Chapter 9

526 14 0
                                    

𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Maaga akong nagising dahil sa alarm clock na gumising saken pinilit ko gumising ng maaga dahil miss ko na si Ash. Ewan ko ba pero parang may kulang saken pag di ko nakikita si Ash. Lumabas na ako ng kwarto at doon ay natagpuan ko si Ellaine na nagsisimula ng magluto ng agahan samantala si Hanna naman ay nakaupo sa may dining table at nagkakape. Pagpunta ko sa kusina napatingin sila pareho at ang mata ni Hanna na medyo singkit ay lumaki. Napakunot ang aking noo dahil sa inasta ng dalawa.

"What?"- nakakunot noong tanong ko sa mga ito.

"Himala yata at nagising ka ng maaga?"- nagtatakang tanong ni Hanna ng ito ay magbalik sa ulirat at ipinagpatuloy ang pagkakape at si Ellaine naman ay ipinagpatuloy ang pagluluto.

"Ah wala.. maaga lang talaga ako gumising ngayon dahil may ibabalik ako sa library.

"Hays! iba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig ngayon."- sabi ni Ellaine matapos ilagay ang kalulutong pagkain sa mesa.

"Oo nga noh? Biruin mo, ang dating patanghaliin gumising na si Gwen ay maaga ngayong nagising dahil lang sa namimiss niya ang kanyang iniibig."- pagsang-ayon naman ni Hanna.

"Tsk! Ano bang sinasabi niyo? Maaga lang talaga ako gumising ngayon noh?!."- pagdepensa ko sa sarili.

"Sus! Deny ka nanaman. Alam kaya namin kung bat ka nagkakaganyan. Kahapon ka pa eh. Kahapon pa nakabusangot at malungkot yang muka mo dahil maghapon mong hindi nakita si Ash."- sabi pa ni Hanna.

"Oo nga bruha masyado kang halata. Ewan ko lang dun sa pinsan ko na yun kung bakit ba ang tagal manligaw sayo eh matagal ka nanaman pa lang gusto tas pakipot pa kayo sa isa't-isa. Bat di na lang kayo magjowaan agad para di na kayo mahirapan."- sabi ni Ellaine.

"Oo nga tama ka dun Ellaine haha."- pagsang-ayon naman ni Hanna at nag-apir pa yung dalawa.

"Hmp. Ewan ko sa inyo."- sabi ko na lang dahil nairita ako sa mga pinagsasabi nila.

"Kumain na nga tayo."- sabi ko pa at nagsimula ng kumain.

Hays di ba nila iniisip yung mga sinasabi nila kasi akala nila ganun kadali yung ganung relasyon. At saka hindi naman dapat minamadali yung pag-ibig kahit na alam mong gusto niyo yung isa't-isa kailangan munang maghinay hinay pagdating sa pagmamahal para masigurado niyong kayo na talaga hanggang dulo.

Pagkatapos namin kumain si Ellaine ang naglinis ng pinagkainan namin at si Hanna naman ay pumasok sa kanilang kwarto. Naligo muna ako bago mag-ayos ng sarili at pagkatapos nakita ko sila na tapos na rin at sabay sabay na kaming umalis kahit maaga pa. 7:00 pa lang kasi ng umaga, may meeting daw ang mga Varsity player kaya maaga si Ellaine at si Hanna naman sasamahan na lang daw ako sa library.

Sumakay na ng jeep si Ellaine dahil malelate na daw siya sa meeting nila. Kami naman ni Hanna naglakad na lang dahil maaga pa naman. Papasok na kami ng gate ng makita ko ang taong kahapon ko pa gustong makita. Napangiti ako ng makita ko siya at nakita rin ni Hanna kung sino ang tinitignan ko.

"Oh diba si Ash yun?"- tanong ni Hanna sabay turo kay Ash na papasok na rin ng gate sa di kalayuan. Deretso lang ang lakad ni Ash kaya hindi niya kami nakita. Sobrang laki ng ngiti ko dahil nakita ko na ulit siya pero biglang nawala yung ngiti ko at napalitan ito ng lungkot at pagkakunot ng noo dahil sa nakita ko.

"Wait? Si Vice Pres. ba yung lumapit kay Ash?"- sabi ni Hanna matapos makita ang paglapit ni Kevin kay Ash at inakbayan pa ito.

Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko. Para na lang biglang sumikip ang dibdib ko dahil nakita kong nakangiti si Ash habang kasabay na pumasok sa gate si Kevin. Pinanuod ko lang ang pagpasok nina Ash at Kevin habang nakaakbay si Kevin kay Ash.

Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon