Chapter 14

398 13 0
                                    


𝐀𝐬𝐡𝐭𝐢𝐧𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕

"W-wait lang Ash san ba tayo pupunta?"- tanong ni Gwen saken habang patuloy ko pa rin siyang hinihila papunta kung saan.

Sa totoo lang hindi ko rin alam kung saan ako pupunta basta ang gusto ko lang ilayo si Gwen dun sa lalaking yun dahil naalibadbaran ako sa muka niya.

Dinala ko si Gwen sa lugar kung saan ko siya tinulungan mula sa mga asungot na nananakit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit dito kami dinala ng sarili kong paa. Pumunta ako malapit sa may isang malaking puno at saka ko binitiwan ang kamay ni Gwen. Nakatayo lang ako patalikod sa kanya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"A-anong ginagawa natin dito?"- tanong ni Gwen pero hindi ko iyon sinagot bagkus ay humarap ako sa kanya at lumapit.

Napansin ko naman na napapaatras si Gwen habang patuloy pa rin ako sa paglapit sa kanya.

"A-ash?"-

Pero di ko pa rin siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglapit sa kanya hanggang sa napasandal na siya sa may malaking puno at nacorner ko siya.

"A-ash, a-anong gagawin mo?"- kinakabahang tanong niya.

Lumapit pa ako ng lumapit kay Gwen hanggang maglapat na ang aming katawan. Tinitigan ko siya sa mata at ganun na rin ang ginawa niya. Nagulat si Gwen ng bigla kong idinantay ang aking ulo sa kanang balikat niya.

"A-ash?"- pagtawag niya sa pangalan ko.

"Can you be mine?"- sabi ko habang ganun pa rin ang posisyon ko.

"Can you be mine para wala ng magtangkang agawin ka saken?"- tanong ko ulit.

"H-hah?"- naguguluhang tanong niya.

First time ko lang umamin at magtanong ng ganito sa kapwa ko babae kaya medyo nahihiya ako. Pero nilakasan ko na ang loob ko na magtanong sa kanya.

"Will you be my girlfriend."- deretsong tanong ko habang nakadantay pa rin sa may balikat niya.

Hindi si Gwen sumagot marahil ay gulat pa rin ito sa aking tanong. Inayos ko na ang aking tayo at tinignan si Gwen. Nakita kong bakas pa rin sa muka niya ang pagkagulat.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge gamit ang dalawa kong kamay at tumitig sa medyo singkit at bilugan niyang mga mata.

"Be my girlfriend, will you?"- tanong ko ulit sa kanya.

Nakita kong napakurap na ang kanyang mga mata at tinignan niya rin ako pero hindi pa rin siya sumasagot. Napatungo na lang ulit ako sa harapan niya dahil naisip ko na baka hindi pa siya ready kaya hindi niya pa ako sinasagot.

"I'll understand. Alam ko na hindi ka pa ready kaya.."- nakatungo kong sabi.

Nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni Gwen ang muka ko gamit ang mga kamay niya at nakipagtitigan saken. Mas ikinagulat ko pa ng bigla niya akong halikan sa labi pero mabilis lang yun at saka nagsalita.

"Sino bang nagsabi na di pa ako ready?"- nakangiting tanong niya.

"Y-you mean?!?"- gulat na tanong ko sa kanya.

"Hinihintay lang naman kita na tanungin ako eh."- nakangiti niya pa ring sabi.

"S-so ta-tayo na?"- medyo utal at nakangiti kong tanong.

"Yes."- sabi niya.

Nayakap ko siya ng mahigpit sa sobrang tuwa.

"Yes!!!! Thank you Gwen, I love you"- masayang sabi ko habang yakap pa rin siya ng mahigpit.

"I love you too."- sagot naman niya.

Inalis ko na ang pagkakayakap sa kaniya at tumingin sa muka niyang parang anghel. Unti unti kong inilapit ang muka ko sa muka niya. Nakita ko pa siyang napapikit at unti unti ko na rin ipinikit ang aking mga mata at dinama ang malambot niyang labi.

Napaka sarap sa pakiramdam na parang ayaw ko ng matapos ang oras na toh dahil sa saya na nararamdaman ko.

Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon