CHAPTER 20

253 11 9
                                    

SERENADE

Pumasok kami ni Nicolas sa bahay na agad na sinalubong nila Mommy, nagulat pa si Mommy na kasama ako nito.

"Oh! Nico you're here with Yla pala, sa wakas naghihintay na si Alfredo!" Mommy said with giggled tone at agad namang pinag-utos niya na tawagin si Daddy sa office.

Napatingin ako kay Nicolas na kinindatan lang ako.

Nang mag-simula kaming kumain ng dinner, kahit busog parin ako sumabay parin ako pero kakaunti lang, may pag-uusapan pala sila ni Daddy kaya siya nandito at namimiss niya daw ako, may gana pang mangbola kahit business naman talaga ang sadya.

Nauna akong matapos at hinayaan sila doon.
Sinundan ako ng tingin ni Nicolas na tinanguan ko lang.

Lumabas ako at pumunta sa pool side I sighed heavily nilubog ko ang mga paa sa pool.

Ilang minuto din ang nakalipas ng may maramdaman akong presensya sa likod ko agad akong napalingon I see Nicolas smiling at me kakikitaan na may binabalak.

Oh please, not now.

Agad siyang lumapit sakin pero nag-save ng pagitan hinayaan ako sa pag-tingin sa kung saan hanggang sa nagsalita siya.

"What are you thinking?" He said.

"Nothing, I'm just tired." I said with a low voice.

Lumapit siya sa'kin ngayon naramdaman ko na napansin niyang natigilan ako kaya natawa siya bahagya.

"Hmmm, hindi ka parin sanay?" Pang-aasar niya na kinanguso ko, kinurot ko ang tagiliran niya dahilan para mapaungot siya sa sakit sinamaan ako ng tingin pero inirapan ko lang ito.

"No kissing! Di naman kita pinalo!" I said with giggled tone.

He chuckled and continue caressing my weight in his body and leaned my head in his chest, inamoy-amoy pa niya bahagya ang buhok ko na maingat niya pang sinusuklay.

Naisip ko na baka mabaho na 'to kaya umayos ako, "Hindi pa ko naglilinis Nicolas."

"It's okay I like your smell and I love you."

Napailing nalang ako at tinusok tusok ang tagiliran niya para tumahimik na siya sa pagsasabi ng kung ano-ano.

Hindi na ko makahinga! At alam ko na mawiwirduhan na sila Mommy kapag nag-tagal pa kami dito.

"Tara na, pasok na tayo!" Anyaya ko sakanya na hinihila hila pa, at ang loko hindi nagpapahila mas binibigatan pa ang sarili.

"Nicolas!" I hissed at him, tumawa lang ang walang hiya.

"Sila Mommy magtataka yon!" Habol ko sinasamaan na ng tingin ang kasintahan.

"Edi sabihin na natin na may relasyon tayo." Pinaningkitan ako nito ng mga mata.

"Nicolas!"

"I love you!" He chuckled.

I pouted, nakakainis gasgas na ang words na 'to pero kapag siya--

Bakit nagiging corny na ako?! Ito ba nagagawa ng pag-ibig? I shooked my head samantalang nakatitig na sa'kin si Nicolas.

"Stop that! Or I'll--"

"I'll?"

"Tse! Aakyat na ko bahala ka dyan!" Inirapan ko siya at iniwan don, narinig ko pa ang pag-tawa niya at tinawag pa ako tila sinusundan pero di ko na siya nilingon.

Kaya ako naiilang kanina kasi nag-sisimula nanamang humarot si Nicolas na ganito pa ang lagay 'ko! I feel stinky and--

Napatingin ako sa baba ng pumasok din siya at nginusuan ako dahil tinawag pala siya ni Daddy, inirapan ko lang ito at nagpatuloy sa pag-akyat.

Invisible Love String | COMPLETED ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon