𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Alas singko na ng hapon ng kami ay magising. Inaya ko sila na magpunta kami sa Night Market mamaya kasi maganda dun paggabi lalo na pagsapit ng alas dose kasi may mga nagtitinda doon ng mga murang damit.
Nagsisimula pa lang lumubog ang araw at medyo mas bumababa na ang temperatura pagsapit ng gabi at mas lalo pang lumalamig. Una ng naligo si Hanna kasunod si Ellaine at ako. Habang hinihintay namin si Hanna ay nag-ayos kami ng mga gamit namin. Napatingin ako kay Ash at nakita ko itong nagpunta sa kusina at kung ano ang tinitignan. Lumapit ako kay Ash.
"Anong hinahanap mo Ashie?"- tanong ko.
"Wala tinitignan ko lang kung ayos ba yung mga gamit dito para dito na lang tayo magluto."- sabi niya at binuksan ang walang laman na ref.
"Gumagana pa kaya toh?"- tanong niya sabay saksak ng ref at gumana iyon.
Napangiti ako dahil ang cute niya habang kinukutingting iyon.
"Ayos pa naman pala eh."- sabi ko.
"Oo nga baka pwede tayo mamili ng pagkain kaso walang lutuan at saka oven lang ang meron dito. May mga pinggan naman at baso kaso mukang hindi safe gamitin."- mahabang sabi niya.
"May mini store naman sa baba pwede naman dun na lang tayo bumili at saka malapit lang ang mga kainan dito."- sabi ko.
"Sabagay.. sa labas na lang siguro tayo kakain."- sabi niya at itinigil ang pagkutingting ng mga gamit.
"Hoy Gwen ikaw na ang maliligo."- pagtawag saken ni Ellaine na kakatapos lang maligo.
"Ligo na ako baby ah ikaw na sunod."- sabi ko.
"Gusto mo sabay na tayo."- pilyang bulong niya saken.
"Hoy umayos ka nga may mga kasama tayo oh."- sabi ko.
"Bakit? Sabay lang naman diba?"- painosenting sabi niya.
"Hays bahala ka na nga jan maliligo na ako."- sabi ko at iniwan na si Ash.
Nagsimula na akong maligo buti na lang at may heater ang shower kaya hindi malamig pagligo. Pagkatapos ko maligo ay nagtapis lang ako ng tuwalya na dala ko. Wala naman kasi yung dalawang lalaki dahil pinalabas muna namin para makapag-ayos kaming mga babae. Paglabas ko ng banyo nandun na si Ash at hinintay lang pala ako matapos.
"Ang tagal naman baby."- pagrereklamo niya habang nakanguso.
"Malamig kasi."- palusot ko.
Pumasok na siya ng banyo tas sinara yung pinto at nagsimula ng maligo. Ako naman ay pumasok na sa kwarto kung saan ang mga gamit namin para magbihis. Naabutan ko yung dalawa na kakatapos lang mag-ayos ng sarili nila.
"Buti naman tapos na kayo."- sabi ko at naghalungkat na ng susuotin.
Pinalabas ko muna yung dalawa para makapagbihis ako. Pagkatapos ko magbihis ay inayos ko na yung sarili ko at lumabas ng kwarto. Saktong paglabas ko ay lumabas na rin ng banyo si Ash at tapos na rin ito maligo.
"Bilisan mo magbihis Ash para makaligo na rin yung dalawa."- sabi ni Ellaine sa pinsan niya.
Tumango lang si Ash at lumapit ito sa akin sabay bulong.
"Samahan moko magbihis."- paos niyang bulong.
Nagulat at medyo namula ako dahil sa sinabi niya.
"Hays ikaw talaga magbihis ka na nga."- kinurot ko siya ng bahagya sa tagiliran pero di naman yun masakit.
"Aray binibiro ka lang naman eh."- sabi niya at pumasok na sa kwarto pero bago siya pumasok ay lumapit muli ito saken. Akala ko ay may ibubulong ulit siya pero nagulat ako ng bigla niya akong nakawan ng halik sa pisnge sabay takbo sa kwarto at sara ng pinto.
Nakatayo lang ako sa tapat ng pinto habang nakatulala at hawak hawak ang pisnge ko kung saan niya ako hinalikan.
"Ano bruha tulala ka na jan hinalikan ka lang."- napabalik ako sa huwisyo ng magsalita ang bruhang si Hanna.
Sinamaan ko lang ito ng tingin at naupo sa isang sofa at kinalikot ang cellphone. Napansin kong wala si Ellaine kaya tinanong ko si Hanna.
"Nasan si Ellaine."- tanong ko.
"Sinusundo yung dalawang damuho sa labas para makaligo na rin."- walang ganang sagot nito.
Tumango lang ako bilang tugon at ipinagpatuloy ang pag-i-scroll sa fb.
Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na ng kwarto si Ash at nakabihis ito ng itim rin na hoodie na gaya ng suot ko hehe lakas makacouple eh. Sakto namang dating nung dalawang lalaki para sila naman ang mag-ayos ng sarili nila.
"Hintayin niyo na lang kami sa baba."- sabi ni Kevin.
"Sige dun kami sa may mini store sa kalapit."- sabi ko at lumabas na kaming apat na babae.
Bumaba na kami at naghintay sa mini store at naupo lang muna kami sa may mga upuan duon habang naghihintay.
Lumipas lang rin naman ang ilang minuto at bumaba na rin yung dalawa at nakabihis na rin.
"So san na tayo pupunta?"- masayang tanong ni David.
"Kakain muna tayo at saka gagala ng konti tutal mamaya pa naman magbubukas ang Night Market mga alas dose."- paliwanag ko.
"Wow ah parang ang dami mong alam dito sa bagyo?"- tanong ni Hanna.
"Nagpunta kasi kami dito nila mommy two years ago."- sagot ko.
"Ah kaya."- tumatango tangong sabi ni Hanna.
Nagsimula na kaming maglakad lakad. Malapit lang kasi ang Night Market mula dito kaya naglakad na lang kami.
"Grabe ang ganda dito oh. May mga nakasabit pa na mga lights sa mga puno."- nakangiting sabi ni Ellaine habang tumitingin sa paligid at namamangha.
"Uy Ellaine picturan moko dito dali."- pagtawag ni Hanna kay Ellaine at nagpose ang bruha katabi ng puno na maraming ilaw ilaw.
"Halika Ash magpicture tayo."- tawag ko kay Ash at nagpose kaming dalawa para magselfie.
"Guys selfie tayong lahat."- tawag ni Hanna at lumapit kaming lahat sa kanya para magpic.
BINABASA MO ANG
Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎
De TodoGxg tagalog story. fiction. (Completed) Warning: It has some grammatical and typo errors. This story is for open minded people only.