Chapter 26

742 13 0
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 26

𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Matapos magpaliwanag at magpatawaran ay dinala ako ni Ash sa bahay nila upang ipakilala sa kanyang mga magulang. Nahihiya pa ako dahil baka hindi ako matanggap ng mga magulang niya pero laking pasasalamat ko dahil maayos ang pagtanggap nila sa akin. Nakilala ko rin ang kuya ni Ash na si kuya Ace at dun ko rin nalaman na si kuya Ace pala yung nakita kong kasama ni Ash paglabas ng university. Naging maayos pa ang mga nagdaang araw at pumasok na rin si Ash. Ipinakilala ko rin si Ash sa aking mga magulang at laking pasasalamat ko dahil hindi naman salungat sa kagustuhan ko ang aking mga magulang. Nagpasalamat rin ako dun sa apat dahil tinulungan nila kami upang magkaayos. At ngayon ay masaya na kami ni Ash at kung itatanong niyo yung sex life namin ni Ash ay hindi ko na ikukwento dahil ayaw ni author kasi may mga batang mambabasa haha.

Nandito kami ngayon ni Ash sa dalampasigan at masayang pinagmamasdan ang kagandahan ng dagat habang kami ay naglalakad sa buhanginan. Magkahawak ang aming mga kamay habang nakangiti sa isa't-isa. Dito namin binalak na icelebrate ang 6th monthsary namin dahil mas maganda daw na makaamoy naman kami ng sariwang hangin. Napakagandang pagmasdan ng paligid habang kasama mo ang taong mahal mo at sabay kayong nangangarap. Sa loob ng anim na buwan ng aming relasyon ay masasabi kong mahal na mahal namin ang isa't-isa. Marami mang pagsubok ang dumaan sa amin ay sabay pa rin namin itong tinahak na parang isang daang madilim kahit na mahirap. Hindi rin kami nakaiwas sa mga masasamang sinasabi ng ibang tao na ayaw sa ganitong relasyon pero wala na kaming pakialam. Basta alam namin sa sarili namin na wala kaming ginagawang masama at wala kaming tinatapakan na ibang tao. May mga tao rin naman na tuwang tuwa sa aming dalawa pero mas lamang pa rin ang hindi sang-ayon. Masaya na ako at kontento sa relasyon namin ngayon. At ang nais naman namin ay makapagtapos ng pag-aaral at makapaghanap ng mabuting trabaho. Naisip na rin namin ang buhay namin sa hinaharap at alam namin pareho na mahirap pero go lang kami hanggat kaya namin.

"Ang ganda dito noh?"- pagbasag ni Ash sa katahimikan namin.

"Oo nga at ang sariwa pa ng hangin hindi gaya dun sa syudad na puro polusiyon ang naamoy."- pagsang-ayon ko naman.

Marami pa kaming pinag-usapan tungkol sa mga bagay bagay sa paligid. Hanggang sa tawagin na kami nina Ellaine upang kumain ng tanghalian. Naglakad lakad kasi kami kahit na tirik na tirik yung araw pero hindi naman ito masakit sa balat. Pumunta na kaming dalawa ni Ash at nagsimula na kaming magsalo salo. Bukod kina Ellaine ay kasama rin namin  ang mga pamilya namin. Bakasyon na rin kaya sumama na sila at sa susunod na pasukan ay 4th year college na si Ash samantalang ako ay 3rd year college lang. Masaya ang naging hapunan namin at ng magdapit hapon ay muli kaming naglakad lakad ni Ash sa buhangin na walang suot na tsinelas dahil malinis at pino naman ang mga buhangin. Gusto raw niya mapanuod ang sunset kaya inaya niya ako maglakad lakad. Naupo kami sa tabi ng malaking puno at doon ay kitang kita namin ang paglubog ng araw. Napakaganda ng kulay kahel nitong kulay habang lumulubog sa kanluran at kitang kita mo ang magandang repleksyon nito sa kulay asul na tubig ng dagat. Idinantay ko ang ulo ko sa balikat ni Ash habang nakapanuod pa rin sa magandang view. Napangiti ako dahil naisip ko ang posisyon namin. Magkahawak ang mga kamay habang pareho lang kayo nakatingin sa kalawakan.

"Sana laging ganto. Sana lagi tayong magkasama sa iisang lugar na tanging tayong dalawa lang."- sabi ni Ash.

Inalis ko ang pagkakasandal ng aking ulo sa kanyang balikat at tumingin sa kanya bago nagsalita.

"Lagi naman tayong magkasama ah."- sabi ko at nakatingin dito ng nakakunot ang noo.

"Yeah pero ang ibig kong sabihin.."- pinutol niya ang kaniyang salita at mas lumapit pa saken bago magsalita ulit. "Gusto ko yung tahimik lang parang tayo lang sa kwarto tuwing gabi."- nakangising sabi niya.

Namula naman ako sa kapilyahan niya kaya pinalo ko siya ng medyo mahina at tumawa naman siya.

"Hmp. Lagi moko iniinis"- singhal ko na parang bata.

"HAHA pero seryoso na."- sabi niya at mas lumapit pa sakin.

"Gusto kitang makasama habang buhay, pagnakagraduate na tayo pareho at may trabaho or nakaipon na gusto kong pakasalan ka."- seryosong sabi niya habang nakatingin pa rin saken mata sa mata.

"Ako rin gusto kong makasama ka habang buhay."- nakangiting sabi ko rin sa kanya.

Unti unti niyang inilapit ang muka niya sa muka ko at naglapat na rin ang aming mga labi. Gumanti ako sa masarap niyang halik. Hindi nakakasawa ang halikan ang taong mahal mo. Kahit matagal mo na itong nahalikan ay masarap pa rin sa pakiramdam dahil ramdam na ramdam niyo ang pagmamahal sa isa't-isa.

Ipinangako namin sa isa't-isa na habang buhay kaming magsasama kahit ano pang pagsubok ang dumating sa amin ay sabay namin itong haharapin kahit na mahirap. Hindi man dito nagtatapos ang lahat pero sisiguraduhin ko na magiging masaya kami sa isa't-isa kahit na sa tingin ng iba ay mali ang ganitong uri ng pagmamahalan. Gusto kong ipakita sa iba na hindi porke mali ang ginagawa mo ay masama na ito. Minsan ang mali ay siyang pinaka magandang bagay na mangyayari o nangyari sa buhay mo. Kaya hindi rin masama ang gumawa ng mali kahit na maraming tutol sa inyo. Saksi pa rin ang panginoon kung paano kayo maging masaya sa isa't-isa at alam niyang hindi mali ang mga bagay na aming ginagawa.

𝐓𝐇𝐄 𝐄𝐍𝐃.

Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon