𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Kinabukasan nagpunta naman kami ng Burnham Park at gumala gala lang tapos nagpicture. Sumakay kami sa boat na design na parang swan tas ayun lakad lakad lang. Then pinuntahan naman namin yung PMA kasi open naman yun sa mga tourist kaya pwede pumunta dun. May mga Philippine Military Students den kaming nakitang nagtetraining. Sunod naman naming pinuntahan is yung white house kaso di na kami pumasok sa loob nun. After dun pumunta naman kami dun sa Christmas Village (au: ewan ko kung tama ako haha christmas village daw yun eh meron kasi dun mga parang kaharian yung parang sa disneyland lang.)
Isang araw lang namin nagala yun then the next day nag-stay lang kami sa hotel kasi wala na rin naman kami masyadong gagalaan. Pinuntahan na rin namin yung maraming tanim ng mga bulaklak at saka yung parang bangin na kitang kita mo yung magandang tanawin ng kabundukan. At ngayon ay uuwi na kami pabalik sa Manila pero bago kami umalis pumunta muna kami ng strawberry farm at namili kami ng strawberry. Yung strawberry farm is parang palayanan lang sa probinsya ganun lang yung pagkakatanim. Akala ko nga dati nung unang punta ko dito sa Baguio is same dun sa napanood kong merong Green House tas yung mga strawberry is nakatanim sa mga pot hindi sa lupa haha (au: yun talaga yung expectation ko nung unang punta ko sa baguio akala ko talaga may green house eh yun pala nakatanim lang din sa lupa haha)
Pagkatapos namin mamili ng strawberry namili naman kami ng mga souviner tas nagsimula na kaming magbiyahe. Alas sais na ng hapon ng kami ay makaalis at yung dinadaanan namin ay meron ng mga fag tas kitang kita namin yung paglubog ng araw.
Masaya naman ang naging biyahe namin pabalik ng Manila. Si Kevin at Hanna ay mukang nagkaayos na dahil nag-uusap na sila at parang may something na rin. Sinagot na naman ni Ellaine si David na mag-iisang buwan na palang nanliligaw dito. Kami naman ni Ash ganun pa rin, sweet sa isa't-isa kahit minsan may pagkacorny.
Ala-una na ng umaga ng kami ay makarating sa dorm at yung dalawa naman ni Kevin at David ay umuwi na sa kanilang mga bahay. Bagsak ang katawan naming apat dahil sa mahabang biyahe at mga antok na rin. Nag-ayos lang kami ng mga gamit namin at natulog na rin.
.............Kinabukasan ay nagising ako ng alas otso at pagtingin ko sa higaan ni Ash ay wala na siya. Pumunta ako ng kusina at si Hanna at Ellaine lang ang nakita ko.
"Asan si Ash?"- tanong ko sa dalawa na nagsisimula ng kumain ng agahan.
"Umuwi sa bahay nila kasi gusto daw makausap ni tita."- sabi ni Ellaine.
Tumango lang ako bilang tugon at umupo na rin para kumain ng agahan. Tahimik lang kaming kumain at agad din namin tinapos ang pagkain at nag-ayos ng sarili at sabay sabay na rin kami pumasok.
Pagdating sa University agad na sinalubong nina Kevin at David yung dalawang bruha at ako naman ay naging third wheel sa kanila dahil ako lang yung walang partner haha.
"Asan na kaya si Ash? Papasok kaya siya?"- tanong sa isip ko habang tumitingin tingin sa paligid at patuloy pa rin sa paglalakad.
"Sinong hinahanap mo?"- tanong ni Kevin.
"Ah si Ash. Papasok kaya siya?"- tanong ko.
"Di ko sure eh kasi sabi niya na baka di daw siya makakapasok sa first sub namin. Wala naman meeting yung mga ssg kaya okay lang kahit wala siya."- mahabang sabi ni Kevin.
Tanging pagtango lang ang aking naging tugon sa kanya at nagoatuloy na lang sa paglalakad. Hindi ko alam kung ganito lang ba talaga pagmahal mo ang isang tao, gusto mong lagi ito kasama.
Lumipas ang maghapon at hindi ko nakita si Ash. Sobrang namimiss ko agad siya. Hindi ko alam kung masyado lang akong OA kasi parang may hindi maganda sa pakiramdam ko.
Naglalakad na kami pauwi ngayon at kasabay namin sila Kevin at David.
"Hindi ba pumasok si Ash?"- tanong ko kay Kevin.
"Hindi eh, baka busy lang."- sagot ni Kevin.
"Oo nga bruha masyado kang OA jan at miss mo na agad yung jowa mo."- sabi naman ni Hanna.
Di ko na lang ito pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Pagdating namin sa dorm ay agad akong pumasok sa kwarto namin ni Ash at natulog dahil hindi maganda ang pakiramdam ko.
*tok! tok! tok!*
Nagising ako sa mahinang pagkatok sa pintuan ng aking kwarto. Nailock ko pala ang pinto. Lumapit ako at pinagbuksan ito at bumungad saken ang muka ni Ellaine.
"Bakit?"- wala sa mood kong tanong dito.
"Kakain na tayo."- sabi niya.
"Andiyan na ba si Ash?"- tanong ko.
"Wala. Wag mo na hintayin yun kasi di uuwi yun ngayon dahil may inaayos sa bahay nila."- sabi ni Ellaine at napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Inaayos?"- tanong ko.
"Wag mo na muna ako tanungin niya kumain ka na dahil malalagot ako kay Ash pagnalaman nun na di ka kumain."- sabi ni Ellaine.
Sumunod na ako sa kanya papuntang kusina at nakita ko na nakahain na ang pagkain. Nagsimula na kaming kumain ng walang imikan at pagkatapos kumain ay nilinis lang namin ang mga pinagkainan namin at bumalik na rin ako sa kwarto dahil wala ako sa mood. Sobrang namimiss ko na si Ash at hindi ako mapakali pag wala siya sa tabi ko. Sana ayos lang siya.
"Mahal kita, Ash."- sabi ko bago ko ipikit ang aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎
RandomGxg tagalog story. fiction. (Completed) Warning: It has some grammatical and typo errors. This story is for open minded people only.