𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Linggo ngayon at ngayon na rin ang alis namin papuntang Baguio. Andito na sila Kevin at David sa labas ng building ng dorm namin at dala ni Kevin ang van nila. Inilagay na namin ang mga gamit sa likod ng van at sumakay na. Nasa driver seat si Kevin at sa tabi niya naman ay si David habang sa first row ng back seat ay sila Hanna at Ellaine at sa second row naman ay kaming dalawa ni Ash.
Bago kami magbiyahe ay namili muna kami ng mga snacks na kakainin sa biyahe dahil walong oras daw bago makarating sa Baguio mula rito sa Manila. Alas dose ng gabi kami umalis para walang traffic buti na lang at 24/7 na nakabukas ang ibang store kaya nakabili pa kami.
..........Tahimik lang ang buong biyahe namin paminsan minsan naman ay nagkukwentuhan kami pero sila Kevin at Hanna ay hindi nagkikibuan. Minsan naman ay nakikinig kami ng mga kanta.
Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe ng magsalita si Ash.
"Hindi ka ba nilalamig?"- tanong niya saken.
"Hindi naman"- nakangiting sagot ko.
Nasa tabi ako ng bintana dahil hindi ako sanay magbiyahe ng matagal baka kasi mahilo ako kaya nililibang ko ang sarili ko pagtingin sa daan.
"Matulog ka muna baby medyo malayo pa naman tayo."- malambing na sabi niya.
Napatingin ako sa unahan at nakita kong tulog na ang dalawang bruha at sa unahan naman ay yung dalawang mokong na gising pa habang nag-uusap ng medyo mahina sakto lang para magkaintindihan sila.
"Ikaw di ka matutulog?" - tanong ko kay Ash.
"Maya maya baby hindi pa kasi ako masyado inaantok."- nakangiting sabi niya.
Nagsuot si Ash ng earphone at saka nagpatugtog. Inilagay niya ang isa sa aking tainga at yung isa naman ay sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko saka idinantay ang aking ulo sa kanyang balikat.
Habang nakikinig ako ng kanta na pinatugtog ni Ash ay napapangiti ako dahil naalala ko yung kinantahan niya ako sa arcade. Yun kasi ang pinapakinggan namin ngayon. Sobrang ganda nung kanta at gusto ko na siyang idagdag sa mga favorites ko kasi naalala ko si Ash dito sa kantang toh.
Habang nakikinig ako ng music ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakahilig pa rin ang ulo sa balikat ni Ash.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagtulog ng maalimpungatan ako dahil huminto ang sinasakyan namin. Nagising ako at nakita ko na gising rin yung apat at si Ash naman ay tulog na tulog habang nakasandal sa upuan.
"Bat huminto?"- medyo mahinang tanong ko sakto lang para marinig nila baka kasi magising yung baby ko.
"Naiihi raw kasi itong si bruha."- sagot ni Ellaine.
"Naiihi na kasi talaga ako eh."- sagot ni Hanna na halata sa muka niya ang pagpipigil ng ihi.
Bumaba na si Hanna at Ellaine at sinamahan na rin ito ni David.
Napatingin ako sa labas at madilim pa. Tinignan ko ang aking cellphone at alas kwatro na ng umaga. Napatingin naman ako sa anghel na katabi ko at napangiti ako dahil tulog na tulog siya.
Lumipas ang ilang minuto at dumating na rin sila Hanna at nagsimula na ulit bumiyahe. May mga paunti unting bahay na kaming nadadaanan na mga tindahan ng mga prutas at gulay. Di na ako nakatulog dahil nakikita ko na ang pagsikat ng araw ganun rin naman yung apat pero si Ash ay tulog pa rin. Hindi ko muna ginising baka puyat ang baby ko.
Lumipas pa ang mahigit dalawang oras at nasa Baguio na kami dahil nakita na namin ng nakasulat na WELCOME TO BAGUIO. Nagising na rin si Ash at ngayon ay sikat na rin ang araw at kitang kita mo na ang magandang tanawin sa lugar. May mga tindahan ng souviner na kaming nadadaanan.
"Kakain muna tayo bago pumunta ng hotel."- sabi ni David.
"Sakto gutom na rin ako."- sabi naman ni Hanna.
"Ayon oh may jollibee dun na lang tayo kumain."- turo ni Kevin.
Ipinarada na ni Kevin ang van malapit sa jollibee at bumaba na kami para kumain. Malamig ang gantong oras dito sa baguio dahil nanunuot sa makapal na jacket na suot ko ang lamig.
"Nilalamig ka ba?"- tanong ni Ash.
"Hindi baby ok lang ako."- sabi ko ng nakangiti.
Nakapasok na kami sa jollibee at hindi naman malamig sa loob nito dahil may heater sila. Naghanap na kami ng mauupuan at yung dalawang lalaki naman ang nag-order. Lumipas lang ang ilang minuto ay dumating na rin yung order namin at nagsimula na kaming kumain. Agad rin naman natapos ang pagkain namin.
Napatingin ako sa orasan at mag-aalas otso na pala ng umaga. Sumakay na ulit kami sa van at papunta na kami sa hotel na aming pagtutuluyan ng isang linggo.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nasa tapat na kami ng hotel. Bumaba na kami ni Ash sa van at nagpabook muna ng kwarto sa receptionist.
Pagkatapos namin makausap yung receptionist ay ibinigay na nito ang susi samin at pinasamahan kami sa bellboy. Dala dala na namin ang kanya kanya naming gamit habang nakasunod sa bellboy. Pagkatapos ng ilang minuto ay huminto na ang bellboy sa tapat ng isang kwarto.
"Room 69 here mga sir at ma'am. Sige po maiwan ko na kayo."- paalam ng bellboy.
Binuksan na namin ang room at maaliwalas ang kwarto. Meron itong mini kitchen at may refrigerator din tas may cr. Meron rin itong dalawang kwarto. Sa isang kwarto ay may isang double deck at sa kabila naman ay mas malaki dahil dalawa ang double deck nito. Sakto para sa aming anim. Ipinasok na namin ang mga gamit namin. Sinabi ko sa kanila na magpahinga na muna para magkaroon kami ng lakas dahil halata mo sa mga itsura nila ang pagod. Nagpahinga na rin naman kami ni Ash.
BINABASA MO ANG
Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎
RandomGxg tagalog story. fiction. (Completed) Warning: It has some grammatical and typo errors. This story is for open minded people only.