CHAPTER 21

233 10 4
                                    

CRUSH

Masaya ako sa pag-gising kinaumagahan, palagi naman simula nung naging official kami ni Nicolas, hindi niya ako pinatulog kagabi dahil harana lang ang ginagawa niya nung nagvideo call kami. Kaya ito at tinanghali na ako.

Nicolas wants me to introduce in Andrei and Betty, ofcourse dahil nabanggit ko na may boyfriend na ako sakanila habang nag vivideo call kami sinabi niya ito sa'kin, at sinermonan pa ako na kung bakit hindi ko siya pinakilala sakanila, pinigilan ko siya dahil gusto niya kinabukasan agad pero ayokong sabihin kasi dadaldalin lang siya ng dalawa at mas mahaba habang sermon ang aabutin niya.

Pero ni hindi niya pinakinggan ang opinyon ko sa dalawa bago sabihin sa magulang ko at mga magulang niya na kami na nga.

Ang kulit, pinaglihi sa kulit parang di niya sinabi kagabi na nililigawan palang ako nito tapos sasabihin niya na kami na.

Ewan ko sayo, naiistress na ata ako ah, no hindi pwede mastress si Yla! Baka pumangit ako hindi na ako magugustuhan ni Fafa Nicolas.

I shooked my head and continue singing habang naliligo ako.

Napangiwi ako nang marealize na ganito ang iniisip ko habang naliligo ako! I'm starting to hate Nicolas more! Grabe na ang kakornihan ko!

Isang kulay beige t-shirt and maong shorts ang suot ko na tinernuhan ko ng tsinelas my usual outfit kapag umaga lalo na sa bahay lang naman, magkikita kami mamaya ni Nicolas date daw pero gusto niya isama ko ang dalawa para daw malaman na nila.

Nakita ako ni Mommy na nagmamadali pero agad niya akong tinawag, "Oh sweetie your manliligaw asked me, na magde-date daw kayo." Mommy said with giggled tone, I almost rolled my eyes with her own kilig movements, Mommy ang O.A pwede ba?

Hindi ko na nga manliligaw yan My! He's my boyfriend for pete sake!

I nodded awkwardly samantalang napatingin ako kay Nicolas na may multo na mga ngiti, gusto ko siyang sapakin na nagsisinungaling siya sa magulang ko at walang hiyang nag-paalam pa kina Mommy ngayong oras pa! Ngayong umaga! San tayo pupunta? Sarado pa mga mall aber? Akala ko ba mamaya pang hapon hindi ko gusto ang suot ko! Tapos--

Mommy tapped my shoulder and kissed me in cheek her usual greetings, bago siya umalis at iwan nanaman kami ng boyfriend ko.

Umiinom siya ng kape, at nagkape pa ang walang hiya! Kanina ka pa dito? Tanong ko sa naisip.

Isang senyas sa inuupuan niya pinapalapit ako pero nanatili ako sa kinatatayuan, tinaas niya ang kilay at nagtatanong ang mga mata sa pagkatigil ko at hindi pagkilos, tila natauhan ako ng natawa siya kaya ngumunguso na lumapit ako sakanya.

Hahalikan niya sana ang nuo ko nang marahas kong iniwas 'to na kinakakunot ng nuo niya.

"You're not in the mood? Are you?" Seryosong tugon nito.

I pouted and nodded, "Bat ang aga mo kasi? Tapos nakita mo pa na ganito ang suot ko. Mabuti nalang naligo ako." Pinakita ko ang sarili kong suot sakanya, sinuri naman niya ito hindi ko mapigilang hindi mapatitig sakanya ang gwapo gwapo niya.

"Ang mata Yla." Wala sa sariling tugon niya napaiwas ako ng tingin sakanya at itinuon sa iba ang paningin kaya mas lalo siyang natawa! "Bagay naman hah, walang mali sa suot mo, maganda ka naman sa paningin ko iwasan mo lang pag-susungit." He smirked at me. Bwisit ka talaga! I hate you N.K.

"I hate you." Bulong ko sakanya pagkatapos na mailagay ang breakfast namin sa tapat namin.

We both nodded and saying 'thank you's'.

Invisible Love String | COMPLETED ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon