𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕
"Okay class pass the test papers."- sabi ng prof. namin.
Nagpasahan na kami ng test papers at nag-ayos na ng gamit dahil lunch break na namin. Lumabas na ang prof namin pagkatapos sabihin na break time na at naiwan naman kaming ibang mga estudyante na nag-aayos ng gamit.
"Uy! Ayun si Ash sa labas oh hinihintay ka na."- sabi ni Hanna habang nakaturo kay Ash sa labas.
Napangiti ako ng makita ko si Ash at nakangiti rin ito saken.
"Tara labas na tayo."- masayang sabi ko kina Hanna at Ellaine.
Paglabas namin hindi lang si Ash ang nandun pati na rin sila Kevin at David.
"Nandito rin pala ang asungot."- mataray na sabi ni Hanna at halata mo dito na si Kevin ang tinutukoy.
Mula nung manligaw at maging kami ni Ash palagi na rin namin nakakasama si Kevin. Napansin ko naman kina David at Ellaine na nagkakamabutihan na sila ng loob at alam ko na may gusto na rin sila sa isa't-isa pero nahihiya lang silang mag-aminan.
"Anong sabi mo?"- tanong ni Kevin na halata mo dito ang inis.
"Oh wag na kayo muna magbangayan andito tayo sa school."- pag-awat ni Ash sa dalawa.
"Hays! Tara na nga gutom na ako."- inis rin na sabi ni Hanna at nauna ng maglakad.
Magkasabay kaming tatlo ni Ash at Kevin na maglakad samantala sa unahan naman namin ay ang naiinis na si Hanna at ang dalawa naman ni Ellaine at David ay nasa likod namin.
Pagkarating namin agad na kaming naghanap ng mauupuan at ang dalawang lalaki ay siya nang nag-order ng aming makakain.
"Baby!"- pagtawag saken ni Ash.
"hm? Ano yun?"- tanong ko naman.
"Diba 3 ang uwian niyo mamaya?"- tanong niya.
"Oo bakit?"- tanong ko rin.
"Ahm ano kasi gusto ko na lumabas tayo mamaya."- sabi niya saken na medyo nahihiya ata haha.
Napangiti naman ako dahil gusto niyang magdate kami pero may exam pa ulit kami bukas.
"Diba may exam pa tayo bukas?"- tanong ko.
"Yup." "Kakain lang naman tayo sa labas eh. Pwede ba baby? Hm..?"- tanong niya saken habang naglalambing.
"Sige na nga kakain lang naman tayo eh."- sabi ko.
"Ahem.. may kasama ata kayo."- sabi ni Hanna.
"Ah hehe sorry."- sabi ko at nagpeace sign.
"May surot ba doon sa kwarto niyo?"- nagtatakang tanong ni Ellaine.
"Huh? Wala naman bakit?"- tanong ko rin dito.
Itinuro ni Ellaine ang leeg ko.
"Shit nakita niya yung gawa ni Ash."-sabi sa isip ko.
Napalaki ng konti ang mata ko pero hindi ko iyon ipinahalata at medyo nataranta.
"A-ah ano may lamok kasi."- medyo kinakabahang sabi ko baka kasi kung anong isipin nila.
Napatingin ako kay Ash at nakangisi lang ito saken. Pinanlakihan ko si Ash ng mata at na gets niya siguro ang ibig kong sabihin kaya tinulungan niya ako magpalusot.
"Oo nga may lamok sa loob ng kwarto namin di nga kami makatulog pareho kagabi eh."- palusot rin ni Ash.
Napatingin naman ako sa dalawa at nakita ko sa muka ni Ellaine na naniniwala ito pero si Hanna nakataas ang isang kilay nito habang nakangisi.
BINABASA MO ANG
Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎
AcakGxg tagalog story. fiction. (Completed) Warning: It has some grammatical and typo errors. This story is for open minded people only.