Chapter 7

538 14 0
                                    

𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Sabay sabay kaming tatlo nina Ellaine at Hanna pumasok, si Ash naman nauna ng pumasok dahil may meeting daw ang mga SSG officers. Habang naglalakad sa hallway ng school bigla na lang nagsalita si Ellaine na nagpabasag sa katahimikan naming tatlo.

"Ahem.. so anong balita?"- tanong ni Ellaine habang nakatingin saken at nakangisi ng malaki.

"Huh? Balita? Yung sa TV patrol ba kagabi? Di ako nakapanood diba?"- sabi ko kasi hindi ko naman gets yung ibig niyang sabihin.

"Sus pakunyari ka pa eh huli ka na nga."- pag singit naman ni Hanna.

"Huh? Ano bang sinasabi niyo? Di ko naman alam yung ibig niyong sabihin."- sabi ko dahil hindi ko pa rin sila magets.

Kinurot ako ng bahagya ni Hanna sa may bandang tagiliran ko pero hindi naman masyadong malakas bago nagsalita.

"Aray naman!"- reklamo ko.

"Gaga ka kasi. Ano pa bang ibig namin sabihin?"- sabi ni Hanna matapos niya ako kurutin.

"Oo nga gaga ang gusto namin malaman eh yung relasyon niyo ngayong dalawa ni Ash."- malakas na sabi ni Ellaine.

Lumapit ako kay Ellaine at bumulong dito.

"Ano ka ba Ellaine wag mo naman lakasan yang boses mo maraming nakakarinig oh."- sabi ko na medyo pagalit.

"Ay sorry hehe"- sabi niya at nagpeace sign.

"So ano nga ang balita."- tanong naman ni Hanna at lumapit saken.

"Mga chismosa talaga kayo eh noh? Wala pa ngang kami eh."- sabi ko.

"Wala pa eh may nangyari na nga diba?"- sabi naman ni Ellaine.

"Anong nangyari? Wala ah. Ang babastos niyo talaga eh noh?"- sabi ko naman. Wala naman talagang nangyari samin. Kung may nagyari man sa panaginip ko lang meron haha.

"Sus deny ka pa."- sabi naman ni Hanna.

Naiinis na ako sa dalawa kasi ang dami pa nilang inaalam kaya naman iniwanan ko na sila.

"Uy Gwen mang-intay ka naman." Sabi pa nung dalawa habang hinahabol ako.

"Tse! Bahala kayo jan"- sabi ng demonyo kong utak at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Lakad lang ako ng lakad habang tumitingin sa likuran ko at hindi ko napansin na may tao pala sa unahan ko kaya nabundol ako dito.

"Sorry miss hindi ko sinasadya."- sabi ng nakabundol saken.

Napatingin naman ako at inalam ang muka nito "ay shet lang bat ang gwapo?"- sabi sa isip ko. "Ay shit bura bura puta may Ash ka na."- sabi ng kabila kong isip.

"A-ah sorry rin haha sige alis na ako."- sabi ko pero bago ako makaalis hinawakan niya yung kamay ko pero agad ko rin binawi yun "bwisit ka kuyang gwapo si Ash lang ang pwede humawak ng kamay ko."- sabi naman ng isip ko.

"I'm David nga pala."- sabi niya at inabot ang kamay niya na gustong makipagkamay saken.

Tinignan ko siya sa muka at muka naman siyang mabait kaya inabot ko na rin yung kamay ko sa kamay niya at nagpakilala.

"I'm Gwenneath, Gwen na lang."- sabi ko.

Ayaw pa ata bitiwan ng David yung kamay ko kaya ako na mismo ang unang bumitaw at nagpaalam dito.

"Ah ano sige alis na ako David may klase pa kasi ako eh."- sabi ko bago umalis.

"Sige see you around."- sabi pa ni David bago ako makaalis.

Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon