Chapter 13

431 15 0
                                    

𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nung manligaw saken si Ash at normal pa rin ang mga nangyayari. Lagi ako binibigyan ng kung ano ano ni Ash pero minsan di ko na tinatanggap yung mga binibigay niya. Simula nung magdate kami ni Ash mas naging sweet na siya saken. Madalas na rin kami magkasama pero hindi man lang nagtaka yung dalawa kung bakit ang close nanamin ni Ash at saka di naman sila nagtatanong saken kaya saka na ako magkukwento pagnagtanong sila haha.

"Gwen pupunta ka ba ng library mamaya?"- tanong ni Hanna habang inaayos yung kakainin namin.

Monday nanaman nga pala ngayon at next week na yung midterm exam namin kaya medyo busy ako sa pag-aaral kasi kailangan mataas pa rin yung grades ko.

"Ah oo papunta kami ni Ash sabay na raw kami manghihiram ng libro."- sabi ko.

Kahit na medyo busy kami pareho ni Ash di pa rin siya nawawalan ng oras saken. Kahit magkaiba yung grade level namin sinasabayan niya ako mag-aral at minsan naman tinutulungan niya ako.

"Wow ah sana all na lang may kasama pagrereview."- pabirong sabi pa ni Hanna.

"Huh? Pwede ka naman sumabay samen ah."- sabi ko.

"Ay wag na. Baka makaistorbo pa ako sa inyo ni Ash."- sagot pa ni Hanna.

Nauna na nga pala umalis si Ash kasi may meeting daw silang mga SC. Si Ellaine naman nauna na rin may pupuntahan daw kaya naiwan kami ni Hanna dito sa dorm.

"Edi wag bahala ka."- sabi ko

"Pero joke lang haha kailangan ko pala sumama mamaya kasi may hahanapin akong libro."- sabi pa ni Hanna.

"Bahala ka."-walang ganang sagot ko.

Nagsimula na kaming kumain ni Hanna pagkatapos ay inayos na rin namin ang aming sarili at pumasok sa school.
........................

Nandito na kami ngayon sa school at papunta kami ng cafeteria dahil lunch break na namin. Nagtext saken si Ash na nandun na raw siya sa cafeteria kasama si Kevin. Naglalakad na kaming tatlo nila Hanna at Ellaine.

"Uy ayun na pala si Ash."- turo ni Ellaine pagpasok namin sa cafeteria.

"At kasama niya yung masungit na VP."- medyo inis na sabi ni Hanna.

Paglapit namin kay Ash at Kevin ay naupo na rin kami. Nagpresinta na si Kevin na siya ang mag-oorder ng mga pagkain namin at sinamahan naman ito nina Ellaine at Hanna na mukang badtrip kaya naiwan kaming dalawa ni Ash.

"Kamusta ang baby ko?"- nakangiting tanong ni Ash at kitang kita ko ang isang dimple niya sa kanang pisnge.

Namula naman ako sa sinabi niya at napatingin sa paligid baka kasi may nakakarinig sa kanya. Wala naman akong nakitang nakatingin samen at busy silang lahat sa pagkain.

"A-ayos lang ako."- namumulang sabi ko.

"Haha wag ka ngang ganyan baka di ko pa mapigilan ang sarili ko mahalikan kita jan."- sabi ni Ash.

"Sira ka ba alam mo naman maraming tao dito eeh."- sabi ko.

"Edi mamaya sa bahay."- sabi niya ng pabulong saken kaya ramdam ko ang hininga niya na tumama sa balat ko kaya naman nagsitayuan ang balahibo ko.

"Ano ba wag mo nga akong-" di ko pa natatapos yung sasabihin ko ng biglang may magsalita sa may harap namin.

"Ahem.. dun kayo sa motel maglandian wag dito."- walang emosyong sabi ni Kevin.

Nakabalik na pala ang tatlo at nakaorder na rin sila ng pagkain. Inilapag na nila ang mga inorder namin at nagsimula ng kumain. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng biglang may lumapit sa table namin at nagsalita.

"Hi guys! Pwede ba ako makishare?"- tanong ni David na nakangiti habang dala niya ang isang tray na may laman rin na pagkain.

"Yeah sure!"- sabi ko ng nakangiti rin at napatingin ako kay Ash at mukang masama ang tingin nito kay David.

"Hi Ellaine."- pagbati nito kay Ellaine at nakita ko namang namula si Ellaine na nakaupo lang sa tapat ni David.

"H-hello"- nahihiyang pagbati rin ni Ellaine.

"Anyare sa babaeng toh? Parang nung minsan lang galit siya kay David ah?"- tanong sa isip ko.

"Long time no see nga pala Gwen. Haha naging busy rin ako last weeks kaya di na ako nakakasama sa inyo."- nakangiting sabi saken ni David.

Naging close na rin kasi namin si David at minsan ay nakakasabay pa namin ito sa pagkain sa cafeteria kahit na mas mataas ang grade level niya samen kasi nasa third year na siya at transferee pala siya kaya wala siyang kaibigan dito kaya kami na lang ang naging kaibigan niya.

"Oo nga eh."- sabi ko naman dito.

Nagulat at napatingin kami kay Ash ng bigla na lang namin narinig ang malakas na pagbagsak ng mga kutsara at tinidor. Napatingin ako kay Ash at mukang galit siya. Bigla siyang tumayo at bigla na lang niya ako hinila paalis sa cafeteria at hindi na rin ako nakapagsalita dahil lumabas na kami ng cafeteria at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon