𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕Mag-aalas singko na ng hapon at malapit ng mag-uwian, andito kami ngayon sa last subject namin.
"Hoy bruha bat nakatulala ka jan at parang ang lungkot mo?"- tanong ni Hanna na katabi ko lang.
"Ah wala may iniisip lang ako."- malungkot na sagot ko.
Tinignan ko si Ellaine sa may katabi ni Hanna at nakita ko na tahimik lang ito habang nakikinig sa teacher. Hindi ako makapagfocus sa pakikinig dahil iniisip ko si Ash. Hindi ko kasi siya nakita maghapon kaya sobrang nalulungkot ako. Hinanap ko naman siya kanina pero hindi ko talaga siya nakita.
Lumipas pa ang ilang minuto at uwian na. Inayos na namin ang mga gamit namin at lumabas na sa classroom. Pagkalabas namin ng classroom nagpaalam muna ako sa dalawa na may pupuntahan ako.
"Ah guys punta muna ako ng library ah. May hahanapin lang akong libro. Mauna na nga pala kayong umuwi baka matagalan pa ako."- pagpapaalam ko sa dalawa.
"Gusto mo samahan ka na namin?"- tanong ni Ellaine.
"Ah hindi na, mauna na lang kayo."-sabi ko.
"Sige una na kami."- paalam ni Hanna.
Umalis na yung dalawa at ako naman ay dumeretso na sa library. Naghanap na agad ako ng libro na kailangan ko pagkadating ko sa library. Naisip ko na dumaan sa Student Council Office nagbabakasakaling makita ko si Ash. Pagpunta ko sa SCO sumilip ako sa parang bintana na salamin pero wala akong nakita kahit anino ni Ash. Naisip ko na baka umuwi na siya sa dorm kaya naisip ko na umuwi na lang din.
Pagdating ko sa dorm nakita ko sila Ellaine at Hanna sa kusina na nagluluto. Nakita rin naman nila ako.
"Oh anndito ka na pala bruha tamang tama malapit na maluto itong pagkain."- sabi ni Hanna habang hinahalo yung pagkain.
"Asan si Ash?"- tanong ko.
"Wala pa siya."- sabi naman ni Ellaine.
Bigla akong nalungkot sa sinabi ni Ellaine. "Asan na ba kasi si Ash?"-tanong sa isip ko. Maghapon ko ba namang hindi makita si Ash sobrang nalulungkot ako dahil miss ko na agad siya. Naupo na lang ako sa mesa ng tahimik.
"Oh bat parang ang lungkot mo nanaman ata?"- tanong pa ni Ellaine.
"Eh kasi maghapon ko hinanap si Ash pero di ko siya nakita."-malungkot na sabi ko.
"Ahh.. baka umuwi sa bahay nila baka may emergency."- sabi ni Ellaine habang inihahanda ang hapunan sa mesa.
"Oo nga atsaka makapag-alala ka jan para kang jowa eh, bat kayo na ba?"- tanong naman ni Hanna habang inaayos ang plato.
Grabe naman tong babaing toh mapanakit eh parang hindi kaibigan. Sabi ko sa isip.
"Hindi! Pero syempre diba paggusto mo yung isang tao lagi mo siyang inaalala."- nakanguso kong sabi.
"Sus! Dami mong alam kumain ka na nga."- sabi ni Hanna sabay abot saken ng pinggan.
"Teka kakain na agad tayo? Di man lang natin hintayin si Ash?"- tanong ko.
"Kakatext lang ni Ash, di daw muna siya makakauwi dito sa dorm kasi pinauwi siya ng mommy niya sa bahay nila."- sabi naman ni Ellaine habang nakatingin sa cellphone niya.
"Okay!"- sabi ko ng malungkot at nagsimula ng kumain.
Pagkatapos kong kumain dumeretso na agad ako sa kwarto para maglinis ng katawan. Pagkatapos kong maglinis ng sarili nahiga na agad ako sa kama ko dahil parang ang bigat ng pakiramdam ko. Di agad ako nakatulog kakaisip kay Ash. Lumipas pa ang ilang minuto at dinalaw rin ako ng antok at natulog na ako.
𝐀𝐬𝐡𝐭𝐢𝐧𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Nandito ako ngayon sa condo ko, hindi muna ako umuwi sa dorm dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko. Nagtext ako kay Ellaine na hindi muna ako uuwi sa dorm dahil pinauwi ako ni mommy sa bahay kasi may emergency.
"Arrrggghh!" sigaw ko habang gumugulong sa kama dahil hindi naaalis sa isip ko yung ngiti ni Gwen habang kausap yung lalaki na di ko naman kilala.
"Bat ba ako nagseselos ng ganito eh hindi naman kami ni Gwen."- tanong ko sa sarili ko ng marealize ko kung gaano na ako kabaliw kay Gwen.
"Arrrgghh! Gwennn you make me crazy!"- sigaw ko pa. Okay lang naman na magsisigaw ako dito sa condo ko kasi soundproof naman ang kwarto kaya walang makakarinig sa kabaliwan ko.
Bumangon ako sa pagkakagulong ko sa kama dahil nagugutom na ako. Tinignan ko kung may pagkain sa kusina pero wala akong nakita. "Hays di nga pala ako bumili ng stock."- sabi ko at napakamot sa ulo. Kinuha ko na lang ang phone ko at nagpadeliver ng pagkain.
Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na rin yung pinadeliver ko. Binayaran ko na agad yung pagkain at sinara yung pinto. Agad kong kinain yung pinadeliver ko dahil gutom na gutom ako. Hindi kasi ako kumain ng lunch kanina dahil sa nakita ko si Gwen at yung lalaki na yun na magkasama. Habang kumakain naalala ko yung first time na kumain kami ng sabay ni Gwen. Ang kyut niya lang kumain haha. Habang kumakain ako hindi ko namalayan na para na pala akong baliw na ngumingiti mag-isa. Narealize ko yung kabaliwan ko. "Hays bwisit naman oh. Ano bang nangyayari sa aken?"- tanong ko sa sarili ko. Inubos ko na yung pagkain ko at pagkatapos ay nilinis ito. Pumasok na agad ako sa kwarto ko at naglinis ng sarili pagkatapos ay natulog na.
BINABASA MO ANG
Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎
De TodoGxg tagalog story. fiction. (Completed) Warning: It has some grammatical and typo errors. This story is for open minded people only.