagbitiw ni Ashtine sa kamay ni Alexis at tumakbo na ang tatlong asungot.

Hindi ako makakilos sa pagkakaupo ko dahil sobrang sakit ng katawan ko tatayo na sana ako ng biglang inilahad ni Ashtine ang kamay niya para tulungan ako. Hindi na ako nagdalawang isip pa at inabot iyon. Nagulat ako ng biglang parang may naramdaman akong daloy ng kuryente kaya agad ako napabitiw sa kanya at muntikan pa akong mapaupo ulit kung hindi lang ako agad nahawakan ni Ashtine sa bewang. Ramdam na ramdam ko ang mga kamay niya na nakapulupot sa magkabila kong bewang. Parang nag-slow motion ang paligid habang nakatitig kami sa mata ng isa't-isa.

OMG! Ano ba tong nararamdaman ko bat ang bilis ng tibok ng dibdib ko.

"Done staring at me?" Biglang sabi ni Ashtine sabay ngisi.

"Grabe bat ang hot ng pagngisi niya?" Sa isip ko.

"Inalis pa kasi yung paghawak hindi naman pala kaya." sabi niya sabay pitik sa noo kong malapad.

Napabalik ako sa realidad at napatungo ako sa kahihiyan ng mapagtanto ko na matagal na pala akong nakatitig sa kanya. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa muka dahil sa pula nito.

"Tatayo ka na lang ba jan?" Tanong niya saken kaya napatingin ako sa kanya.

"A-ah hindi." Nahihiyang sabi ko.

Lalakad na sana ako ng bigla siyang lumapit saken at hinawakan ako sa kanang braso at inilagay ito sa balikat niya habang ang kaliwa niyang kamay ay hinawakan ang bewang ko para tulungan ako maglakad.

"K-kaya ko..." Hindi pa ako tapos magsalita ng bigla siyang sumingit.

"Wag ka ng maarte, alam ko namang di mo kaya kaya tutulungan na kita at ihahatid na rin sa sakayan. Baka masarahan ka pa ng gate pag iniwan kita dito." mahabang sabi niya saken.

Di na ako nagreklamo at nagsimula na kaming maglakad habang iika-ika ako.

"Grabe ang bango niya." Sabi ko sa isip ko habang patuloy pa rin kami sa paglalakad

"Salamat nga pala kasi tinulungan moko kanina." Sabi ko.

"Wag ka magpasalamat. Responsibilidad ko yun bilang SC president at dito ka  pa sa loob ng school nila sinasaktan ng mga yun." Mahabang paliwanag niya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang marating na namin ang sakayan ng jeep.

"Kaya mo na siguro sumakay diba? At saka di ka ba papagalitan sa inyo dahil ganyan ang itsura mo?" Sabay turo niya saken at napatingin naman ako sa sarili ko.

Ang gulo ng uniform ko pati na rin ng buhok ko kaya inayos ko ang sarili ko.

"Ah hindi naman at saka wala naman sila mommy dun kasi nagdodorm ako. Papagalitan lang nila ako pag may nagsabi sa kanila." sabi ko habang inaayos ang sarili ko.

Bigla na lang siyang lumapit saken at inayos rin ang magulo kong buhok. Kaya napatingin ako sa kanya. Mas matas siya saken ng mga 3cm kaya medyo napatingala ako. Napatitig naman ako sa ganda niya grabe ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko hindi na ata normal toh.

"You're staring again." sabi niya at napatawa pa ng konti.

"A-ah s-sorry." nahihiya kong sabi.

"May paparating ng jeep." Sabi niya habang nakatingin sa papalapit na jeep.

"Sorry di na kita mahahatid sa inyo. May pupuntahan kasi ako at saka iniintay na rin ako nila mommy. Sige mag-ingat ka pauwi." Sabi niya ng walang emosyon at hinintay pa akong makasakay ng jeep at nagbabye saken.

Nakarating na ako sa dorm ko pero ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko.

"Uy! Babae bat tulaley ka jan?" nagtatakang tanong ni Hanna isa sa mga kasama ko dito sa dorm at kaibigan ko na rin.

"Oo nga. At saka bat gulo gulo ata yang damit at buhok mo? Para kang nirape ng sampung kabayo." takang tanong rin ni Ella.

"Shit! Inlove ako kay press." wala sa sariling sabi ko habang nakaupo sa sofa at tulala sa kawalan habang nakahawak pa rin sa aking dibdib.

"Ano?!?!" sabay na tanong ng dalawa.

Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon