Chapter 20

353 7 0
                                    

𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Nakaupo na kami ngayon sa isang kainan at hinihintay na lang namin yung mga inorder namin.

"Grabe parang feel na feel ko na ngayon ang lamig dito."- sabi ni Hanna.

"Oo nga eh kanina naman nung tanghali di masyado malamig."- pagsang-ayon ni Ellaine.

"Gabi na kasi kaya malamig na. Mas malamig talaga dito paggabi."- paliwanag ko.

"San naman tayo pupunta bukas?"- tanong ni Kevin habang tumitingin sa paligid.

"Sa Burnham Park maganda kasi dun at saka magandang sumakay sa mga parang boat dun."- sagot ko.

"Eh ngayon san tayo pupunta?"- tanong naman ni David.

"Sa Night Market kaso mamayang 12 pa yun magbubukas."- sagot ko.

"Pano yan eh 7:20 pa lang.?" tanong naman ni Ash na katabi ko lang.

"Edi dun muna tayo sa may open field at saka pwede naman tayo gumala gala muna ng konti."- sagot ko.

Natahimik na kaming lahat at sakto naman na dumating na yung order namin at nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kami marami pa silang tinatanong saken about dito sa Baguio. Inabot kami ng 30 minutes sa pagkain at pagkatapos ay inaya ko muna sila na maggala gala sa labas.
............

Andito na kami ngayon sa may open field at gumagala kami.

"Grabe ang ganda dito."- masayang sabi ni Ash.

Napatingin ako sa paligid at kaming dalawa na lang pala ang magkasama.

"Asan yung apat?"- tanong ko.

"Anjan lang sa paligid."- sagot niya.

Bigla si Ash tumigil sa paglalakad at humarap saken na nakanguso.

"Oh bakit?"- tanong ko.

"Pwede bang wag mo muna isipin yung apat ngayon? Pwede bang tayong dalawa lang muna?"- tanong niya na ikinangiti ko.

Pinisil ko ng bahagya ang pisnge niya bago magsalita.

"HAHA ikaw talaga siguro pinaalis mo yung apat kaya tayo ngayong dalawa lang magkasama noh?"- tanong ko habang nakangiti pa rin.

"Eh hehe. Gusto ko lang masulo ka ngayon eh."- medyo nahihiyang sabi niya.

"Sus! ikaw talaga. Halika na nga maglakad lakad na tayo."- sabi ko at hinila na siya sa paglalakad.

Dahan dahan lang kaming naglalakad habang nag-uusap ng tungkol sa aming mga sarili.

Naikuwento niya saken na first time niya lang pumunta dito at masaya raw siya na ako ang kasama niya sa unang pagpunta niya rito. Sobra akong kinikilig habang kausap siya kahit korni yung mga banat niya. Patuloy lang kami sa paglalakad habang magkahawak ang mga kamay.

Nang magsawa kami sa paglalakad ay naupo muna kami sa isang upuan na pinagigitnaan ng dalawang pine tree na punong puno ng mga nakasabit n ilaw na kulay puti. Mula sa kinauupuan namin ay kita mo ang iba pang mga magkasintahan habang masayang nag-uusap. May iba naman na nakaupo rin sa mga upuan gaya namin. Sa di kalayuan ay natanaw ko si David at Ellaine na masayang nag-uusap at di ko naman makita si Hanna at Kevin.

"Asan na kaya ang dalawang yun?"- tanong sa isip ko.

Tahimik lang akong lumilinga linga ng biglang magsalita si Ash kaya napatingin ako dito.

"Diba sabi ko wag mo muna sila isipin."- nakangusong sabi niya saken.

Natawa naman ako sa inasal niya dahil nag-iisip bata nanaman siya pag ako lang ang kasama niya at nababaling ang attention ko sa iba.

"Tinitignan ko lang sila baka kasi kung saan sila mapunta at hindi na alam ang pabalik."- sabi ko.

"May mga cellphone naman yung mga yun eh."- nagtatampong sabi niya at bahagyang tumalikod pa ito saken.

Iniharap ko naman ito saken at dinampian ng halik sa labi.

"Sorry na di na mauulit."- pagsuyo ko dito.

Ngumiti na ulit si Ash at saka ipinagpatuloy namin ang pag-uusap namin ng mga kakornihan.
..........

Pagkatapos namin mag-usap ay inaya ko na sila na magpunta sa Night Market. Malapit lang yung Night Market sa open field kaya mabilis lang rin kami nakapunta. Pagdating namin dun marami na ang mga nagbebenta ng mga kung ano ano.

"Hey Ash, Gwen dito tayo bilis."- sabi ni Hanna at inaakit kami papunta sa bilihan ng mga mumurahing damit.

"Wow sa tingin ko bagay toh saken."- sabi ni Ellaine habang sinusukat ang isang damit.

"Bagay nga sayo."- nakangiting sabi naman ni David na katabi lang nito.

Nakatingin lang ako sa kanila habang nakangiti ang cute kasi nila at nakikuta kong ang saya saya nila. Mukang nagkakaayos na rin si Kevin at Hanna dahil nag-uusap na rin ang dalawa pero may kaunti pa ring awkwardness.

"Hey Baby come here, try this one."- pagtawag saken ni Ash habang tinitignan ang couple shirt na hawak niya.

Lumapit ako sa kanya at sinukat ang damit. Nakita ko pang nakangiti si Ash habang tinitignan ako.

"Anong nginingiti ngiti mo jan?"- kunot noong tanong ko.

"Haha wala baby ang cute mo kasi."- sabi niya at medyo pinisil pa ang pisnge ko.

Binili na namin yung couple shirt at marami pa kaming tinignan. Marami na ring pinamili sila Hanna. Pagkatapos namin mamili ng kung ano ano ay umuwi na kami pabalik sa hotel.

Pagkadating sa hotel ay inayos na rin namin ang mga gamit namin at nagpahinga na kami.

Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon