Chapter 5

628 22 0
                                    

𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕

"Ahm ano nga pala mga bibilhin natin?"- tanong ko kasi kanina pa kami lakad ng lakad dito sa mall tas hindi man lang siya nagsasalita kasi lakad lang ng lakad.

"Wala."- simpling sagot niya.

"Wala? Eh diba sabi mo..."- di ko pa natatapos yung sasabihin ko ng bigla naman siyang sumingit agad.

"Yeah sinabi ko lang yun kasi gusto ko lang gumala kasama ka."- sabi niya habang nakatingin saken.

Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang kilig na nararamdaman ko. Grabe kulang na lang mangisay ako sa sobrang kilig kaso pinipigilan ko kasi baka magmuka akong tanga dito.

Napansin kong nakatingin siya sa labi ko at napalunok pa siya. Unti unti siyang lumapit saken.

"A-anong g-gagawin mo?"- sabi ko habang lumalayo ng konti.

Lumapit pa siya saken at napapikit pa ako. Akala ko hahalikan niya ako pero hindi pala. Lumapit siya sa may tainga ko at may ibinulong na nagpagulat saken.

"Don't bite your lips like that. That was attempting me to kiss you."- bulong niya at bahagyang dinilaan ang tainga ko.

Shit biglang nagtaasan ang mga balahibo ko at napalunok dahil sa sinabi niya. Inilayo niya na yung sarili niya saken at bigla niya na lang ako hinila kung saan. Parang nag-i-slow motion ang lahat habang hawak hawak niya ang mga kamay ko. Napansin ko na lang na nasa may garden na kami ng mall di ganun kalaki ang garden ng mall na kinatatayuan namin ngayon. Grabe sa sobrang titig at sobrang lakas ng kaba ko di ko na naiintindihan yung nasa paligid namin feeling ko kami na lang dalawa ang nasa mundo. Pinaupo niya ako sa isang bench na pandalawahan at siya naman ay kumuha ng bulaklak sa may garden. Shit nakatingin lang ako sa kanya habang lumalapit siya saken hindi niya inaalintana ang mga tao sa paligid habang naglalakad siya papalapit saken. Iniabot niya saken ang bulaklak at naupo siya sa tabi ko.

"B-bakit mo i-ito ginagawa?"- tanong ko sa kanya matapos niyang iabot saken ang tatlong bulaklak.

"Isn't obvious that.... I like you too.?"- sabi niya na nagpagulat saken.

Bigla naman ako namula ng marealize ko na alam niya rin pala na may gusto ako sa kanya kaya napatungo na lang ako.

"P-paano mo alam na g-gusto kita?"- utal at nahihiya kong tanong sa kanya.

Ngumiti siya ng malapad bago sagutin ang tanong ko.

"Your friends told me."- maiksing sagot niya na nagpagulat saken.

"F-friends? Who's friends?"- tanong ko kahit alam ko namang si Ellaine at Hanna lang ang nakakaalam na may gusto ako sa kanya.

"Hanna and Ellaine?"- sabi niya

"K-kelan nila yun sinabi sayo?"- tanong ko naman ulit.

Nakita ko siyang tumatawa kaya medyo nainis ako.

"Hmp. Bat ka tumatawa?"- medyo inis na tanong niya.

Lumapit siya saken at hinawakan ang magkabila kong pisnge sabay pisil.

"Ang cute mo talagaaa!!"- sabi niya habang pinipisil ang pisnge ko.

"Arayyy!! Tama na Ash masakit."- sabi ko.

Feeling ko talaga mahihiwalay na yung panga ko sa muka ko sa sakit. Nagulat ako ng bigla niyang pagdiitin ang noo namin pero this time hindi na niya pinipisil yung pisnge ko. Shit ayan nanaman ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Ang bango ng hininga niya grabe. Nakatingin lang ako sa mata niya at ganun din siya saken at minsan naman ay tumitingin siya sa may labi ko kaya napapakagat ako dito.

"You really want me to kiss you right?"- biglang sabi niya.

"Huh hindi ah."- pagdadahilan ko kahit na sa totoo naman ay gusto ko.

"Then stop biting your lips."- sabi niya at agad ko naman sinunod.

Tahimik lang kaming dalawa habang nakadikit pa rin yung noo niya sa noo ko.

"Gusto mo bang malaman kung pano ko nalaman na may gusto ka saken?"- tanong niya na bumasag sa katahimikan namin.

"Y-yes"- sagot ko naman at nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Hmm. Kiss me first before I tell you."- sabi niya.

Unti unti niyang inilapit yung muka niya saken at...

𝐀𝐬𝐡𝐭𝐢𝐧𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕

"Hmm.. Kiss me first before I tell you."- sabi ko kay Gwen at nagulat pa siya nang unti unti akong lumapit sa kanya.

Nakita ko pang napapikit si Gwen at natawa naman dahil sa sobrang cute niya. Idinilat niya ulit ang mata niya HAHAHA ang cute niya talaga namumula na siya sa sobrang inis saken.

"Akala mo siguro totoong hahalikan kita noh? HAHAHA." -natatawang sagot ko sa kanya.

"Hmp. Bahala ka na nga jan."- sabi niya sa sobrang inis.

Tatayo na sana siya ng pigilan ko siya.

"Bitiwan mo nga ako. Naiinis na ako sayo eh."- sabi niya ng nakanguso.

"Sorry na sasabihin ko naman talaga kahit hindi moko halikan eh."- panunuyo ko sa kanya.

"Eh bat kanina gusto mong halikan muna kita."- sabi pa niya at nakanguso pa rin

Napangisi naman ako sa sinabi niya.

"So, hahalikan mo talaga ako?"- sabi ko habang nakangisi.

"Hindi noh!"

"Sus! Deny ka pa eh."- panunukso ko pa kay Gwen kasi sobrang kyut niya pagnaiinis Haha.

"Ano sasabihin mo ba saken o aalis na ako."- sabi niya na ikinatigil ko naman sa panunukso sa kanya.

"Eto na nga sasabihin ko na pero bago ko gawin yun maupo ka muna."- sabi ko.

Agad naman siyang naupo at inintay ako magsalita. Nakita ko siyang ready na makinig saken kaya nagsimula na ako magkwento.

Lunes ng hapon at pauwi na ako sa bahay namin. Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nung tulungan ko si Gwen sa mga nambubully sa kanya. May tumawag sa phone ko at nakita ko ang pangalan ni Ellaine at nagtaka naman ako kung bakit biglang tumawag saken ang pinsan ko. Pinsan ko si Ellaine kasi kapatid ng mommy niya ang mommy ko. Close rin kami ni Ellaine kaya lahat ng bagay ikinukwento niya about saken. Pinapunta niya ako sa bahay nila kasi umuwi na raw si tita galing abroad at doon na ako ako dumiretso sa bahay nila Ellaine. Nang makarating ako sa bahay nila Ellaine agad naman niya ako pinasunod paakyat sa kwarto niya. Pagpasok ko sa kwarto andun yung isa niyang kaibigan na si Hanna. Nakipagkwentuhan lang silang dalawa saken hanggang sa may nasabi sila saken na ikinatuwa ko. Ayaw pa sana nilang ikwento saken pero kinulit ko talaga sila at dun ko na nga nalaman na may gusto raw saken si Gwen. Sobra akong natuwa dahil ang matagal ko na palang gusto ay gusto rin ako. Matagal na akong may gusto kay Gwen mula nung first year college pa lang siya at ako naman ay second year college. Lagi ko siyang nakikita sa library nun tuwing mag-uuwian. Noong una nakukyutan lang ako sa kanya tuwing nakikita ko siya sa library na nagbabasa habang kumakain ng patago. Pero nung nagtagal narealize ko na hindi lang pala ako humahanga sa kanya kasi gusto ko na siya. Alam kong mali yung magkagusto sa kapwa ko babae pero wala eh siya talaga yung nagustuhan ko. Marami rin kasing mga lalaki ang nanliligaw saken pero di ko sila sinasagot kasi may isang tao na akong gusto at si Gwen lang yun. Lagi ko siyang sinusundan kung saan siya pumunta hanggang ngayon. Mula nung malaman ko na may gusto siya saken nagpatulong ako kina Ellaine at Hanna para mapalapit ako sa kay Gwen. Actually pinlano nila Ellaine at Hanna yung paglipat ko ng dorm kahit na meron naman akong sariling condo unit. Kahit yung pag-alis ni Ellaine at Hanna kasama rin sa plano namin para masolo ko ngayon si Gwen at nagtagumpay naman ang plano namin kaya laking pasalamat ko sa dalawa.

Ikinuwento ko lang kay Gwen kung pano ko nalaman na gusto niya rin ako pero hindi ko na sa kanya ikinuwento na pinlano namin nina Ellaine at Hanna. Muka namang satisfied si Gwen sa kwento ko. Pagkatapos kong ikuwento kay Gwen ang gusto niyang malaman pumasok na ulit kami sa loob ng mall para kumain ng dinner kasi alas nuebe na ng gabi. Pagkatapos namin kumain umuwi na rin kami sa dorm at pagdating namin nandun na sina Ellaine at Hanna.

Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon