Chapter 1

1K 27 5
                                    

𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Nakaupo ako ngayon sa may sofa habang ini-stalk si Ashtine sa fb.

"Grabe ang ganda niya." sabi ko na lang sa isip ko.

Tamang stalk lang ako sa kanya kasi di ko naman siya ma-add. Baka di niya ako iaccept eh. Pero why not diba? Try ko lang i-add baka iaccept ako pero kung hindi, ok lang atleast diba? Haha

"Hoy Gwen pinapantasya mo nanaman yang si President noh?"- si Hanna habang kumakain sa sofa katabi ko at nakataas pa ang isang paa halos makita na yung singit. (Tsk dugyot talaga netong babaing toh)

"Hindi ah. Tinitignan ko lang yung mga pic niya." Depensa ko sa sarili.

"Sus parang ganun na rin yun."-siya
"Ewan ko lang kung mapansin ka niyan eh talo pa ata niyan ang yelo sa sobrang cold eh. Tas tignan mo nga yan *sabay turo sa pic ni Ash* ang ganda ganda niyan at saka mukang straight pa ata sa ruler kaya wala kang pag-asa diyan." Mahabang sabi ni pa niya saken.

"Wow ah. Ang sakit mo magsalita. Kaibigan ba talaga kita hah?" - ako

"Hayss ewan ko sayo Gwen, di mo sinabi samin na tomboy ka pala? Tas sa harap mo pa kami minsan nagbibihis."- Hanna

"Oo nga haha. Baka pinagnanasaan mo na kami niyan ah."- si Ellaine na kakatapos lang maglaba.

"Hoy ang kakapal ng mga muka niyo ah. Ako *sabay turo sa sarili* magkagusto sa inyo? Wow ah mangarap kayo. At saka hindi ako tomboy ah sadyang kay Ash lang talaga ako nainlove. Gagaya niyo pa ako sa inyo mga perv kayo." - depensa ko sa sarili ko dahil pinagtutulungan nila akong dalawa.

Hindi naman talaga ako tomboy eh. Bi lang ako pero iba naman ata ako sa Bi kasi hindi ako naaattract sa ibang babae, kay ashtine lang talaga ako tinamaan.

"Tsk! Tsk! Tama na nga yan mag-ayos na kayo para makabili na tayo ng para sa report natin tomorrow."- si Ellaine na kasalukuyang umiinom ng tubig.

Pumasok na ako sa kwarto at kumuha ng towel para maligo.

Sa dorm kasi namin pagpumasok ka yung dining area agad bubungad sayo then yung kitchen tas may dalawang kwarto. Sa bawat kwarto may isang double deck tas may dalawang closet tas yung cr naman dun sa malapit sa kitchen kaya isa lang ang cr na ginagamit. Tatlo na lang kami sa dorm kasi lumipat ng school yung isa na karoom ko kaya mag-isa lang ako sa kwarto ngayon.

"Gwen bilisan mo maligo jan kanina pa ako nag-iintay eh." - si Hanna habang kumakatok sa pinto ng cr.

Hays kahit kelan talaga yung babaing yun lagi nagmamadali eh.

"Oo wait lang matatapos na."- sigaw ko pabalik habang nagkukuskos ng buhok. Pagkatapos dali dali na ako nagsabon ng katawan at nagbanlaw. Nagtapis na ako ng tuwalya at lumabas ng banyo baka kasi magiba na ni Hanna yung pinto kaka katok niya.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis ng simpling damit. Pupunta lang naman kasi kami sa SM at saka malapit na lang yun baka limang minutong lakad lang. Yung school naman namin 15 minutes mo lalakarin kaya minsan sumasakay na kami ng jeep kasi tanghali na kami nagigising.

Nakasuot lang ako ng Black hoody kasi baka lamigin ako sa SM at saka hapon na rin kaya baka dun na rin kami kakain ng hapunan. Nagsuot na lang din ako ng maong na short na abot lang sa may hita ko tapos magtsitsinelas na lang ako. Konting polbos lang at liptint tas pabango then ok na. Di kasi ako mahilig mag make up tas sa school naman pagpumapasok di na ako nakakapagpolbos at liptint minsan kasi malelate na ako kaya binubully ako nina Brianna na panget. Di naman ako panget eh, di lang talaga ako marunong mag-ayos at saka nagsusuot lang ako ng malaking salamin kasi trip ko lang kaya napapagkamalan akong nerd.

*tok tok tok

"Gwen ano ba ang tagal ah. Lumabas ka na diyan aalis na tayo." - malakas na sigaw nanaman ni Hanna.

"Oo eto na lalabas na nga." - sabi ko sabay kuha ng phone and wallet ko.

"Buti naman lumabas ka na. Kanina pa kami nag-iintay kahit kelan ka talaga ang bagal mo kumilos."- sermon nanaman saken ni Hanna.

"Tama na yan Hanna ang lakas ng boses mo."- sabi naman ni Elainne na parang naiirita na sa malaking bibig ni Hanna.

"Eh kasi tong si bruha ang bagal eh."- si Hanna sabay lakad na palabas ng dorm at sumunod na rin kami ni Ellaine.

Pagkadating namin sa mall pumunta muna kami ng arcade at naglaro. Nang natapos kami sa paglalaro dumeretso na agad kami sa isang fast food chain para kumain dahil dito na lang kami sa mall kakain ng hapunan.

Pagkatapos namin kumain dumiretso naman agad kaming tatlo sa National Book Store para bumili ng mga gamit na kailangan namin sa reporting. Same section and same course lang kaming tatlo kaya magkakasama kami at kasalukuyang nasa 2nd year of college. Si Ashtine my loves naman 3rd year college.

"Shit bat kasi ang taas ng lalagyan ng mga box." - inis na singhal ko habang inaabot ang box na kailangan namin.

"Arrrggh! kainis bat ang baba ko asan ba yung dalawa."- inis na sabi ko habang inaabot pa rin yung box ng biglang may umabot nito at napatingin ako dito.

Nagulat ako ng makita ko yung muka niya.

"A-ashtine." - gulat na banggit ko sa pangalan niya.

Grabe bat parang lalo ata siya gumanda. Dalawang linggo lang ang nakalipas nung huli ko siyang makita.

"You're always staring."- nakakunot noong sabi ni Ashtine na nakatingin saken grabe ang ganda ng golden brown niyang mga mata.

"Kukunin mo pa ba toh?" - tanong niya habang inaabot ang box saken.

"A-ah o-oo salamat." Nauutal na sabi ko sabay kuha ng box. Kumuha ulit siya ng isa pang box at umalis habang ako ay nakatingin sa sexing likod niya at nakatulala.

"Hoy bruha." si Hanna na mukhang naiinis.

"Ayy kalabaw!" gulat na turan ko.

"Anong kalabaw? Wala ka sa probinsya hangal andito ka sa syudad."- sabi naman ni Ellaine.

"Eh bat kasi kayo nanggugulat?" - sabi ko ng nakanguso.

"Nakatulala ka kasi jan. Kanina ka pa namin hinahanap akala namin natabunan ka na ng mga kahon na yan sa sobrang tagal mo." - inis na sabi nanaman ni Hanna.

"Sorry na." - nakatungong sabi ko.

"Hayss tama na nga yan.." nakuha niyo na ba lahat ng kailangan?"- tanong ni Ellaine.

"Ok na lahat. Nakuha ko na." Sabi ko at lumakad na kami papuntang counter.

Habang nagbabayad sa counter tumitingin ako sa paligid, nagbabakasakaling makita ko ulit si A-ashtine pero mukang nakauwi na siya.

"Uy bruha sinong hinahanap mo?"- si Ellaine na katabi ni Hanna na nagbabayad sa counter.

"Ahh wala tinitignan ko lang baka kasi may nakalimutan pa tayo. Wala na pala. hehe" - pagdadahilan ko

Pagkatapos namin bayaran lahat ng pinamili namin umuwi na kami dahil 8:30pm. na baka di na kami makapasok sa dorm kasi may curfew samin tuwing 9:00 pm.

Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon