Chapter 23

310 7 0
                                    

𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kagabi sa kakaiyak. Hanggang ngayon hindi pa umuuwi si Ash dito sa dorm. Gusto ko na siyang makausap. Gusto kong malaman kung niloloko niya lang ba ako. Bumangon ako at pumunta sa kusina at naabutan ko pa dun sina Ellaine at Hanna na naghahanda na ng pagkain.

"Oh buti naman gising ka na. Halika na at kumain."- pag-aya saken ni Hanna.

Nginitian ko lang sila at naupo na rin. Napansin kong nakatingin sila saken habang nakakunot ang noo.

"Anyare sayo? Bat maga yang mata mo?"- sunod sunod na tanong ni Ellaine.

"Oo nga. Umiyak ka ba?"- tanong naman ni Hanna.

Ngumiti ako ng pilit sa kanila bago nagsalita.

"Hindi ako umiyak. Nagbasa kasi ako ng novel kagabi eh nakakaiyak yung binabasa ko kaya eto maga mata ko kakaiyak dun sa story."- pagsisinungaling ko.

Tinignan ko sila pareho at mukhang hindi sila naniniwala saken.

"Nagsisinungaling ka ba samin?"- kunot noong tanong ni Hanna.

Napayuko ako sa tinanong niya dahil naguiguilty ako. Alam kasi nila na hindi ako magaling magsinungaling. Alam kong kaibigan ko sila at dapat hindi ako nagsisinungaling sa kanila pero ayoko naman na problemahin pa nila yung problema ko. Ayokong idamay pa sila lalo na't nakikita kong masaya sila.

"Bakit ba ayaw na ayaw mo sabihin samin yang mga dinadala mong problema? Wala ka bang tiwala samin."- medyo inis na tanong ni Hanna.

Nanatili lang akong nakayuko sa harap nila.

Lumapit si Ellaine saken at hinimas himas ang likod ko kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti ito saken.

"Okay lang Gwen kung ayaw mong sabihin. Kaibigan mo kami at naiintindihan ka namin. Ayaw lang namin nakikitang malungkot ka. Sabihin mo dahil ba yan kay Ash?"- tanong niya gamit ang mababang boses.

Tumango tango ako at tumingin kay Hanna bago nagsalita.

"Sorry ayoko lang na problemahin niyo pa yung problema ko."- malungkot na sabi ko.

"Gwen kaibigan mo kami kaya kung may problema ka pwede mo rin naman sabihin samin."- sabi ni Hanna at hinawakan ang kamay ko.

"Now, tell us. Dahil ba yan kay Ash?"- tanong ulit ni Ellaine.

Tumungo ulit ako bago magkwento sa kanila.

"N-nakita k-ko kasi si Ash kahapon na may kasamang lalaki. Ayaw ko naman paniwalaan yung nakita ko kasi gusto ko na siya mismo ang magsasabi saken. At ngayon hindi pa siya umuuwi tas monthsary pa namin ngayon."- malungkot na kwento ko sa kanila at nagsimula nanaman tumulo ang mga luha ko.

"Ssshh wag ka na nga umiyak.. Hindi naman siguro magagawa ni Ash na lokohin ka."- sabi ni Ellaine habang hinihimas himas pa rin ang likod ko.

"Oo nga hintayin mo na lang ni si Ash ang magpaliwanag ng lahat sayo."- pagsang-ayon naman ni Hanna.

Lumipas pa ang ilang minuto at natigil na ako sa kakaiyak dahil tumutulo na rin ang sipon ko. Ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain at pagkatapos ay pumasok na rin kami.

Naglalakad na kami sa may hallway ng school ng biglang may tumawag kay Ellaine.

"Guys mauna na kayo kausapin ko lang toh."- sabi ni Ellaine at nauna na kami ni Hanna pumasok.

𝐀𝐬𝐡𝐭𝐢𝐧𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Nakausap ko na sila mommy at daddy kahapon at mabuti na lang dahil naintindihan na nila ako. Pinayuhan lang nila ako bilang mga magulang. Nasabi rin nila saken na gusto nilang makita at makilala ang taong minamahal ko. Laking pasalamat ko kay Kuya Ace kasi kung hindi dahil sa kanya baka hindi na ako umuwi sa bahay at nagkulong na lang ako condo ko.

Hindi ako ulit pumasok ngayon dahil gusto kong surpresahin si Gwen dahil ngayon ang first monthsary namin at espesyal ang araw na ito. Nagpahatid ako kay kuya sa dorm dahil gusto kong doon maghanda ng surpresa para kay Gwen. Alam kong sa mga oras na toh ay nasa school na sila kaya tinawagan ko si Ellaine upang ipalaam sa kanya ang plano kong pagsurpresa kay Gwen.

"Hello."- pagsagot ni Ellaine sa tawag at dama ko sa boses niya na galit ito.

"tss ano kaya problema nito?"- tanong sa isip ko.

"Hello Ellaine kasama mo ba si Gwen?"- tanong ko.

"Oo pero pinauna ko na sila na Hanna sa room para makausap kita. Gaga ka ah pinapaiyak mo yung bestfriend ko. Alam mo bang namimiss ka na niya at nakita ka pa raw na may kasamang lalaki sa labas ng gate nitong university at sumakay ka raw sa kotse nung lalaki. Sabihin mo nga, niloloko mo ba si Gwen?"- mahabang litanya niya na halata mo sa boses nito ang galit dahil halos sumigaw na siya sa pagsasalita.

"Di ko niloloko si Gwen. Mahal ko yun kaya di ko magagawang lokohin yun."- sagot ko naman dito.

"Eh sino yung kasama mong lalaki."- tanong niya.

"Si Kuya Ace, nagpasama lang ako sa kanya na pumunta jan sa University para magbigay ng excuse letter."- sagot ko.

"Ahh.. si kuya ace pala. Kelan pa yun dumating?"- tanong niya.

"Nung isang linggo."- sagot ko.

"Hays tama na nga, ako na lang ang magpapaliwanag kay Gwen lahat mamaya. Meron lang akong plano."- sabi ko na medyo naiirita dahil kanina pa siya nagtatanong.

"So ano naman plano mo?"- tanong niya.

Sinabi ko sa kanya lahat ng plano kong pagsurpresa kay Gwen at sinabi ko rin na sabihin kay Hanna na tulungan ako at wag nilang ipapaalam kay Gwen. Pagkatapos ng usapan namin ni Ellaine ay tinawagan ko naman si Kevin at David upang tulungan ako mag-ayos ng dorm kasama namin mag-aayos si Kuya Ace.

Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon