SIGNS
Nanghihina ako ito ang gabing hindi ko makalimutan, pagkatapos ko magduwal hindi ko alam kung bakit umiiyak ako sa mga naisip ko habang inaayos ko ang sarili ko, ilang pagpupunas ng luha ang ginawa ko para maging maayos lang ako.
Nang makita kong maayos na talaga ako tsaka ako lumabas sa kwarto ko at bumaba para kumain, nakita ako ni Yaya Pam na pataas na sana pero tumigil siya nang makita ako.
"Oh Ma'am Yla maayos na ho kayo?maghahapunan na sana sila Ma'am Laura at sila Ma'am Ciara at Sir Kevin. Aakyatin po sana kita para magtanong pero ayos naman po pala kayo, tara na ho." I just nodded at her hindi na nagsalita pa dahil sa manghihina ako.
Sumalubong naman si Tita Laura sa'kin na nakakunot ang nuo, agad niyang nilapat ang kamay niya sa nuo ko.
"Wala ka namang lagnat, pero namumutla ka. Nahihilo ka pa ba? Dapat di ka nalang muna bumaba kakatukin nalang sana kita at papahatid ang pagkain mo e." sabi pa nito.
"Okay lang ako Tita medyo di lang maganda pakiramdam ko tsaka medyo nawala ang hilo ko." Pagdadahilan ko.
Samantalang nakita ko si Mayordoma Ariane na medyo istrikta ang mga tingin sa'kin tumango lang ako at naupo na kasama sila Tita Laura nakangiti naman sila Kevin at Ciara sa'kin at saglit kami nagusap.
Naglaway ako sa mga pagkain na nakahain doon hindi ko alam kung bakit biglang natakam ako sa mga pagkain na nakahain, nang makita ko ang vegetable salad doon na ilalagay palang ng katulong naamoy ko ang cucumber ay agad na bumaliktad ang sikmura ko dahilan para masapo ko ang bibig ko at tumayo agad para magtungo sa lababo ng kusina at doon dumuwal.
"Shit si Yla, Tita!" Si Kevin.
"Yla! Jusko!" Si Ciara.
Dumalo si Tita sa pagduduwal ko at marahan ang paghaplos sa likod samantalang si Mayordoma Ariane ay kalmadong nang utos na alisin ang vegetable salad na iyon sa lamesa para raw makaupo agad ako.
"Crackers at tubig, ilagay niyo sa upuan ni Ma'am Yla." May awtoridad na utos nito.
Pangalawang beses na itong nangyari hah! At hindi na ako natutuwa!
Naghihinang umupo ako.
"Namumutla ka, may sakit ka ba, naduduwal ka rin e." Si Kevin na nagaalala samantalang ganun din si Ciara at nagpatuloy sumubo ng pagkain si Tita Laura at seryosong nakamasid sa'kin, umingos lang ako at nakanguso ako sa pag-iling na masama lang ang pakiramdam ko at wag na nila ako alalahanin.
Uminom ako ng tubig at kumagat ng crackers para mahimasmasan ang tiyan ko.
Hindi ko natapos ang pagkain ko dahil pagod na pagod ako at nanghihina parin, maaga akong umakyat sa kwarto sinundan pa ako ng dalawa at nagpasalamat bago sila magsipunta sa mga kwarto nila.
Nang makuha ko ang phone ko may text kaagad si Nicolas doon kaya medyo sumilay ang ngiti sa labi ko.
Miss na miss ko na siya.
Nicolas:
We're done with a meeting tapos nagkameeting pa kami ulit maraming kliyente I'm sorry ngayon lang ako nakapagtext hindi na ako sumama sa party ng mga katrabaho ko. Alam mo na.
Nagtaas ako ng kilay at nagtipa ng isasagot.
Ako:
Good for you, congratulations! Nakakainis naman 'to ba't hindi ka sumama?
Nicolas:
Ayokong mag-overthink ka dyan, tsaka you know kahit pa kasama ko mga katrabaho ko ayoko sa mga parties.
BINABASA MO ANG
Invisible Love String | COMPLETED ✔️
RomanceFernandez's is one of the richest family in businesses, "Yla Aianna Delacruz Fernandez" is a spoiled brat teenage girl who lives in the mansion of her grandparents with her Father and Mother, dalagitang hindi lapitan ng pag-ibig kahit nasakanya na a...