Chapter 2

788 24 6
                                    

𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Naglalakad na ako papasok ng gate ng school namin ng mapansin kong may mga estudyanteng nag-iintay saken. Nakaline sila sa both side ko habang pumapasok ako ng gate may isinasaboy silang mga petals ng red roses. "Grabe ano toh kasal? Omg ikakasal na ba ako?" sabi ko sa isip ko habang patuloy pa ring naglalakad. Malapit na ako sa dulo ng mga estudyateng nakaline ng mapansin ko ang isang bulto ng babae sa gitna na para bang iniintay niya akong makalapit sa kanya habang may hawak hawak siyang tatlong red roses.

"Ashtine!"- sabi ko ng makita ko kung sino ang babaing may hawak ng bulaklak. Lumapit siya saken.

"Can I court you?"- tanong saken ni Ashtine habang inaabot ang bulaklak na hawak niya.

"OMG! Totoo ba toh? Gusto niyang manligaw saken?" - tanong ko sa isip ko.

"Y-ye..." - sasagot na sana ako ng biglang.

*tok tok tok*

"Gwen gumising ka na."- sigaw ni Hanna

Nagising ako ng marinig ko ang malalakas na katok at tawag ni Hanna.

"Gwen lumabas ka na jan malelate na tayo." - sigaw ni Hanna habang kinakatok yung pintuan ko.

"Ano ba yan akala ko naman totoo na.Panaginip lang pala." - sabi ko habang napakamot sa ulo.

"Gwenneath Perez Tuazon lumabas ka na jan malelate na tayo." - ang malakas ulit na sigaw ni Hanna at mababakas mo ang galit dito.

Once kasi na tawagin ni Hanna yung full name ko ibig sabihin nun galit na siya. Well sanay nanaman ako jan. Sa dalawang taon naming magkakasama halos lahat alam ko na sa kanila gaya na lang ni Hanna na bugnutin.

"Oo andiyan na."- sabi ko at napatingin ako sa orasan.

"Hala shit 7:30 am na malelate na ako." sabi ko at nagmadaling nag-ayos sa sarili.

.................................................

"Wait lang manong guardddd!" -sigaw ko habang tumatakbo papunta ng gate.

Nalate na kasi ako, sila Hanna at Ellaine naman nauna saken umalis kasi nung ginising ako ni Hanna paalis na sila. May kukunin daw kasi sila sa library kaya nauna na sila.

"Bilisan mo late kana ng isang minuto oh." pinapasok na ako ni manong guard kasi 1 minute late lang naman ako.

"Salamat po manong guard." nakangiting sabi ko at pumasok na.

Tumakbo na ulit ako papunta sa building namin. Tangina wala na akong pakialam kung magmukang bruha na agad ako basta makapasok lang ako sa first sub namin. Takbo ako ng takbo hanggang sa nakabungguan ako sa isang tao at shit laking gulat ko ng malaman ko kung sino ang nabunggo ko.

"A-ashtine." - mahinang sabi ko.

Buti na lang di masyadong malakas yung pagkakabunggo ko sa kanya kaya hindi kami pareho na-out balance.

"S-sorry president Ash hindi ko sinasadya." nakatungong sabi ko.

"Ok lang. Basta mag-ingat ka na lang sa susunod."- ang walang emosyong sabi niya.

"A-ahh sige po president Ash alis na po ako." - magalang na sabi ko sabay takbo papunta sa room ko.

Pagpunta ko sa room ko ay wala pa ang sub teacher namin kaya laking pasalamat ko. Nakita ko naman sila Hanna at Ellaine sa may upuan nila na nagkukwentuhan at tumabi ako sa kanila.

Lumipas pa ang ilang minuto at dumating na yung sub teacher namin.

*discuss!

*discuss!

Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon