CHAPTER 47

239 6 2
                                    

CRAZY

Nakatitig ako sa mansion ng mga Dela Vega ito ang pangatlong pagkakataon na nandito ako at sobrang kinakabahan ako kapag nakita pa nila ako dito.

Hindi naging maganda ang pagkikita ko kay Tita Grace dahil galit siya sa'kin at dahil nandoon si Amanda, nagulat ako sa pagpisil ng kamay ni Nicolas pinapasok kami ng mga katulong doon na laglag panga sa presensya ko pero agad na nagiging aligaga kapag may pinaguutos si Nicolas sakanila.

Napasinghap ako nang makita kong sinalubong si Nicolas ni Tita Grace na napawi ang ngiti nang makita ako, nag-iwas ako ng tingin at napayuko.

Para lang akong hangin na nadoon hindi pinahalata kay Nicolas ang pag di gusto sa'kin.

Plastik na ngiti ang iginawad niya na di ko man lang nagantihan.

"How's vacation Son?" Hinalikan nito sa pisngi si Nicolas sumagot naman ito at bago pa siya magsalita nakita ko si Tito Imman na seryoso ang tingin sa anak at tumuon ang paningin sa'kin.

Mas lalo akong kinakabahan hindi ko kayang magpabuntong hininga sa harapan nila.

Nakita ko naman ang paglabas ni Amanda at Gavin na sinalubong din si Nicolas.

Ramdam ko tuloy ang tensyon at parang jelly ang katawan ko na nagpatianod na sumunod sakanila papasok.

Masama ang tingin ni Amanda sa'kin, bakit gulat ka ba sa presensya ko dito? asawa pala hah, kaya pala papakasalan ako. Gusto kong tumawa sa inis na pagiging ilusyunada niya pero dahil nasa bahay ako ng mga Dela Vega hindi ko na ginawa iyon.

Sa pagkain namin ramdam ko na walang gustong magsalita nararamdaman ko rin ang kairitahan ni Nicolas kaya kahit ang mga magulang niya hindi siya magawang kausapin napairap ako kay Amanda nang magsalita siya.

"How's your vacation N.K?" Tila nainis ako sa tawag niya kay Nicolas, aba at ang babaeng ito napakatalaga!

N.K, N.K wow hah!

Ang pagkain na kinakain ko ay dinudurog durog ko dahil sa inis ako lang ang pwede tumawag ng ganyan! Nakita ko namang napatingin si Gavin sa ginagawa ko kaya natawa siya dahilan para mapatingin ang lahat sa'kin.

"Kawawa naman yung karne Ms. Yla." Pormal na tugon niya agad ko namang sinubo iyon at ngumiti pero inalis ni Nicolas ang iba pang karne na nandoon dahil siguro hindi ko nanaman pipigilan ang mamantikang pagkain na bawal sa kondisyon ko.

Kumunot ang nuo ni Gavin sa ginawa ng kapatid niya dahil dinagdagan nanaman ni Nicolas ng gulay ang plato ko.

"Tama na 'yan." Mahinang tugon ko at sinimulan na ulit ang pagsubo nagtaas naman ng kilay si Tita Grace sa'kin kaya tumuon ang paningin ko sa plato at patuloy na kumain.

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin malayong malayo sa unang pagkikita ko sa pamilya ni Nicolas.

Nang matapos kami sa pagkain agad naming pinuntahan ang veranda sa loob ng mansion nila kasama ko si Nicolas pero agad namang may tumawag sakanya nagpaalam si Nicolas sa'kin kaya naiwan niya ako roon agad akong nilamon ng kaba dahil hindi ako komportable sa mansion nang makita kong papalapit si Tita Grace sa'kin nag-iwas ako ng tingin at saglit na pinalibot ang mga mata sa malawak na mansion pero hindi ko na natanaw si Nicolas.

Bigo akong makita siya pero napamuglat ako ng magsalita si Tita Grace dahilan ng pagbaling ko sakanya nakatanaw na rin siya sa ibaba ng veranda at nagsasalita.

"I'll be honest to you Ms. Fernandez, ang kapal naman ng mukha mong humarap dito matapos kitang ialipusta, can't you see? your father used my son to destroy our names and yet my son still loves you, anong gayuma ang pinakin mo sa anak ko at baliw na baliw iyon sayo?" Puno ng galit ang na sinabi niya, nag-iwas ako ng tingin dahil naiintindihan ko siya, naiintindihan ko kung bakit ayaw nila sa'kin simula kay Tito Imman, kay Tita Grace hindi ko maisip na baka si Gavin din ayaw niya sa'kin.

Invisible Love String | COMPLETED ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon