Chapter 17

366 11 0
                                    

𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng midterm exam namin at ngayon ay sembreak na. Nakaupo kaming dalawa ni Ash sa sofa ngayon habang nanunuod ng palabas sa telebisyon. Umalis kasi sila Hanna at Ellaine kaya kaming dalawa lang ni Ash ang naiwan dito sa dorm. Habang nanunuod ay nakaisip ako ng isang ideya dahil medyo nabobored ako dito sa dorm.

"Ashie!"- pagtawag ko kay Ash.

"Hmm?"- tugon niya naman pero nakatingin pa rin sa tv.

"Di ka ba nabobored dito sa dorm?"-tanong ko.

Tumingin siya saken at nakakunot ang noo.

"Hindi ako mabobored hangga't kasama kita."- medyo nakangiti niya ng sabi.

Namula naman ako ng bahagya sa sinabi niya.

"Ang ibig kong sabihin, bakit hindi tayo magbakasyon tutal sembreak na natin at saka maganda rin yung magbakasyon tayo para naman mawala yung stress natin. Pwede rin natin isama sila Hanna at yung dalawang mokong para bonding na rin nating anim."- mahabang paliwanag ko.

Tumango tango pa si Ash bago siya magsalita.

"Hm.. I think that's a good idea. Pero saan tayo magbabakasyon?"-

Napaisip naman ako sa tanong niya. Dalawang lugar lang ang naisip ko kaya pinamili ko na rin si Ash.

"May dalawa akong lugar na naisip na magandang puntahan. It's either Baguio or Tagaytay. What do you think?"- tanong ko ulit kay Ash.

"Ikaw ba san dun gusto mong puntahan?"- tanong niya rin.

"Eh.. ako nga yung nagtatanong eh."-sabi ko na medyo nakanguso.

Medyo natawa naman siya sa inasal ko bago nagsalita.

"Diba sabi ko sayo kahit saan basta kasama kita."- nakangiti niyang sabi sabay yakap saken.

"Eh.. seryoso kasi Baby."- sabi na parang nagmamaktol.

"Seryoso ako."- sabi niya.

Pinamulahan naman ako agad dahil sa kilig.

"Sa Baguio na lang tayo kasi gusto kong puntahan yung Burnham Park (au: I didn't know kung tama ba yung burnham haha)" nakangiti kong sabi.

"Hmm.. I think maganda nga dun pero nasabihan mo na ba sila?"- tanong niya.

"Hindi pa mamaya pagdating at saka ikaw na lang ang mag-inform kay Kevin."- sabi ko.

"Okay Baby!"- nakangiting sagot niya.

Habang nakaupo kami sa sofa at nanunuod ay biglang nagbukas yung pinto kaya napatingin kami doon. Pagkabukas ng pinto iniluwa nun sina Hanna at Ellaine.

"Wow dito pa talaga kayo sa sofa naglalambingan ah."- pagbungad ni Hanna at isinara yung pinto.

"Buti naman dumating na kayo may sasabihin ako."- magiliw na sabi ko.

"Hah? Ano naman yun?"- tanong ni Ellaine.

Pinaupo ko muna yung dalawa bago ako nagsalita ulit.

"Magbabakasyon tayo."- nakangiting sabi ko sa kanila.

Nakita kong naexcite ang dalawa.

"Talaga?"- sabay na tanong nila.

Tumango lang naman ako bilang sagot habang nakangiti.

"Wow saan naman tayo magbabakasyon?"- Ellaine

Kelan?"- Hanna

excited na tanong nila.

"Oh wait lang isa isang tanong lang."- pagbibiro ko pa.

Inayos ko muna ang upo ko bago nagsalita.

"Napili namin ni Ash na sa Baguio tayo magbakasyon tutal mainit naman ang panahon sakto pagpunta natin sa Baguio malamig. Naisip ko na sa linggo na tayo umalis."- pagpapaliwanag ko.

"Eh ilang araw naman tayo dun?"- tanong ni Ellaine.

"1 week sakto lang pagbalik natin dito may pasok na ulit."- sabi ko.

2 weeks lang kasi ang sembreak namin kaya okay na yung 1 week sa Baguio.

"Kasama ba si David?"- tanong ni Ellaine.

"Oo at saka si Kevin."- pagsabat ni Ash sa usapan.

"Ano kasama yung mokong na Kevin?"- oa na tanong ni Hanna.

"Alam mo ang OA mo! Eh ano naman kung kasama yun?"- tanong ko.

"Eh kasi baka hindi lang maging maganda yung bakasyon ko."- sabi ni Hanna.

Hayyss Oo nga pala hanggang ngayon rivals pa rin yung dalawa. Si Ellaine at David naman nasa ligawan session pa lang di pa kasi sinasagot ni bruha kasi daw gusto niya muna alamin kung hanggang saan kayang itagal ni David. Pakipot pa ang bruha eh di na lang sagutin para tapos ang problema.

"Di magiging maganda yung bakasyon mo kung di ka makikipagbati kay Kevin."- walang emosyon na sabi ni Ash kay Hanna.

"Oo nga tama yung baby ko kaya makipagbati ka na kay Kevin."- pagsang-ayon ko kay Ash.

"Bat ka ba inis na inis kay Kevin?"- tanong ni Ellaine.

"Oo nga bat kaya inis na inis itong bruha na toh kay Kevin."- tanong sa isip ko.

"Eh basta.. masungit kasi at saka hayss."- walang kwentang sagot ni Hanna sabay pasok sa kwarto nila.

Napapailing na lang kami sa inasal ni Hanna. Bahala na siya kung ayaw niya makipagbati.

Sinabihan ko si Ellaine na iinform si David at ganun rin naman kay Ash para iinform naman si Kevin dahil bukas na agad ang alis namin dahil sabado ngayon. Sinabi ko na rin na magpaalam na sila kila tita at ako naman ay nakausap ko na sila mommy.

Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon