Chapter 3

694 23 1
                                    

𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Sabado ngayon nag-aayos kami ng mga gamit namin kasi ngayon na darating yung bagong roommate ko/namin.

"Gwen naayos mo na ba yung mga gamit mo dun sa kwarto mo?"- tanong ni Ellaine.

"Oo naayos ko na nung monday pa."- sagot ko naman habang nagkukusot ng damit ko.

Pwede naman kami magpalaba pero nanghihinayang ako sa pera. Kaya ko naman kasi maglaba. Sina Hanna at Ellaine nakaupo na sa may sala at nanunuod nanaman ng kdrama. Pumunta na kasi si Ate Inday dito kanina at siya ang naglinis tas kami naman inayos lang namin yung mga gamit namin.

Ibinabad ko muna yung mga damit ko sa powder. Mamaya ko na lang lalabhan para maalis yung ibang dumi at di ako mahirapan magkuskos. Pagkatapos ko ibabad yung damit ko nakiupo muna ako sa sofa at nakinood na rin.

"Sino kaya yung magiging kadorm natin?, Sana naman mabait."- biglang sabi ni Hanna.

"Sino nga kaya yung magiging karoommate ko?" Hays bat ko ba iniisip yun eh makikilala ko rin naman yun mamaya."-sabi ko sa isip ko.

Patuloy lang kami sa panunuod habang kumakain ng kung ano ano ng biglang may magtext kay Ellaine. Di ko na lang pinansin at nagpatuloy lang sa panunuod.

"Shit! agad agad?"- biglang sabi ni Ellaine kaya napatingin kami ni Hanna sa kanya.

"Oh? Anong nangyari?"- tanong ni Hanna.

"Eh panu naman kasi parang tanga ni Captain bigla bigla na lang nagpapatawag ng meeting para saming mga players. Gagabihin daw kami ng uwi."- sabi ni Ellaine na medyo naiinis at dali daling pumunta sa kwarto nila at kumuha ng towel para maligo.Varsity player kasi si Ellaine.

"Hays akala ko kung ano na."- sabi ko at ipinagpatuloy ang panunuod.

"Ah oo nga pala Gwen, aalis rin ako dito sa dorm kasi pinapauwi ako ni mommy sa bahay. Umuwi na kasi si kuya eh gusto daw ako makita. Baka bukas pa ako makakauwi."- mahabang sabi ni Hanna.

"Okay.. ako na lang ang bahala dito. Di rin naman ako pinapauwi ni mommy eh."- sagot ko naman.

Tango lang ang isinagot ni Hanna at nagpatuloy lang kami sa panunuod habang si Ellaine naman ay aligaga sa pag-aayos ng sarili dahil pinapapunta sila ng meeting ng mga players.
...........................................
"Alis na ako guys ah. Maya na lang."- sabi ni Ellaine at umalis na papuntang school.

"Sige ingat."- pahabol na sabi ko.

"Anong oras na?"-tanong ni Hanna.

"10:30 am na."- sabi ko matapos ko tignan ang oras sa aking cellphone.

"Shit maliligo na ako."- sabi Hanna sabay tayo at kuha ng towel tapos pumasok sa cr para maligo.

"Hays! Mag-isa lang pala ako dito mag-iintay sa bagong dormmate namin. Akala ko naman iwewelcome namin sila sabay sabay pero mukang ako lang ang magwewelcome."-sabi ko sa sarili na medyo malungkot.

Natapos na rin si Hanna pag-aayos ng sarili niya.

"Oh panu Gwen, alis na rin ako ah. Ikaw na lang mag-ayos ng mga yan, konti lang naman eh. At saka iupdate moko sa bago nating rommate ah. Geh alis na ako."- sabi Hanna sabay kuha ng bag niya.

"Sige ako na lang amg bahala. Ingat na lang at saka yung chocolate ko ah."-sabi ko

"HAHA oo na. Dadalhan na lang kita. Alis na ako bye."-sabi niya at lumabas na sa pinto.

"Hays mag-isa nanaman ako dito." - sabi ko sa sarili.

Pinatay ko na yung tv at ipinagpatuloy ko na lang ang aking paglalaba ng damit.
............

Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon