𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Naglalakad na kami pauwi ng makita namin sila Kevin at David. Napakunot ang noo ko dahil nasa labas na sila ng University.
"Hindi kayo pumasok?"- kunot noong tanong ko dahil hindi na sila naka uniform.
"Ah hehe wala kaming last sub kaya umuwi na kami tas ngayon susunduin na namin mga babes namin."- alangang sagot ni Kevin habang nagkakamot ng batok.
"Parang may mali?"- sabi ng isip ko pero di ko na tinuunan ng pansin.
Nalumbay ako dahil ako lang ang walang partner sa kanila.
"Ah Gwen."- pagtawag saken ni David.
Tinignan ko lang ito ng seryoso at may pagtatanong sa muka. Lumunok muna siya ng isang beses bago magsalita.
"Ahm yayain sana namin tong dalawa lumabas. Double date ba? Hehe"- sabi ni David.
"Ah mauna ka na siguro umuwi."- sabi naman ni Kevin.
Napatingin naman ako sa dalawa na may pagtatanong.
"Sorry Gwen ah di namin nasabi."- paghingi ng tawad ni Hanna.
Ngumiti ako sa kanila na medyo pilit.
"Okay lang hehe.. Sige enjoy sa double date niyo."- sabi ko sa kanila at nauna ng umalis.
"Bakit ganun? Parang may mali sa kanila na hindi ko maintindihan?"- mga tanong nanaman na bumabagabag sa loob ko.
Hindi ko na lang ulit iyon inalintana at umuwi na lang.
Pagpasok ko sa may lobby ng dorm building namin ay nakita ko doon sila Ate Inday yung tagalinis ng dorm at saka yung nasa reception na nakangiti saken. Napakunot nanaman ang noo ko dahil para silang timang.
"Magandang hapon po."- sabi ko sa kanila at nginitian din alangan naman kasi na hindi ko sila pansinin kahit na wala ako sa mood at malungkot kakaisip kay Ash.
"Magandang hapon rin Gwen."- nakangiting sabi ni Ate Inday.
"Ang weird."- sabi ng isip ko.
Nagpaalam na akong aakyat ng dorm at sumakay na ng elevator. Pinindot ko na ang floor kung nasaan ang kwarto namin at pagdating at pagbukas ng elevator ay bumulaga saken ang madilim na hallway.
"Shit! Ano toh? Horror movie?"- sabi ko sa sarili at naglakad lakad na.
Napatingin ako sa cellphone ko kung anong oras na at nakita kong magsisix na. Kinikilabutan tuloy ako bwisit yan. Naglalakad na ako ng dahan dahan at bigla naman bumukas lahat ng mga ilaw. Nagulat pa ako dahil sa biglang pagbukas ng ilaw pero mas nagulat ako ng makita ko ang napakagandang hallway ay may mga disenyong kung ano ano na nasa gilid ng aking dinadaanan.
"Shit ano tong mga toh? Naiengkanto na ba ako?"- tanong ko ulit sa sarili ko at nagpatuloy sa pagbagtas ng hallway.
Nung nasa tapat na ako ng kwarto namin ay napansin kong may mga disenyo rin ang pinto. Bago ko buksan ang pinto ay may kung ano ano pang pumapasok sa isip ko.
"What if pagpasok ko dito ay nasa ibang dimensyon na pala ako? Pano kung daan pala ito papuntang langit?"- mga tanong sa isip ko.
"Shit nababaliw na ako. Hindi naman totoo ang mga iyon."- sabi ko sa sarili ko at binuksan na ang pinto.
Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa aking nakita.
Nakatayo si Ash habang may hawak hawak na mga pulang rosas at nakasuot ito ng pulang dress na hindi naman hapit sa katawan. Napalunok ako sa aking nadatnan. Nasa gitna siya ng hugis puso na mga petals ng pulang rosas at wariy hinihintay ako. Nakangiti siya sa akin.
"Happy first monthsary baby,miloves Gwen."- nakangiting sabi niya.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Para akong naiiyak sa sobrang tuwa at the same time ay kinakabahan. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at kay Ash ko lang ito nararamdaman sa tuwing siya ay nasa aking harapan o tabi.
Lumapit saken si Ash at isinara niya ang pinto at iginaya niya ako papunta sa gitna ng mga petals na hugis puso. Inalis niya ang bag na nakasukbit sa aking balikat at inilagay niya iyon sa sofa. Nagpatugtog siya ng "Beautiful in White by Westlife". Ibinigay niya saken ang mga pulang rosas at kinuha ko naman iyon ng walang pag aalinlangan. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at isinukbit ito sa kanyang mga balikat habang ako ay nakatitig lang sa kanya. Unti unti niyang iginalaw ang kanyang katawan at nagsimula ng sumayaw ng marahan at napasabay naman ako. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi makapagsalita habang patuloy lang kami sa pagsayaw sa gitna ng mga petals na hugis puso. Nadadala ako sa tugtog at naiiyak ako sa nangyayari. Niyakap ko si Ash ng mahigpit pero patuloy pa rin ang pagsayaw ng marahan. Tumulo ang mga luha ko sa sobrang saya. Sa mga sandaling ito ay nakalimutan ko na kailangan ko siyang kausapin. Pero sa mga oras rin na ito ay naisip ko na mahal ako ni Ash kasi kung hindi ay hindi niya gagawin ang mga bagay na ito.
"Mahal kita."- bulong ko sa kanyang tainga at patuloy sa pag-agos ang aking mga luha.
"Mahal din kita. Sorry kung hindi ako nagpakita sa iyo ng ilang araw. May mga bagay lang akong inayos at ngayon ay kasama na ulit kita. Miss na miss na kita. Halos mabaliw ako kakaisip sayo kung ayos ka lang ba kahit na alam kong namimiss mo rin ako. Kinausap ako ng aking mga magulang dahil nalaman nila na may karelasyon ako na parehong kasarian sa akin at hindi sila makapaniwala kayat kinausap nila ako. Noong una ay nagalit sila saken at umalis ako ng bahay pero salamat sa kuya ko dahil tinulungan niya akong ipaunawa sa mga magulang ko ang lahat at ngayon ay naintindihan na nila ang sitwasyon ko. At ngayon ay nandito na ulit ako sa piling mo at hindi na ulit ako aalis ng walang paalam. Mahal na mahal kita Gwen."- mahabang paliwanag niya.
Ngayon ay naiintindihan ko na ang lahat kung bakit umalis siya ng walang paalam at hindi niya ako kinausap kahit sa tawag o text man lang.
BINABASA MO ANG
Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎
RandomGxg tagalog story. fiction. (Completed) Warning: It has some grammatical and typo errors. This story is for open minded people only.