"Best sigurado ka papasukan mo yon? Magkukusinera ka? Okey ka lang? Sunod-sunod na tanong sa akin ni Shirly,ang matalik kong kaibigan na nagpadala sa akin ng pera para makaluwas dito sa Manila at makalayo sa malupit kong tiyahin.
"Oo naman,at bakit naman hindi eh masarap kaya akong magluto" nakangiti kong sagot kay Shirly.
"Kasi naman Best hindi bagay sayo ang mag kusinera eh, sa ganda mong yan"
Tuluyan na akong natawa sa reaction nito " at bakit ka naman natawa sa mga sinasabi ko.." hindi pa tapus si Shirly sa pagsasalita ay niyakap ko na ito.
"Best ano ka ba naman,baka nakakalimutan mo hindi ko natapos ang kurso ko, maliban sa pagiging tindera dyan sa tabi-tabi gusto mo ba na maging pok-pok nalang ako. Doon Best libre na ako sa pagkain at tirahan, buo pa ang sahod ko buwan-buwan na makukuha at pag naka ipon ako mag aaral ako uli.Isa pa sabi ni Tepang mabait naman daw yong magiging amo ko,magpapakabait nalang ako ng husto para taasan ako agad ng sahud"
"Ikaw lang kasi ang inaalala ko Best, basta pag di mo kaya balik ka agad dito.Anytime Best welcome ka dito sa bahay naming mag-asawa.Pwede rin naman sana kasi tayong dalawa na ang magbantay dito sa maliit na sari- sari store ko". Pilit ni Shily sa kaibigan na tinuring na rin siyang tunay na kapatid at ganon din siya dito.
"Touch naman ako Best,balang araw maiibalik ko rin sayo lahat ng kabutihan mo sa akin". Napaluha na siya.Pero determinado na siya, kelangan niyang magtrabaho nahihiya na rin kasi siya sa mag-asawa. Ang isipin nandun lang si Shirly sa kagipitan niya ay sapat na para lumakas ang kanyang fighting spirit.
3 taon pa lang siya ng mamatay sa matinding kalungkutan ang kanyang ama buhat ng iwan ito ng kanyang ina at sumama sa ibang lalaki.Pagkalipas ng isang taon nabalitaan naman nilang namatay sa vehicle accident ang kanyang ina kasama ang lalake nito maging ang sanggol na kapatid niya sana sa ina.Buti nalang at nandoon ang Lola Soling niya, ina ng tatay niya.Inalagaan at minahal siya nito.Pinag-aral ngunit sa kasamaang palad ay namatay din ito noong siya ay kasalukuyan nasa unang taon pa lang ng kolehiyo,17 years old siya noon at kasalukuyang kumukuha ng Bussiness Management. Iyak siya ng iyak noon dahil alam niyang kasabay ng pagkamatay ng Lola Soling niya ay ang pagkamatay din ng kanyang mga pangarap.Sino pa nga ba ang maituturing niyang pamilya gayun ang mga tiyahin niya ay matindi ang galit sa kanya.Siya kasi ang sinisisi sa maagang pagkamatay ng Lola niya.Masyadu daw nitong tinitipid ang sarili sa gamot para may maipang tostos sa pag aaral niya.3 taon siyang nagpa alipin sa mga ito.Nag aalaga sa mga anak nito, nagpapakain sa mga alagang baboy, tagalinis, tagalaba at taga luto.Buong puso niyang pinagsilbihan sa pag aakalang sa pamamagitan noon ay matutunan siyang mahalin ng mga ito.Hanggang isang araw ay napadaan siya sa bahay ng Nanay ni Shirly sakto naman na nag uusap sa cp si Shirly at ang nanay nito. Nag iyakan silang dalawa dahil nakarating kasi sa kababata ang kalupitang dinanas niya mula sa sariling mga tiyahin kaya ng alokin siya ng tulong nito ay hindi na siya nag isip pa.
BINABASA MO ANG
My Bossing is my Lover
Romance"Wala ka talagang ka ide-ideya kong gaano kita kamahal.Sa kabila ng lahat na ginawa ko para sayo ito ka at pilit na lumalayo sa akin.Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wala akong paki-alam sa estado ng buhay natin.Langit man ako para sayo pero pini...