𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Nasa room na kami ni Hanna at maya maya naman ay dumating na rin si Ellaine at tumabi sa upuan namin.
"Ahm.. Gwen, gusto mo ba gumala mamaya? Tutal wala naman tayong masyadong gagawin mamaya diba?"- sabi ni Ellaine.
"Anong nangyare? Bat himala yata at nag-akit siya gumala for the first time?"- tanong sa isip ko.
"Anong meron at nag-akit ka gumala eh pag kakaalam ko ikaw yung taong hindi mag-aakit gumala kasi kuripot ka."- sabi ni Hanna.
"Wala naisip ko lang na lumabas naman tayong tatlo kasi di na tayo nakakapagbonding."- sagot ni Ellaine.
"Hah? Diba gumagala naman tayo?"- tanong ko naman.
"Oo pero ang ibig kong sabihin is yung tayong tatlo lang wala yung mga asungot at saka yung pinsan ko kasi lagi natin sila kasama tas tayong tatlo di na masyadong nag-uusap dahil sa mga jowa natin."- mahabang sabi ni Ellaine.
May punto naman siya kaso ayokong magpakasaya dahil may problema ako ngayong dinadala. Kailangan ko ngayong makausap si Ash.
"Hoy natulala ka jan."- sabi ni Ellaine.
"Sure ka ba na ngayon tayo gagala? Pwede bang next time na lang kasi gusto ko munang ayusin yung problema ko kay Ash."- walang gana at malumbay na sabi ko.
"Eh ano namang gagawin mo? Tatanga ka jan? Diba monthsary niyo ngayon?"- tanong ni Hanna habang nakatingin lang saken.
"Kaya nga kakausapin ko si Ash ngayon eh."- sabi ko.
"Oh eh asan naman ngayon yung Ash mo? Diba wala?"- sabi pa ni Hanna.
Mas lalo naman naging malungkot ang loob ko. Paano ko nga ba makakausap si Ash eh ni hindi ko pa nga siya nakikita. Sa pagkakatanda ko huli ko siyang nakita na sumakay sa kotse ng isang lalaki. Mas lalo akong nalungkot nung maisip ko na may kasama siyang iba at gusto nanaman tumulo ng mga luha ko.
"Oh oh wag kang iiyak dapat kausapin mo muna si Ash."- sabi ni Ellaine.
"Yun na nga eh, paano ko makakausap si Ash eh ni hindi ko man lang nakikita."- maluha luhang sabi ko.
"Alam mo, wag kang masyadong magpadala jan sa mga naiisip mo kasi minsan yung mga negative thoughts pa yung nagiging dahilan ng mga bagay na pwedeng masira sayo. Gaya ngayon, iniisip mo na may lalaki si Ash. Hindi mo ba naisip na baka kapatid lang yun niya or pinsan?"- mahabang sabi ni Ellaine.
Siguro tama nga si Ellaine, masyado akong nagpapadala sa mga negatibong bagay. May tiwala naman ako kay Ash kaya nga gusto ko siyang makausap para maliwanagan ako. Marami akong gustong itanong sa kaniya pero asan ba siya?
Napatungo na lang ako dahil hindi ko na maisip kong ano ba ang dapat kong gawin. Siguro kailangan ko hanaoin si Ash ngayon. Oo tama dapat kong hanapin si Ash hindi naman kasi pwede na maupo lang ako at hintayin siya na dumating.
"Oh san ka pupunta?"- tanong ni Hanna nung bigla akong tumayo.
"Hahanapin ko lang si Ash."- sabi ko at lumabas ng room.
"Hoy Gwen sandali lang."- tawag pa saken nila pero di ko na sila pinansin at lumabas na lang ng room tutal wala pa yung teacher namin.
Nagpunta ako ng student council office kasi baka nandun si Ash pero bigo ako dahil ang naabutan ko doon ay ang ibang officers at si Kevin. Tinawag ko si Kevin na mukang nagmamadali.
"Hey Kevin."- pag tawag ko dito.
"Oh Gwen? Bat ka nandito? Diba may klase kayo?"- tanong niya.
"Oo pero wala pa yung teacher namin. Nakita mo ba si Ash?"- deretsahang tanong ko.
"Sorry Gwen pero hindi eh. Diba may inaasikaso sa bahay nila?"- sabi niya.
Nalungkot naman ako sa sinabi ni Kevin dahil hindi pa pala pumapasok si Ash. Hindi ko naman alam yung bahay nun.
"Ah ganun ba? Sige."- sabi ko at tumalikod na kay Kevin.
"Hihintayin ko na lang siguro si Ash." sabi ko sa sarili ko at nagpatuloy na sa paglalakad pabalik ng room.
𝐀𝐬𝐡𝐭𝐢𝐧𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Nandito ako ngayon sa loob ng dorm kasama si Kuya Ace at hinihintay namin yung dalawang bakulaw. Kahit bawal magpapunta ng lalaki dito sa dorm ay pinilit kong kausapin ang may-ari na papasukin si Kuya Ace para matulungan ako sa paggawa ng mga dekorasyon.
"Hey nasan na kayo?"- text ko kay Kevin.
"Papunta na jan. Nagpunta nga pala si Gwen sa sco hinahanap ka saken."- reply niya.
"Oh anong sabi mo?"- ako.
"Sabi ko nasa bahay ka ninyo dahil may inaasikaso ka."- kevin
"Wait ka lang baby Gwen sisiguraduhin ko na magiging masaya tayo sa first monthsary natin."- sabi ko sa isip ko.
"Good buti naman. Bilisan niyo na bumili na rin kayo ng pangdecorate."- ako.
"Sige sige."- huling reply ni kevin at hindi ko na ito tinext dahil nagdadrive pa sila papunta dito.
"Oh nasan na raw yung mga kaibigan mo?"- tanong saken ni Kuya Ace.
"Malapit na raw."- maiksing sagot ko.
"Wow ah daig mo pa ako kung makasurpresa ka sa gf mo. Nagmumuka ka tuloy na tomboy."- pabirong sabi ni Kuya at natawa naman ako.
"Ganun talaga kuya, pagnagmahal ka ng isang tao lahat ng bagay na hindi mo nagagawa noon ay pipilitin mong gawin ngayon para sa ikakasaya ng taong mahal mo."- makahulugang sabi ko at ngumiti naman si Kuya saken habang umiiling iling pa.
Lumipas pa ang ilang oras at nakarating na rin yung dalawa ni Kevin at David. Nag-ayos na kami ng mga dekorasyon na dala nung dalawa. Habang nag-aayos kami ay napapangiti na lang ako dahil iniisip ko kung anong magiging reaksyon ni Gwen.
"Sana magustuhan niya lahat ng ito."- sabi ko sa isip ko habang patuloy sa pag-aayos.
Marami kaming hinanda at napangiti na lang ako dahil sobrang ganda ng gawa namin. Saktong alas singko na ng hapon ng kami ay matapos at ngayon ay hihintayin ko na lang si Gwen.
BINABASA MO ANG
Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎
RandomGxg tagalog story. fiction. (Completed) Warning: It has some grammatical and typo errors. This story is for open minded people only.