SCAR
Inis na inis ako dahil parang pinagtitripan na ako simula kina Andrei, Betty mga tauhan namin at dito kay Tita Laura.
Feeling ko may tinatago sila sa'kin na sila lang ang nakakaalam para paglapitin kami ulit ni Nicolas tapos nagpapanggap lang sila na galit dito pero ang totoo hindi naman talaga kasi may binabalak---
"Yla, ano ba! Kunin mo na 'tong tape measure!" Sigaw ni Tita Laura samantalang nakaupo na si Nicolas doon at patuloy parin na nakatingin sa'kin.
Isang irap ang pinakawalan ko bago nagmartsang kunin ang tape measure nakanguso dahilan para mapansin ako ni Tita Laura.
"Ayusin mo ang mukha mo 'wag kang pahahalatang ma--" pinutol ko kaagad siya isang masamang tingin ang iginawad ko.
"Bakit kasi hindi nalang ikaw magsukat sakanya? Mukhang pinaglalaruan lang nanan niya ako ang daming pakulo, Tita naman!" Asik ko patuloy parin nakaupo si N.K doon naghihintay at tinitignan ang kamay sa kunot nuong paraan hindi ko maiwasang di maasiwa sa mukha niya.
Ngumisi si Tita Laura, bago ako kurutin sa tagiliran dahilan para humiyaw ako at mapatingin sa direksyon namin si Nicolas at walang hiya mukhang naririnig ata ang usapan namin kanina dahil may multong mga ngiti na siya ngayon! Nice hindi ka din manloloko no? You're great pretender too.
Tinulak ako ni Tita Laura at nanggigil na iniwanan ako, samantalang hawak ko na ang panukat sa kumag kong ex boyfriend na manloloko.
Inirapan ko ito nang siya ang lumapit sa'kin.
Tumikhim ako para matigilan siya, pero hindi niya pinansin iyon mas lalo siyang lumalapit sa'kin.Nagtaas siya ng kilay aligaga naman ako dahil napatitig pa ako sakanya he chuckled kinuha nito ang notebook at ballpen.
"Ako nalang ang magsusulat ikaw ang magsusukat sa'kin, hindi na kita pahihirapan nawawala ka kasi sa sarili mo." Natatawang aniya niya.
Isang irap ang pinakawalan ko nahihilo na ako kakairap dahil nabubwisit na ako sa taong 'to.
Tinaas niya ang dalawang kamay at sinenyas ang bewang niya.
Tamad kong isinukat ito samantalang hindi niya inaalis ang mga mata siya sa ginagawa ko.
"Waist - 34 " irap ko, habang sinusukatan siya agad niyang isinulat ito.
"Chest!" Asik ko sakanya kasi patuloy niya ako inaasar sa mga tingin, kahit na hindi kami nagkakatinginan nararamdaman ko na nakatingin siya sa'kin hinihintay lang niya magtama ang paningin namin tapos ngingisi na siya.
Mayabang na inayos niya ang sarili at sinimulan ko ito sa pagsukat.
"Chest - 48."
Oh! You have a good body huh, a grecian one hmm, matangkad ako pero mas matangkad si Nicolas sa'kin nadepina pa lalo ang tangkad niya ngayon kesa noong kami pa may maganda na siyang katawan noon, sa 5 buwan na pagiging magkarelasyon namin hindi ko maisip na hanggang doon nalang ang katawan niya ngayon nakita ko siya mas lalo akong kinakabahan at sa ginagawa namin ngayon nararamdaman ko ang nakakakilabot na kuryente sa bawat paglalapat ng balat ko sa balat niya kahit na may suot siya kaya halos pagpawisan ako.
He chuckled at agad niya itong sinulat ulit.
"Hip naman!" Irap ko.
"Hip - 41."
Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong naasiwa ng mapatingin ako sa harap niya naramdaman ko ang pagpakawala niya ng malalim na hininga kaya tumama iyon sa leeg ko napapikit ako at napansin niya iyon kaya mas lalo siyang ngumisi ang pagpikit na ginawa ko ay ginawa kong irap dahil nagkatinginan na kami ngayon.
BINABASA MO ANG
Invisible Love String | COMPLETED ✔️
RomanceFernandez's is one of the richest family in businesses, "Yla Aianna Delacruz Fernandez" is a spoiled brat teenage girl who lives in the mansion of her grandparents with her Father and Mother, dalagitang hindi lapitan ng pag-ibig kahit nasakanya na a...