CHAPTER 31

194 9 2
                                    

INVISIBLE

Kasabay ng pag-ihip ng hangin ang amoy ng probinsyang Batangas, nakakamiss ito pero halong pait ang nararamdaman, gusto ko puntahan ang mga kaibigan ko pero alam ko na mahigpit na pinagbabawal ni Tita Laura iyon kahit kilala niya pa ang mga Padillas at Lopezes.

Malaking bahay ang nakita ko, sa tingin ko dito na nga iyon sila nakatira, "Let's go anak."

Tumango ako at huminga ng mapatingin sa paligid, kulay abo ang gate at ang haligi ng medyo kalakihang bahay.

Sinabi sa'kin ng attorney nila Daddy at Mommy na may property pa kami dito sa Batangas at iyon ay ang mansion hindi ko alam kung bakit hindi ipinagbili iyon, o kung babalik pa ba ako doon, dahil kung ako ang tatanungin ayoko na bumalik doon.

Mabuti at kahit wala na kaming pera dahil sa sunod sunod na pangyayari may iniwan parin sa'kin ang pamilya ko yun nga lang yung ayoko pang balikan.

Hindi ko maisip na minsan pumupunta ba ang mga kaibigan ko don para kapag pagpunta nila magbabalik na ako pero dahil sa kondisyon ko hindi ko kaya.

Naalala ko ang lahat, kaya kahit na gusto ko ibenta yun hindi ko din magawa dahil pamana pa ng magulang ni Daddy iyon sakanya.

Agad kong tinungo ang kwarto ko, kasama ang gamit at si Tita Laura, medyo maliit iyon malayong malayo sa kwarto ko sa mansion na may veranda pa ito wala at simple lang pero malinis, hindi na ako maarte kaya kaya ko naman na sikmurain iyon "Sana magustuhan mo anak."

"Opo! Gustong-gusto!"

Iniwan niya ako roon, napatingin tuloy ako sa necklace ko na may ashes nila Daddy at Mommy.

"I miss you both, I don't know why I'm still here, kunin niyo na po ako." I mumurmed hanggang sa makatulog ako.

Umaga na nang magising ako si Tita Laura agad ang na nag-asikaso sa'kin, "Ako na po Tita, magtrabaho na po kayo."

"O sige at may pupuntahan ako, pero anak pwede ba kita mautusan na bumili ng pagkain natin?" Nahihiyang tugon niya.

Dalawa lang kasi kami ni Tita Laura dito sa bahay at nasa Ilo-ilo ang pamilya niya kaya hindi niya maiuwian dahil sa hetic sched.

Agad naman akong tumango, "Yes po, ayos lang para din makalibot ako!" I smiled at her.

Nang matapos naging abala na siya sa loob ng bahay para sa pagtatahi at ng designs.

Kinuha ko pa sa bulsa ang listahan, natatandaan ko pa naman ang lugar pero sana huwag ako maligaw.

Sumakay ako sa pampublikong sasakyan agaw pansin ako dahil sa kulay ng balat ko at may nakakakilala pa sa'kin hindi ko inaasahan iyon.

"Si Yla?"

"Yla."

"Siya ba 'to? Ang ganda parin ah."

"Bakit nandito siya?"

"Mahiya nga kayo! Hala e!"

Suway nung isa sa mga kasama niya dahil nahihiya na din siguro sa mga sinasabi nito.

"Nakakagulat lang kasi e! Ba't nandito siya."

"Umuwi na pala sila rito."

Iniwas ko ang tingin sa mga iyon.

Nang makababa ako sa isang wet market inilabas ko ang mga bibilhin, ito ang unang beses na bibili ako kaya sana wag palpak.

Nagulat ako nang may bumisina sa likuran ko napamura ako sa sasakyan na iyon! Bastos!

Invisible Love String | COMPLETED ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon