CHAPTER 51

217 3 1
                                    

RUINED

Kinaumagahan kumalas ako sa pagkakayakap ni Nicolas sa likuran ko nang maduwal nanaman ako, agad siyang dumalo pero pinaalis ko lang siya.

Kaya umagang umaga busangot na tuloy siya dahil sa nangyari at sa pagbabago ng mood ko.

"Kasalanan mo ito e! Hindi ka naawa sakin!" I hissed at him after I vomited.

Samantalang pilit niyang inaabot ang kamay ko pero iniiwas ko ito sakanya.

"Alis! Ang pangit ko ngayon, umalis ka!" Naiiyak na talagang tugon ko pano napaupo na ko sa sobrang pagduduwal at naghihisterya na ito hindi kasi niya alam kung pano ako hahawakan dahil lalo lang ako naiinis.

"Hindi ka naman pangit Baby, you're gorgeous just please let me help you." Nagkakamot na sa noo 'to sinamaan ko siya ng tingin nang binalingan ko siya.

Pilit na ngiti ang ginawad niya inirapan ko lang siya.

"Hindi ko kailangan ng komplimentasyon mo alis!" Tulak ko sakanya at nang maitulak ko sinara ko ang pintuan.

Samantalang naduduwal nanaman ako, kailan ba matatapos ito? hinang hina na ako!

"Baby, let me help you." Si Nicolas parin.

Napapikit na ako sa inis, marahas kong hinampas ang pintuan doon para manahimik siya.

"Hindi ka nakakatulong salita ka nang salita dyan, manahimik ka nalang para makatulong ka pa bwisit!" Sigaw ko at naduduwal ulit dahil sa pagsasalita.

Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin napangiwi ako sa hitsura ko, putlang putla pawisan.

Nang kumalma ako sa pagduduwal lumabas ako ng banyo nakita ko naman si Nicolas na nakaupo sa gilid nito at biglang tumayo na para daluhan ako pero iniwasan ko ang paglapat ng kamay niya sa katawan ko sinalag ko ito kaya napatigil siya.

Napatingin naman ako sa handa na naming almusal, naglalaway tuloy ako na lumapit doon.

"Ikaw nagluto?" Sabi ko nang wala sa sarili, naging aligaga tuloy siya sa pagsagot, kahit sa pagsagot ang ingat ingat niya.

"Yes, sana di ka maduwal." Nangamot pa sa ulo ito.

"Basta walang pipino itong nakahain hindi ako maduduwal." Sarkastiko kong tugon.

Inirapan ko pa ito at sinimulan kainin ang hinanda niya.

Pagkatapos non, napalingon ako sa kumatok ako na sana ang magbubukas pero pinigilan niya ako.

Nakasimangot tuloy ako na tinitignan sila roon, isang malaking kahon hawak ng isang babae nakahalukipkip na ako dahil halata sa babae na gustong gusto niya si N.K.

As if naman patulan ka niyan Tatay na yan girl. At hindi rin ako papayag.

Ibinigay nito ang malaking box at nagpasalamat naman si N.K bago sarhan siya ng pintuan.

"Ano yan?" Pagsusuri ko sa hawak niyang kahon.

Sabay naman kaming pumunta sa kwarto at inilagay niya iyon doon.

"Just open it." He said seriously.

Napalunok naman akong binuksan iyon nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang napakagandang off shoulder long sleeve  champange prom dress.

Napakaganda! Pero nang maalala kong buntis ako bumusangot ako.

"Hindi ko naman maisusuot 'yan--" Naputol ako dahil hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Ofcourse maisusuot mo 'yan," pinakita niya sa'kin iyon nagtaas ako ng kilay ng makita ko ng mas malapitan.

"Ang g-ganda, pero baka maipit si Baby." Napansin ko kasing medyo masikip ang bewang niya.

Invisible Love String | COMPLETED ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon