CHAPTER 6

439 19 2
                                    

CONFRONTATION

"Yla? Uwian na! Aral na aral? Tara na dito!" Si Betty sa naiiritang boses.

Pa'no ba naman ayokong umalis sa loob ng classroom at gusto ko dito lang, ayoko pang makita si Nicolas na alam kong nag-hihintay sa labas.

"Hindi pa ba okay ang pakiramdam mo? Ayos ka naman na kanina nung groupings anong nangyari ngayon?" dagdag niya.

"Sainyo nalang ako sasabay!" hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahilan ng pag-kunot ng nuo ni Betty.

I saw Andrei gaved me a 'weird look' I sighed heavily.

"Please?"

Nakita ko sa huling pagkatataon ang pag-irap ni Andrei, I smirked.

"Sige na isabay na natin yan baka magalit nanaman sa'tin yan di na tayo tulungan sa assignments" birong asar niya.

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang sinabi niya at sumabay sakanila.

Bawat paghakbang ay pakaba nang pakaba lalo na sa paglapit, I feel like I'm going passed out anytime soon.

Narinig ni Andrei ang bawat pag-hinga na ginagawa ko, samantalang si Betty nag-patuloy sa mga daldal.

"You're driver is looking for you kanina, but hindi ko sinabi na nakita kita dahil nauna kami, I know what you--" I cut him off.

"It's okay, I j-just don't w-want to face him." I stuttered.

He sighed heavily.

Betty continued to talked, nang mapansin na masinsinan kaming nag-uusap ni Andrei sumali nanaman siya.

"Mag-tatampo na talaga ako sainyo. Hindi ba ko kaibigan?" Sarkastikong sinabi nito samin na may panunuya.

Napailing kami ni Andrei at inunahan siya, nakanguso naman siya na sumunod samin.

Samantalang patuloy kami sa paglalakad. Nang sabay sabay kaming matigilan.

"Ma'am Yla! Nakahanda na po ang masasakyan." Nagulat ako sa biglaang presensya ni Manong Nicolas ng makita ko siyang na nasa harap na pala namin.

Kapag minamalas ka naman! Bat hindi ko man lang nakita na palapit samin?!

Nagkatinginan sila ni Andrei, samantalang nakapikit na 'ko sa labis na hiya.

"U-uh!-" unang salita palang nararamdaman ko na ang kagaralgalan sa boses ko!

Si Andrei na ang nag-salita "Sasabay siya sa'min informed mo nalang si Tita Alena." He said happily dahilan ng pagkunot-nuo ng Driver ko.

"I'm sorry but Ma'am Yla needs to go home immediately." seryoso parin siya hindi man lang binigyan ng atensyon ang kaibigan ko.

Ramdam ko ang tensyon na nabubuo sa dalawa ganun din ang nararamdaman ni Betty.

Nakakabingi na katahimikan ang nangyari nang biglang nagsalita na si Betty.

"Ahmm, we have a groupings, isasama namin si Yla kasi siya ang leader namin. Hello!" Ramdam ko ang boses na kaba parin pati kay Betty.

Mas kuumunot lalo ang nuo ni Nicolas bago magpakawala ng malalim na hininga seryoso paring nakatingin.

"Okay, Pero I informed you all that I have to go too, kung nasaan si Ma'am Yla kasama niyo."

Sabay kaming tatlo na nagkatinginan, hindi ko man lang madespensahan ang mga kaibigan ko sa pambabastos na nangyayaring 'to sa Driver ko at sakanila, ang pag-bubuhat nila sa'kin para maiwasan ang taong 'to na nagbibigay ng kakaibang nararamdaman sa'kin.

Invisible Love String | COMPLETED ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon