CHAPTER 40

187 8 4
                                    

VIDEO CALL

"Saan ka galing?" Usisa ni Andrei sa'kin.

"Nagpahangin lang sa tabi-tabi." Pagdadahilan ko nagtaas lang ito ng kilay.

Nanlaki ang mga mata ko dahil patuloy parin sa pagtingin si Nicolas sa direksyon namin hindi nagbabago ang ekpresyon nakapaseryoso.

Napalunok ako at napansin ni Andrei iyon kaya tumingin siya sa likuran ko at humarap ulit sa'kin.

"Parang nakakita ka ng multo sa itsura mo. Anong meron wala namang kakaibang nilalang dito sa Village nila Nico--"

Tinapik ko ang balikat niya at umiling.

"Wala, wala tara na umuwi na tayo." I said, hindi ko matago ang ngiti sa mga labi ko.

"Fine! Fine! Calm down Yla Aianna!" Arteng tugon niya.

Nang makapasok kami kumunot ang nuo ni Andrei nang makita niya ang palapulsuhan ko nanlaki bigla ang mga mata ko at agad na tinakpan iyon.

Hinila niya ito.

"Hoy Yla Aianna familiar to ah!" ngisi niya inirapan ko lang at iniwas ang kamay sakanya.

"Nakita ko na sa'yo 'to--"

"Sinuot ko lang ulit! Hindi mo ata napansin kanina daldal mo e." Pagdadahilan ko naiinis na ako dito ang talas naman ng mga mata nito.

Nagtaas lang siya ng kilay at umiling napatingin ako sa salamin ng sasakyan niya at ngumiti nang maalala ko ang nangyari kanina.

I love him, I'm still madly inlove with him that's why.

Nagulat ako sa gitna ng nakakalibang na pag-uusap namin ni Andrei ang mensahe na natanggap ko naman kay Ciara.

Ciara Ganda Lang:

Hoy! Uuwi ako ng Pilipinas bukas na ang landing namin sorry sa pagtext ng late, sunduin mo ko sa Airport, I'm with Kevin.

Aba't kala ko hindi na nila ako pupuntahan e, mas lalo tuloy ako natuwa.

"Andrei," pagtawag ko sa kaibigan agad na napatingin ito, "I don't want to go in Batangas I'm going to meet my friends tomorrow."

Napatigil siya dahilan para sa malakas na impact na pagtigil namin, isang irap ang pinakawalan ko, "Aray naman!" I hissed.

"Pinagpapalit mo na kami ni Betty?" May pait sa boses niya.

"Hoy Direk wag ka ngang madrama dyan, hanapan mo ako ng hotel para madali nalang bukas!" Bulaslas ko sinamaan niya lang ako ng tingin, mabuti nalang hindi pa kami nakakaalis sa Manila dahil saglit kaming kumain mabuti nalang talaga at wala pang toll gate ang byahe naming dalawa kaya alam ko na nasa Manila parin kami.

"Mabuti talaga sinabi mo kundi ikaw ang gagawin kong gas sa kotse ko lintik ka!" Sermon niya inirapan ko lang ito, agad niyang pinaharurot ang sasakyan para magu-turn kami.

I sighed.

"Sa condo ka nalang muna namin ni Clarky wag kana maghanap ng matutuluyan nandoon naman kami at may kwarto pa para sa'yo." Suhestiyon niya, sinamaan ko siya ng tingin.

Ayoko sana pero maganda ding ideya yun para di na siya mahirapan, at ang nakakainis pa wala akong damit! Kaya wala ako nagawa kundi paunlakan nalang ang suhestiyon niya bumili muna kami ng isusuot ko bago magtungo sa condo nila.

Ayoko din kasi pumunta sa Batangas muna dahil babalik naman ako kaagad don kapag sinalubong ko ang dalawa.

Isa pa alam kong tutungo talaga sila sa Batangas siguro sinabihan na din nila si Tita Laura na uuwi.

Invisible Love String | COMPLETED ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon